You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO
DISTRICT I-D
MAMBUGAN 1 ELEMENTARY SCHOOL

C2R (CREATING a CITY of READERS) PROGRAM

WEEKLY PLAN FOR READING ENRICHMENT ACTIVITIES IN FILIPINO


SY 2020-2021
GRADE LEVEL: Grade 3
WEEK: 2 (October 19-23, 2020)

Name:____________________________________Grade/Section:_____________
Teacher:__________________________________

Paalala sa mga Magulang,


Ito po ay para sa isang Linggong Pagsasanay sa Pagbasa para sa inyong
mga anak o tinatawag natin sa English na Enrichment/Remediation. Pakigabayan
po ang inyong mga anak. Salamat po !!

*Pagsasanay l: Bago simulan o gawin ang pinagagawa ay basahin muna ang Part 1 at
2 ng Batayang Talasalitaan araw-araw.

Lunes : Unang Gawain sa Pagbasa:

Basahin at Pag-aralan :
Pagpapalawak ng Talasalitaan :

*Basahin ang mga sumusunod na mga salita :

premyo silid-aralan

nanaig kabinet

bayanihan pader

*Pag-aralan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

Salita Kahulugan
1. tagumpay Ito ay pagkamit ng isang magandang kapalaran.
2. premyo Ito ay gantimpala na ibinibigay kapag nanalo sa
patimpalak.
3. nanaig Ito ay nangibabaw sa iba.
4. bayanihan Ito ay tawag sa pagkakaisang nagpapagaan sa
anumang gawain sa pamamagitan ng tulungan at
damayan.
5. silid-aralan Ito ay isang espasyo para sa pag-aaral na kung saan
natuto ang mga bata.
6. kabinet Ito ay isang hugis-kahon na muwebles na may mga
pintuan o mga kahon para sa pag-imbak ng iba’t ibang
mga gamit.
7. pader Ito ay bakod na gawa sa bato o semento.

Martes na Gawain sa Pagbasa:


Mag-isp at Maghanap :

*Hanapin sa kanan ang kahulugan ng mga salitang nasa kaliwa .

Kolum A : Salita Kolum B : Kahulugan


1. pader A. Ito ay nangibabaw sa iba.
2. tagumpay B. Ito ay tawag sa pagkakaisang nagpapagaan sa
anumang gawain sa pamamagitan ng tulungan at
damayan.
3. premyo C. Ito ay isang espasyo para sa pag-aaral na kung saan
natuto ang mga bata.
4. kabinet D. Ito ay gantimpala na ibinibigay kapag nanalo sa
patimpalak.
5. nanaig E. Ito ay isang hugis-kahon na muwebles na may mga
pintuan o mga kahon para sa pag-imbak ng iba’t ibang
mga gamit.
6. silid-aralan F. Ito ay pagkamit ng isang magandang kapalaran.
7. bayanihan G. Ito ay bakod na gawa sa bato o semento.

Miyerkules Gawain sa Pagbasa :

Tayo ng Magbasa!
*Hayaang magbasa ang mag-aaral sa tulong at gabay ng kanilang magulang o
tagapag-alaga .

Dagliang Tanong: Sagutin ang mga sumusunod na tanong .

Pagganyak: Nasubukan niyo na bang manalo at tumanggap ng papremyo ? Saan


at kailan ito nangyari ?
Pangganyak na Tanong : Ayon sa kuwento, bakit kaya Baitang III ang nagwagi
sa paligsahan?

Babasahin ng Magulang ang pamagat ng Kuwento :

Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat

Oras ng Magbasa ng malakas:

‘’….at ang piakamalinis na silid-aralan ay ang Baitang III.’’

Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat.

Tinanggap ni Jose ang premyo bilang pangulo ng kanilang klase. ‘’Salamat po sa inyong
lahat, lalong higit sa aking mga kaklase. Tulung-tulong naming inayos ang lahat ng aklat sa
kabinet, nagpunas ng mga bintana pader. Sama-sama din kaming nagtanim ng mga gulay at
halamang namumulaklak. Araw araw naming itong ginagawa. Nanaig ang bayanihan sa amin.’’

Level: Grade 3
Bilang ng mga salita: 73

Huwebes na Gawain sa Pagbasa:

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ang paksa ng ating kwento?
___________________________________________________
2.Alin ang napiling pinakamalinis na silid-aralin?
____________________________________________________
3. Sino ang tumanggap ng premyo?
____________________________________________________
4.Bakit kaya Baitang III ang nagwagi sa paligsahan?
______________________________________________________________________
5.Ano kaya ang nararadaman ng gurong tagapamahala nina Jose ng sila
ay nanalo?
______________________________________________________________________
6. Kung sasali ang inyong kaklase sa paligsahan ng pinakamalinis na silid-
aralan, ano ang gagawin ng inyong klase upang manalo?
_______________________________________________________________________
7.May iba’t ibang paligsahan na nagaganap sa inyong paaralan, Magbigay
ng isa mga paligsahang ito at bakit ito ang gusto mong salihan?
_________________________________________________________________________

Biyernes na Gawain sa Pagbasa:

Repleksyon!
Mga natutunan ko sa loob ng isang Linggo .

Para sa akin ang ibig sabihin ng Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat ay...
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Mahalaga ba ang bayanihan? Ipaliwanag ang iyong sagot .


_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Anong bahagi ng kwento ang nagustuhan mo? Bakit ? Ibahagi ang iyong naging
karanasan sa pagtutulungan.
_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
Mahusay ! Natapos mo na ng Unang Linggo ng C2R ! Binabati Kita !
Mila20

You might also like