You are on page 1of 41

ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG KUMPLETONG

PASILIDAD SA ELIM CHRISTIAN ACADEMY INC.

Isang Pamanahong Papel na Iniharap

sa Lupong Paaralang Sekondarya

Elim Christian Academy Inc.

Lungsod ng Trece Martires

Bilang Bahagi sa mga

Gawaing Kailangan sa Pagpasa sa

Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Dimaunahan, Erica T.

Estacio, John Joseph R.

Garcia, Junie Anne L.

Ogarte, Jeanekaye B.

Ruiz, Christler B.

Bartolo, Essai Mark D.

Lim, Leonardo Hanz L.


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng sabjek na Filipino 1,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik; Ang Pananaliksik na ito na

pinamatagang Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa Elim

Christian Academy Inc. ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik

mula sa 11 - STEM na binubuo nina:

___________________ ___________________ __________________

Erica T. Dimaunahan Jeane Kaye B. Ogarte John Joseph R. Estacio

___________________ ____________________ ___________________

Christler B. Ruiz Essai Mark D. Bartolo Leonardo Hanz L. Lim

___________________

Junie Anne L. Garcia

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, paaralan ng Elim

Christian Academy, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

G. Jay Aviola
Guro
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na

indibidwal, tanggapan at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para

sa walang humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging

matagumpay ang pagbuo ng pamanahong papel na ito:

Kay G. Jay Aviola, ang aming minamahal na guro sa Filipino, salamat sa

paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na

mapaganda at mailathalaang aming papel;

Sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aming pinaghanguan ng

mahahalagang impormasyon sa una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel

na ito;

Sa Baitang 7 na aming naging respondente, salamat sa paglaan ng panahon

upang matapat at makatotohanang masagutan ang inihandang naming

kwestyoneyr,

Sa aming mga kani-kaniyang pamilya na gumabay, sumuporta, at umunawa

sa amin sa mga panahong naghihirap at ginugugol an gaming oras sa paggawa ng

proposal na ito, at higit sa lahat;


Sa Diyos Amang Makapangyarihan, sa pagdinig sa aming mga panalangin

at pagtugon sa aming nais na matapos ang pamanahong-papel na ito sa itinakdang

oras. Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Erica T. Dimaunahan

Jeane Kaye B. Ogarte

Junie Anne L. Garcia

John Joseph R. Estacio

Christler B. Ruiz

Leonardo Hanz L. Lim

Essai Mark D. Bartolo


TALAAN NG NILALAMAN

Fly Leaf I ………………………………………………………………... i

Dahon ng Pagpapatibay ………………………………………………… ii

Pasasalamat ……………………………………………………………… iii

Mga Nilalaman ………………………………………………………… iv

Fly Leaf II ………………………………………………………………. 1

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito ………………………… 2

1. Introduksyon …………………………………………………….. 2

2. Layunin ng Pag-aaral ……………………………………………. 4

3. Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………. 5

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ……………………………... 6

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………………… 7

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag- aaral at Literatura …………… 9

Kabanata III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik ……………………. 16

1. Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………… 16

2. Mga Respondente ……………………………………………….. 17

3. Instrumentong Pampananaliksik ………………………………… 17


4. Tritment ng mga Datos …………………………………………… 17

Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ………... 19

Kabanata V Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon ……….......... 27

1. Lagom ………................................................................................ 27

2. Konklusyon ………........................................................................ 27

3. Rekomendasyon ………................................................................ 29

Listahan ng mga Sanggunian ……….................................................... 30

Apendiks ………..................................................................................... 32

A. Sarbey-Kwestyoneyr ………........................................................ 32

B. Mga Larawan ………................................................................... 34


KABANATA 1

INTRODUKSYON

Ayon kay Grant Finster “We would like to build a sustainable school facility in
each community, provide training to local teacher and supply children with a
sufficient amount of educational supplies”. Ang paaralan ay isang institusyon na
naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman sa bawat batang pumapasok at
nag – aaral dito. Isang tahanang pumapangalawa sa bawat batang nag nanais
matuto. Maraming salik ang kinokonsiderasa isang institusyon upang matawag ito
na isang paaralan ayon sa DepEd na katulad ng mga pasilidad na siyang
nagsisilbing kagamitan upang mas mapaunlad ang kaalaman ng bawat mag –
aaral.

