You are on page 1of 4

PHIL-IRI READING

ASSESSMENT
GRADE THREE
Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat 

“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang Baitang III.”


Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat.
Tinanggap ni Jose ang premyo bilang pangulo ng kanilang
klase. “ Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa aking mga
kaklase. Tulung-tulong naming inayos ang mga aklat sa kabinet,
nagpunas ng mga bintana at pader. Sama-sama din kaming
nagtanim ng mga gulay at halamang namumulaklak. Araw-araw
naming itong ginagawa. Nanaig ang bayanihan sa amin.”
1. Ano ang paksa ng ating kwento?
2. Alin ang napiling pinakamalinis na silid-aralan?
3. Sino ang tumanggap ng premyo?
4. Bakit kaya Baitang III ang nagwagi sa
paligsahan?
5. Ano kaya ang naramdaman ng gurong
tagapamahala nina Jose ng sila ay nanalo?
6. Kung sasali ang inyong klase sa paligsahan ng
pinakamalinis na silid-aralan, ano ang gagawin
ng inyong klase upang manalo?

You might also like