You are on page 1of 14

Filipino 4

Week 8
Layunin

1. Nakasusulat ng
kwento tungkol sa
natatanging tao sa
pamayanan
2. Nakasusulat ng
tugma o maikling tula
Balikan:
Basahin ang SMS (short
messaging text) at sagutin ang
mga tanong ukol dito.
1. Sino ang pinadalhan ng
mensahe sa SMS?
2. Bakit inaalam ang
address nila Jo-C?
3. Ano ang tugon ni Jo-C?
4. Ano ang huling
mensahe?
Tuklasin
May alam ka bang kwento
tungkol sa isang kilalang tao sa
inyong barangay o
pamayanan? Sino ito?
Kaya mo bang sumulat ng
kwento, tugma, o tula
tungkol sa kanya?
Basahin natin at unawain ang
tugma.
Bayani ng bayan,
Kung siya’y tagurian,
Manong Bert ang
kanyang pangalan,
Lapitan ng may
kailangan .
Ang lansangan,
Pangalawa niyang
tahanan,
Sino mang magdaan,
Siya’y kinagigiliwan.
Mayroon ding tula kay Manong Bert.

Bagong Bayani
Ikaw at ako may tanong sa mundo
Sa ating paligid kalayaa’y pinagkait
New normal na karaniwang sinasambit
Mga kabataan laging alumpihit.
Mga frontliner sakripisyo’y hindi matawaran
Hirap at sakit ng kanilang katawan
Maging buhay nila’y sa atin inilaan
Mga mahal sa buhay kanilang iniwanan.

Anumang hirap ating maalpasan


Kung ang lahat ay magtutulungan
Pagsunod sa batas at kataas-taasan
Tagubilin nila’y pagsunod ang
kasagutan.

Doktor, nars, pulis at tindero


Bagong bayani ngbuong mundo
Sa inyo kami’y sumasaludo
At kayo’y aming iniidulo.
Ganito isinusulat ang tugma.

Ang mga salita ay tinatawag na tugma kung


magkasintunog ang kanilang huling pantig.
Kadalasan ang tugma ay matatagpuan sa unahan
o hulihan ng mga salita. Ang magkatugmang
salita ay ginagamit sa tula, awit, dula at
balagtasan.
Ganito isinusulat ang isang
maikling tula.

Isipin ang paksa; ang salitang


magkatugma; ang bilang ng saknong at
taludtod.
Ganito isinusulat ang kwento.

Sa pagsulat ng kwento ay dapat isaalang-alang


ang mga bahagi at elemento ng kuwento:
- Pamagat -Banghay
- Tauhan (simula, gitna, wakas)
- Tagpuan -Himig o damdamin
Tapusin ang tugma. Piliin ang angkop na
salita para sa patlang.
- mananahi - kulay - sulat
- sandigan - lumawak
1. Karterong maingat,
Taga hatid ng __________.
2. Kaalaman ay __________,
Sa gurona humawak.
- mananahi - kulay - sulat
- bayan - lumawak

3. Si Bestreng __________,
Damit ko ang tinahi.
4. Tinapay ng buhay,
Panadero ang nagbigay __________.
5. Mga bayani ng __________,
Ating sandigan.

You might also like