Ang mga pasilidad sa mga paaralan ay napakahalaga para sa mga estudyante para
mas lalong matuto. Ang mga pasilidad na ito ay nagbibigay sa kanila ng aktuwal
na karanasan sa kanilang mga pinag-aaralan.

May palikuran, silid-aklatan, kainan, silid-aralan at marami pang iba ay iilan


lamang sa mga pasilidad na mayroon dapat ang isang paaralan. Laking tuwa
naman namin dahil ang aming paaralan ay nagtataglay ng ganitong mga pasilidad.
Hindi man masasabing kumpleto ngunit ang mahalaga ay mayroon ang mga
pangunahing pasilidad na silid-aralan, kainan, silid-aklatan at palikuran. Malaki
ang epekto nito sa mga mag-aaral lalo na sa kanilang pag aaral. Kung walang
maayos na silid aralan ang mga mag-aaral ay di sila gaganahan magaral at
tatamarin na sila. Katanggap-tanggap pa yung maalinsangan na panahon ngunit
kung wala man lang maayos na bentilador at mga ilaw sa isang silid-aralan ay
abuso na. Mahihirapan sila mag aral dahil sa mga kakulangan ng gamit. Sa mga
palikuran naman at kainan ay dapat sinisiguradong malinis ito palagi dahil
kaunting dumi lamang dito ay maaaring pagmulan ng sakit. Sakit na
makakahantong sa kawalan ng pokus sa pag aaral. Kasabay ng dekalidad na
pagtuturo ay dapat samahan ito ng maayos na mga pasilidad.

Pasilidad ang maghahanda sa isang estudyante kung gaganahan ba siya mag aral o
hindi. Kung malinis, tahimik at organisado ang kapaligiran ay tiyak na gaganahan
silang mag aral. Sa pamamagitan nito ay dadami pa ang mga produktibong mga
estyudante na mag-aangat sa ating bansa.
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman kung ano ang


kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa Elim Christian
Academy Inc.

Ang sumusunod ay magsisilbing gabay sa pag-aaral na ito:

1. Paano nakatutulong ang kumpletong pasilidad?

2. Paano mapapangalagaan ng mga mag-aaral ang mga pasilidad sa

paaralan?

3. Bakit kinakailangan ng isang paaralan ang magkaroon ng kumpletong

pasilidad?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Dahilan sa mabilis na pag-unlad ng ating bansa sa larangan ng edukasyon, lalong

nadaragdagan ang mga bagay na kailangan gawin. Anuman ang maging resulta ng

pag-aaral na ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: sa

mga mag-aaral, sa mga guro, sa mga pinuno ng paaralan, at maging sa ibang mga

mananaliksik.

Para sa mananaliksik

Sa pananaliksik na ito na pinamagatang “ANG KAHALAGAHAN NG

PAGKAKAROON NG KUMPLETONG PASILIDAD SA ELIM CHRISTIAN

ACADEMY INC.” ay nakakalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik na

nagsilbi upang lalo pang madagdagan ang kaalaman ng bawat isa at maintindihan

ng lubos ang mga mag-aaral at ang tunay na kahalagahan ng kumpleto at maayos

na pasilidad.

Para sa mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang imulat ang bawat isipan ng mga

mag-aaral sa tunay na kahalagahan ng edukasyon at ng kahalagahan ng maayos at

kumpletong pasilidad para sa mga mag-aaral at nang sa gayun ay makapag-bahagi

rin ang mag-aaral sa kapwa nila mag-aaral tungkol sa maayos na pasilidad.


Sa Elim Christian Academy Inc.

Ang pag-aaral na ito ay upang makatulong sa komunidad ng ECA at upang

mapangalagaan at mapanatiling maayos ang paaralan na ito at lalo pang makilala

ang paaralan sa Magandang kalidad ng Edukasyon.


SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kung ano ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa Elim Christian Academy Inc. Saklaw
nito ang mga estudyante mula sa baitang 7 ng Elim Christian Academy Inc.

