You are on page 1of 3

Phil-IRI Form 1 – Pretest

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Paano kayo tumutulong upang mapanatiling malinis ang


inyong bahay? Mahalaga ba ang pagtutulungan upang
mapanatili ang kalinisan ? Alamin natin kung paano ito
nagbigay ng tagumpay sa Baitang III.

Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat

“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang Baitang III. ”


Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat.
Tinanggap ni Jose ang premyo bilang pangulo ng kanilang klase. “
Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa aking mga kaklase. Tulung-
tulong naming inayos ang mga aklat sa kabinet, nagpunas ng mga
bintana at pader. Sama-sama din kaming nagtanim ng mga gulay at
halamang namumulaklak. Araw-araw naming itong ginagawa. Nanaig
ang bayanihan sa amin.”

Gr. III
Bilang ng mga Salita: 73

Mga Tanong:

Literal 1. Ano ang paksa ng ating kwento? ________


Sagot: Tagumpay ng isa, tagumpay ng lahat

2. Alin ang napiling pinakamalinis na silid-aralan? ________


Sagot: sa Baitang III

3. Sino ang tumanggap ng premyo? ________


Sagot: Si Jose

Pagpapaka- 4. Bakit kaya Baitang III ang nagwagi sa paligsahan? ________


hulugan Maaaring Sagot:
 Dahil nagpunas sila ng mga bintana at dingding.
 Dahil nagtanim sila ng halaman at gulay.
 Dahil araw-araw silang naglilinis.
 Dahil sila ay nagbayanihan.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

SY 2012-2013
5. Ano kaya ang naramdaman ng gurong tagapamahala
nina Jose ng sila ay nanalo? ________
Maaaring Sagot
 Masaya
 Natutuwa
 Ipinagmamalaki niya ang kanyang mag-aaral.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

Paglalapat 6. Kung sasali ang inyong klase sa paligsahan ng


pinakamalinis na silid-aralan, ano ang gagawin
ng inyong klase upang manalo? ________
Maaaring Sagot:
 Hindi kami magkakalat.
 Maglalagay kami ng kurtina sa bintana.
 Hihingi ng tulong sa magulang upang mapinturahan
ang klase.
 Magtutulungan kami sa paglilinis.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

7. May iba’t ibang paligsahan na nagaganap sa inyong


paaralan, magbigay ng isa mga paligsahang ito
at bakit ito ang gusto mong salihan? ________
Maaaring Sagot:
 Slogan Contest, nais ko pong mahasa ang aking
talino sa pagsulat.
 Pagpipinta, nais ko pong mahasa o gumaling
sa pagguhit at pagpipinta.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

SY 2012-2013
Phil-IRI Form 1 – Pretest

Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat

“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang


Baitang III. ”
Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat.
Tinanggap ni Jose ang premyo bilang pangulo ng
kanilang klase. “ Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa
aking mga kaklase. Tulung-tulong naming inayos ang mga
aklat sa kabinet, nagpunas ng mga bintana at pader. Sama-
sama din kaming nagtanim ng mga gulay at halamang
namumulaklak. Araw-araw naming itong ginagawa. Nanaig
ang bayanihan sa amin.”

SY 2012-2013

You might also like