Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________
Pagganyak: Paano kayo tumutulong upang mapanatiling malinis ang inyong
bahay? Mahalaga ba ang pagtutulungan upang mapanatili ang kalinisan ? Alamin natin kung paano ito nagbigay ng tagumpay sa Baitang III.
Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat
“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang Baitang III. ”
Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat. Tinanggap ni Jose ang premyo bilang pangulo ng kanilang klase. “ Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa aking mga kaklase. Tulung- tulong naming inayos ang mga aklat sa kabinet, nagpunas ng mga bintana at pader. Sama-sama din kaming nagtanim ng mga gulay at halamang namumulaklak. Araw-araw naming itong ginagawa. Nanaig ang bayanihan sa amin.”
Gr. III Bilang ng mga Salita: 73
Mga Tanong:
Literal 1. Ano ang paksa ng ating kwento? ________
Sagot: Tagumpay ng isa, tagumpay ng lahat
2. Alin ang napiling pinakamalinis na silid-aralan? ________
Sagot: sa Baitang III
3. Sino ang tumanggap ng premyo? ________
Sagot: Si Jose
Pagpapaka- 4. Bakit kaya Baitang III ang nagwagi sa paligsahan? ________
hulugan Maaaring Sagot: Dahil nagpunas sila ng mga bintana at dingding. Dahil nagtanim sila ng halaman at gulay. Dahil araw-araw silang naglilinis. Dahil sila ay nagbayanihan. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.) 5. Ano kaya ang naramdaman ng gurong tagapamahala nina Jose ng sila ay nanalo? ________ Maaaring Sagot Masaya Natutuwa Ipinagmamalaki niya ang kanyang mag-aaral. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
Paglalapat 6. Kung sasali ang inyong klase sa paligsahan ng
pinakamalinis na silid-aralan, ano ang gagawin ng inyong klase upang manalo? ________ Maaaring Sagot: Hindi kami magkakalat. Maglalagay kami ng kurtina sa bintana. Hihingi ng tulong sa magulang upang mapinturahan ang klase. Magtutulungan kami sa paglilinis. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
7. May iba’t ibang paligsahan na nagaganap sa inyong
paaralan, magbigay ng isa mga paligsahang ito at bakit ito ang gusto mong salihan? ________ Maaaring Sagot: Slogan Contest, nais ko pong mahasa ang aking talino sa pagsulat. Pagpipinta, nais ko pong mahasa o gumaling sa pagguhit at pagpipinta. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat
“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang
Baitang III. ” Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat. Tinanggap ni Jose ang premyo bilang pangulo ng kanilang klase. “ Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa aking mga kaklase. Tulung-tulong naming inayos ang mga aklat sa kabinet, nagpunas ng mga bintana at pader. Sama- sama din kaming nagtanim ng mga gulay at halamang namumulaklak. Araw-araw naming itong ginagawa. Nanaig ang bayanihan sa amin.”