Nakapokus din ang paksang ito, sa pasilidad ng paaralan, kung paano


nakatutulong ang kumpletong pasilidad, ano ang epekto nito sa mga mag-aaral,
paano mabibigyang kabuluhan ang pasilidad sa paaralan, at paano
mapapangalagaan ng mga mag-aaral ang mga pasilidad sa paaralan.

Ang pananaliksik ay binubuo ng pitong (7) mananaliksik na kung saan


bawat isa ay nagtulong-tulong at nag-ambag ng mga kaalaman upang maisagawa
ng maayos ang pananaliksik na ito.
DEPINISYON NG MGA TERMONOLOHIYA

Ang mga terminolohiya ay binigyang kahulugan batay sa pag-aaral na


isinagawa ng mga tagasaliksik.

1. Paaralan- ang paaralan ay isang institusyon na kung saan pormal ang


pagtuturo at makakapulutan ng kagandahang asal at disiplina. Dito
matatagpuan ang mga guro at estudyante na nagpapalitan ng kaalaman.
2. Department of Education (DepEd) - ay ang departamentong
tagapagpatupad ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa
pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng Edukasyon sa
Pilipinas. Ito ang pangunahing tagaisip ng mga polisiyang pang-
edukasyon at responsable sa sistemang pang-elementarya at pang-
sekondarya dito sa Pilipinas.
3. Silid-aralan- ay isang espasyo para sa pag-aaral, isang silid na kung saan
natututo ang mga bata at matanda ng iba'tibang mga bagay. Matatagpuan
ang mga silid-aralan sa mga iba't ibang institusyon pang-edukasyon, mula
sa mga preschool hanggang sa mga pamantasan, at maaring matagpuan
din sa ibang mga lugar kung saan mayroong pagsasanay o edukasyon na
binibigay, katulad ng mga korporasyon at organisasyong pang-relihiyon o
makatao.Sinusubok ng silid-aralan na magbigay ng isang espasyo kung
saan ang pagkatuto ay hindi naabala ng panlabas na gambala.
4. Silid-aklatan - Ang silid-aklatan o ang "library" ay isang mahalagang
bahagi ng isang paaralan. Sa silid-aklatan makukuta ang iba't ibang
klaseng mga libro at iba pang mga kagamitan na maaaring gamitin ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ang ipapatayong silid-aklatan ay
malaking tulong sa mga mag-aaral sa pagkuha ng mga impormasyon at
ideya ukol sa kanilang mga aralin. Napakahalaga ng silid-aklatan sa mga
mag-aaral dahil dito sila makakakuha ng mga "reliable sources" na
magagamit nila sa kanilang pag-aaral. nakakatulong din ito sa mga mag-
aaral na mapalawak ang kanilang kaalaman at madagdagan ang kanilang
mga bukabulario mula sa pagbabasa ng mga libro. Maiiwasan din ang
pagkalat ng mga maling impormasyon mula sa "internet". Ayon sa mga
pag-aaral malaki ang naiaambag ng mga silid-aklatan sa pag-unlad at pag-
asenso ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral na nag-aaral sa isang
paaralan na may silid-aklatan ay mas magagaling bumasa kaysa sa
karaniwan.
5. Bentilador - ay isang dekuryenteng kagamitang nakalilikha ng daloy ng
hangin upang maginhawaha ang tao o nilalang tuwing mainit. Para rin ito
sa pagkakaroon ng tamang bentilasyon, pagpapalamig, at ibang
panghangin paggalaw o pagdadala ng hangin. Sa konseptong mekanikal,
maaaring maging anumang umiikot na banoglawin o mga banoglawin
(parang elisi o propeler) ang isang bentilador o "dekuryenteng pamaypay"
na ginagamit sa paggawa ng mga daloy ng hangin.
6. Black board o Pisara - Ang pisara ay importanteng bagay na
matatagpuan sa mga paaralan. Ginagamit ito n gating mga guro sa pagturo
ng kanilang mga leksyon. Ang pisara ay maaring kulay berde na
ginagamitan ng tsalk bilang panulat. Ang ibang pisara naman ay kulay
puti, kung saan marker ang ginagamit bilang panulat. White board ang
tawag dito sa ingles. Hindi makukompleto ang isang araw ng pag-aaral
kung hindi tayo gagamit ng pisara. Sa asignaturang Matematika,
mahalagang-mahalaga ang pisara dahil dito isinusulat ang iba’t-ibang
halimbawa ng problemang numero. Kung hindi tayo gagamit ng pisara,
mahihirapan tayong intindihin ang iresolba ang mga problemang
matematika. Sa ibang asignatura naman, mahalaga ang pisara dahil
ginagamit itong pagsulat ng mahahalagang salitang ibinibigkas ng guro na
maaaring kopyahin ng mag-aaral bilang kanilang leksyur. Malaki ang
halaga ng mga pisara, sa ating pag-aaral, kung wala ito tayo ay
mahihirapan.
7. Telebisyon – ang midyum ng telekomunikasyon na naghahatid ng mga
gumagalaw na imahe na maaring monochrome o colore, mayroon o
walang tunog at ginagamit din ito sa paaralan.
8. Palikuran - ay karaniwan sa lahat ng tao sa mundo sapagkat dito tayo
naliligo, nagsisipilyo, nagbibihis, nag-aayos at iba pa sa silid palikuran,
kailangan kumpleto ang mga kasangkapan nagagamitin. Katulad ng sabon,
shampoo, conditioner at iba pang mga gamit. At yun ay kung tayo ay nasa
bahay lamang. Ngunit, kahit tayo ay nasa paaralan, kailangan pa rin
kumpleto ang kasangkapan kagayang handwashing soap, toilet paper at
higit sa lahat malamig at hindi mainit na tubig. Kadalasan ng mgatao ay
pumupunta sa palikuran bawat oras para makapaginhawa, kailangang
obserbahan at panatilihinang kalinisan nito upang maiwasan ang
pagkakaroon ng komplikasyon sa kalusugan o infection saurinary bladder.
9. Kantina - ay nakakadagdag atraksyon din sa loob ng paaralan. Bukod rito,
dito tayo kumakain at nag bibigay oras upang magkasama-sama ng mga
kaibigan sa iba't ibang grado o seksyon.
10. Pasilidad- ay isang material na bagay na makikita sa loob at labas
ng bahay. Yulad ngkompyuter, aircon, ilaw at T.V. Monitor.
11. Pananaliksik- ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong
impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay (o nghindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga
pamamaraan (o sistema), at sa pagsuboksa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang
prosesongmapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at
walang-kinikilingan (obhetibo).Nararapat na masagot ng prosesong ito ang
isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi
nakikilalangbagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
12. Institusyon - ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang
lipunan. Ito ay mga organisasyon o lipunan na pinatatatag ng iisang
misyon. Ang institusyon ay isang lipunan o samahan na itinatag para sa
isang relihiyon, pang-edukasyon, panlipunan, o mga katulad na layunin.
13. Edukasyon - ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang
nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at
pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga
mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.
14. Estudyante o Mag-aaral - Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na
mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao ay dumadaan sa
proseso ng pagiging estudyante. Ang mga estudyante ay nangangailangan
ng mga silid-aralan at mga kagamitan pang-iskwela.
15. Guro - isang di matatawarang propesyon na siyang tumutulong sa
paghubog ng mga susunod na henerasyon para sa pagkamit ng magandang
kinabukasan. Ito’y isang panunumpa sa sarili na pang habambuhay na
maalala ng mga estudyante.
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay isinaalang-alang ang mga kaugnay na literatura at

pag-aaral. Inilahad din ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na literatura at

pag-aaral na higit na makatutulong sa ginawang pagsusuri ng kakulangan sa

pasilidad.

Banyagang Literatura

Ayon sa nalimbag na aklat “College and University Facilities” ni David J.

Hueman noong 2003 bawat pasilidad sa isang paaralan o unibersidad ay

mahalaga. Malaki ang naitutulong nito para mas mapaunlad ang mga kakayahan

at abilidad ng bawat estudyante. Tinalakay din dito na dapat angkop ang disenyo

ng bawat gusali para mas maging kaaya-aya sa paningin ng mga mag-aaral,

kasama narin ang tibay ng mga ito.

Isa rin sa mahalaga at nakakaapekto sa pagkakaroon ng magandang

pasilidad ay ang mga tinatawag na “State Regulators”, na binaggit sa librong

“Planning and Managing School Facilities 2nd Edition ni Teodore J. Kowalski,

noong 2003. Ang mga State Regulators ang unang gumawa ng mga hakbangin

para sa pagpaplano sa mga unibersidad at eskwelahan, halimbawa nito ang


kagawaran ng Edukasyon at Commission on Higher Education (CHED). Ayon pa

kay Kowalski malaki ang nagiging epekto nila sa pagkakaroon ng maganda at

maayos na pasilidad ng isang paaralan dahil ang mga State Regulators na ito ang

isa sa mga may hawak ng badyet para sa mga unibersidad at paaralan.

Ayon naman kay Rutter Maughan 2002, mas nakakaapekto ang kalidad ng

paaralan, kalakip nito ang mga guro, estuktura at pasilidad sa progreso ng isang

mag-aaral kaysa sa panlipunang kasaysayan. Hindi pare-pareho ang abilidad ng

bawat mag-aaral kaya’t hindi maiiwasang magkaiba ang epekto nito sa kanila.

Gayunpaman, ang pagpapatibay at pagpapa-unlad ng kalidad ng isang institusyon

ay makakagawa ng malaking dahilan upang mas mapagaan ang paghihirap sa

pag-aaral.
Lokal na literatura

Ayon sa aklat na “Education Psychology” nila Gaudencio V. Aquino at

Perpetua U. Razon na nilimbag noong 2000, malaki din ang ginagampanang papel

ng mga guro at dalubguro para sa pagkatutong mga mag-aaral. Kailangang

maging bukas ang mga guro sa kanilang mga mag-aaral para mas madali silang

magkaintindihan.Mas mainam din kung ang mga guro at dalubguro ang

mangunguna sa paggamit ng mga teknolohiya o bagong pasilidad sa pagtuturo

sapagkat mas nakadaragdag ito ng kaalaman at mas nagiging malinaw sa mga

mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan.

Ayon kay Schneider (2002), ang pagkakaroon ng maayos na kapaligiran

ay isang mahalagang parte sa pagkamit sa tagumpay ng isang mag-aaral. Ang

pagkakaroon ng maayos na kapaligiran ay nakatutulong upang makapag-isip ng

maayos ang mga mag-aaral na makapagpapataas sa kanilang grado.

Ayon kay Raychauduri, Amivata, Majundar (2010). Ang mga pasilidad

ng paaralan ay naobserbahan bilang isang makapangyarihang kadahilanan sa

kalidad na edukasyon. Ang kahalagahan ng proseso ng pagtuturo at pag-aaral ay

hindi maaring bigyan-diin. Ang mabisang pag-aaral ay maaaring mangyari sa

pamamagitan ng isa pakikipag ugnayan sa kapaligiran. Ang kapaligiran ay

tumutukoy sa mga pasilidad na magagamit upang mapadali ang mga mag-aaral na

matutunan ang kinalabasan o tagumpay. Kabilang sa mga pasilidad na ito ang


gusali ng paaralan,aklatan , laboratoryo, mga aklat-aralin, software at hardware ng

teknolohiyang pang-edukasyon.Ang mga pasilidad na ito ay tumutulong upang

maapektuhan ang pagpapahusay ng pag aaral ng mga mag-aaral.Ito ay maaaring

maisasakatuparan kapag mayroong mga kwalipikadong guro upang mahawakan

ang paksa at ang mga pasilidad ay magagamit.

Nakilala ang mga pasilidad bilang pangunahing dahilan ng pag-aaral sa

paaralan. Iba’t ibang pag-aaral na isinagawa ng Ayodele (2006) at Vandider

(2011) ay nagpakita na ang isang positibong relasyon ay umiiral sa pagitan ng

pagkakaroon ng mga pasilidad at pang-akademikong tagumpay ng mga

estudyante. Pagsusulat sa papel na ginagampanan ng mga pasilidad sa pagtuturo.


KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan. Ang pamamaraang ito ay mabisa sa paglalarawan ng kasalukuyang

sitwasyon ng mga bagay. Karaniwan itong ginagamit sa pananaliksik ukol sa

linggwistika, agham panlipunan at panitikan.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang deskriptiv at analitik. Kung

saan ang deskriptiv ay naglalayong sagutin ang mga tanong na ano, saan, paano,

sino at kailan.

Ayon din kay Sanchez sa aklat ni Alipio Garcia, ito ay kinabibilangan ng

lahat ng mga pagaaral na kinpapalooban sa kasalukuyangkatotohanan na may

patungkol sa kaligiran at kalagayan ng anumang paksa. Naniniwala ang

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondante.

17
Respondente ng Pananaliksik

Upang makakuha ng impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang

“Pananaliksik hinggil sa epekto ng social media sa pag-uugali ng mga mag-aaral

sa baitang 9 ng Elim Christian Academy.” Ginamit ng mga mananaliksik nilang

tagatugon ang mga mag-aaral ng baitang 9 sa Elim Christian Academy na may

bilang na tatlumpu’t isang estudyante. Pinili ng mga mananaliksik ang mga

respondente sa ika-siyam na baitang sapagkat sila ang pinakamadaling

makatutugon sa mga pangangailangan sa pamanahong papel na ito. Dagdag pa

nito, sila ay may sapat na kaalaman sa pagsagot ng katanungan sa aming sarbey

kwestyuner.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey

questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na

magagamit sa pag-aaral. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon

tungkol sa epekto ng social media sa mga mag-aaral.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga surbey o

kuwestiyoner na ipinamigay sa mga mag aaral na naglalaman ng mga tanong na

18
patungkol sa paksa. Ang pagkuha ng bilang at porsiyente ay nakabase sa nagiging

abay at batayan. Ang mga naging sagot ng respondonte sa katanungan ang naging

gabay para makuha ang bilang at porsiyento sa pananaliksik.

19
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Presentasyon:

Mga Social Media na Madalas Gamitin


Skype
0%
Instagram
16%

Facebook Facebook Twitter


41%
Instagram Skype

Twitter
43%

Interpretasyon:

Ika-unang katanungan: Anong klaseng “social media” ang madalas mong

gamitin?

20
 Ipinapakita nito na ang 43% sa mga estudyante ng baitang 9 ang

gumagamit ng Twitter kaysa sa ibang “social networking site”

Presentasyon:

Oras sa Paggamit ng Social Media

1-2 oras
20%
7-8 oras 1-2 oras 3-4 oras
40%
5-6 oras 7-8 oras
3-4 oras
17%

5-6 oras
23%

Interpretasyon:

Ikalawang katanungan: Ilang oras kang gumagamit ng “social media” sa isang

araw?

 Isinasaad nito na 40% ang gumagamit ng “social media” ng 7-8 oras sa

isang araw sa mga estudyante ng baitang 9.

21
Presentasyon:

Dahilan ng Paggamit ng Social Media

Komunikasyon Libangan
35% Proyekto at Takdang Aralin
Libangan
47% Komunikasyon

Proyekto at Takdang
Aralin
18%

Interpretasyon:

Ikatlong katanungan: Saan mo madalas ginagamit ang “social media”?

 Halos kalahati ng mga estudyante na may pursyento na 47 ang gumagamit

ng “social media” bilang libangan kaysa sa ibang mga dahilan ng mga ito.

Presentasyon:

Mga Positibong Epekto ng Social Media

Madali na ang
paggawa ng Madali ang pakikipagkomunikasyon
takdang aralin Naibabahagi ang talento
28% Madali ang pagkikipag-
komunikasyon… Madali na ang paggawa ng takdang aralin
Naibabahagi ang
talento
9%
22

Interpretasyon:

Ikaapat katanungan: Anong positibong epekto ang iyong nakukuha sa paggamit

ng social media?

 63% ng mga estudyante ang nagsasabing mas napapadali nito ang

pakikipagkomunikasyon sa ibang tao.

Presentasyon:

Mga Negatibong Epekto sa Paggamit ng


Social Media

Umiikli ang
pasensya
10%
Kulang sa tulog

Kawalan ng pokus sa pag-aaral


Kawalan ng pokus sa
pag-aaral
Umiikli ang pasensya o madaling magalit
Kulang sa Tulog
31% 59%

Interpretasyon:
23

Ikalima katanungan: Anong negatibong epekto ang iyong nakukuha sa paggamit

ng social media?

 Mayroong 59% ng mga eestudyanteng respondente ang nagsasabing sila

ay nakukulangan sa tulog dulot ng paggamit ng “social media”.

Presentasyon:

Dahilan ng Pagkahumaling ng Kabataan sa


Social Media

Naiimpluwensyahan Libangan
ng lipunan Libangan… Nakikisabay lamang sa uso
43%
Naiimpluwensyahan ng lipunan

Nakikisabay
lamang sa uso
6%

Interpretasyon:

Ikaanim katanungan

Sa iyong pananaw, bakit maraming nahuhumaling na kabataan sa paggamit


ng social media?

 Dulot ng kalibangang naibibigay ng social media sa mga kabataan,


mayroong nagsasabing ito ang nagiging dahilan kung bakit nahuhumaling
ang mga kabataan sa paggamit nito.
24

Presentasyon:

Tugon ng mga Nakaranas ng Cyberbullying

Ipinaalam sa
magulang
14%
Ipinaalam sa magulang

Ipinagsawalang Gumanti
bahala na lamang
43% Gumanti
29%
Ipinaalam sa tagapayo ng
eskwelahan
Ipinaalam sa
tagapayo ng
eskwelahan
14%

Interpretasyon:

Ikapito katanungan: Nakaranas ka na ba ng Cyberbullying?

 May 77% ng mga estudyante ng baitang 9 ang nagsasaad na sila ay hindi

pa nakakaranas ng Cyberbullying.

Presentasyon:

Bilang ng mga Nakaranas ng Cyberbullying

Oo
23%

Oo Hindi

HIndi
77%
25

Interpretasyon:

Ikawalo katanungan: Kung oo ang iyong sagot, sa pangpitong katanungan, ano

ang iyong naging tugon?

 Sa 23% ng mga kabataan na nakaranas ng Cyberbullying, kalimitan sa

kanila ang ipinagsawalang-bahala na lamang ang pangyayaring ito.

Presentasyon:

Pagtugon ng mga kabataan sa Paggugol ng


Oras sa Social Media

Hindi Oo Hindi
Oo 43%
57%

Interpretasyon:

Ikasiyam katanungan: Mas ginugugol mo na ba ang iyong oras sa paggamit ng


“social media” kaysa sa ibang bagay?
26

 Sa lahat ng mga tumugon sa surbey na ito, mayroong 57% ng mga


estudyanteng mas iginugugol ang kanilang oras sa paggamit ng “social
media”.

Presentasyon:

Bilang ng nabago ng Social Media sa


paniniwala ng mga Kabataan

Hindi
Oo Hindi
37%

Oo
63%

Interpretasyon:

Ikasampung katanungan: Nababago ba ng “social media” ang iyong mga


paniniwala sa buhay?

 Isinasaad ng mga estudyanteng may 63% ng baitang 9 ay nagsasabing


nababago ang kanilang pananaw sa paggamit ng “social media”.
27

KABANATA V

LAGOM, KONKULUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon tung-

kol sa mga mabuti at di mabuting naidudulot ng social networking sites sa mga

estudyanteng nasa baiting 9 ng Elim Christian Academy. Ang pag-aaral ay

gumamit ng disenyong deskriptib - analitik. Para makakalap ng mga datos, nag-

disenyo ang mga mananaliksik ng sarbey-kwestyuneyr para sa tatlumpung (30)

respondente.

KONKLUSYON

Sa pagwawakas ng pag-aaral na ito tungkol sa pagsali sa mga Social

Media, nais ilahad muli ng mga mananaliksik ang mga pag-aaral mula sa mga

nakalap na mga datos. Ang pag-aaral na isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng

pananaw sa mga piling mag-aaral ng baiting 9 ng Elim Christian Academy sa

pamamagitan ng sarbey. Napakalaking porsyento ng mga mag-aaral ang may

kaalaman gumagamit ng mga Social Media Sites. Isang simpleng dahilan

ng pagkakaroon ng bawat kabataan ng Social Media Site ay upang makihalubilo


28

sa ibang mga tao sa internet. Sa mga uri ng Social Media Sites, may kanya-kanya

ring preperensya ang mga tao, higit na ginagamit ng mga mag-aaral ang Twitter

ngayon kumpara sa Facebook, Skype at & Instagram. Ito ay tumugma sa mga

unang mga pag-aaral sa Social Media, na ang Twitter ay isa nasa pinakapopular

na Social Media Site sa Pilipinas.

Matalino pa ang mga kabataan tungkol sa kung gaano kalaki ang oras na

kanilang ilalaan para sa mga Social Media Sites pero minsan ay masyado talagang

nasasayang ang oras nila dito. Pero nabibigyan pa din nila oras ang mga mas

mahahalagang bagay na dapat nilang unahin gaya na lamang ng pag-aaral at

pakikihalubilo sa pamilya at mga kaibigan. Pagiging maingat din ang higit sa mga

mag-aaral sapagkat nililimita lamang nila ang mga impormasyon na kanilang

inilalathala sa internet; hindi nag-iimbita ng mga taong hindi nila kakilala.

Sa kabuuan, ang Social Media ay may higit na mabuting naidulot sa mga

mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral,

napagtitibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga

kaibigan, napagbubuti ang buhay-sosyal, nagtatagpo ulit ang mga dating mga kai-

bigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t-isa at higit sa lahat,

naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw sa buhay.


29

REKOMENDASYON

Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na

rekomendasyon:

 Para sa mga mag-aaral, dapat magkaroon ng time management upang may

kusang pokus sa pag-aaral. Mayroong oras para sa paglilibang at mayroon

ding oras para sa trabaho at edukasyon. Dapat bigyang prayoriti ang mga

mahahalagang bagay sa buhay.

 Para sa mga magulang, dapat maintindihan nila ang adbentahe at

disadbentahe ng paggamit ng social media ngayon. May mabuting

naidudulot ang social media sites lalo na sa sosyal na aspe-

to ng isang indibidwal. Pero dapat ding mag-ingat, dahil nakakasama ang

anumang sobra.

 Para sa administrador ng paaralan at mga guro, maaari nilang gamitin ang

social media sites bilang makabagong feature bilang kasangkapan sa

pagtuturo.

 Para sa mananaliksik sa hinaharap, maaari pang magsagawa ng mga pag-

aaral hinggil sa social media at ang epekto nito sa edukasyon, komersiyo

at siyensya.
30

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

 https://www.researchgate.net/publication/295010160_The_effects_of_soci

al_media_on_students'_behaviors_Facebook_as_a_case_study

 https://www.academia.edu/23061910/POSITIBO_AT_NEGATIBONG_E

PEKTO_NG_SOCIAL_NETWORKING_SA_MGA_KABATAAN

 https://www.academia.edu/33268489/EPEKTO_NG_TEKNOLOHIYA_S

A_PATULOY_NA_PAGHUBOG_SA_UGALI_PERSONALIDAD_NG_

MGA_KABATAAN_MULA_SA_SENIOR_HAYSKUL_NG_IMMACU

LATE_CONCEPTION_ACEDEMY_DASMA%C3%91AS

 R. Orencia Literacy and technology integration, The RAP Journal vol.

XXX (2007)

 http://www.1bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-

edukasyon/

 https://www.academia.edu/31146687/EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_S

A_PAG_AARAL_NG_MGA_ESTUDYANTE_NG_ESEP_NG_MATAA

S_NA_PAARALANG_PAMBANSA_NG_STO._DOMINGO_KABANA

TA_I_ANG_SULIRANIN
31

 http://gratefulandhappy.blogspot.com/2016/02/maganda-at-masamang-

mga-epekto-ng.html

 https://sharmainedesalon.wordpress.com/2017/02/14/epecto-ng-social-

media/

 https://jayzen23.wordpress.com/2016/11/01/tulong-ng-internet-at-social-

media-sa-mga-magaaral/

 https://www.academia.edu/23061910/POSITIBO_AT_NEGATIBONG_E

PEKTO_NG_SOCIAL_NETWORKING_SA_MGA_KABATAAN
32

APENDIKS

Pangalan: Kasarian:

Edad: Petsa:

Direksyon : Lagyan ng tsek ang kahon na angkop sa iyong sagot. Pwedeng mag tsek
ng higit sa isa ayon sa iyong kasagutan.

1. Anong klaseng social media ang madalas mong gamitin?


Facebook Twitter Instagram Skype

2. Ilang oras ka gumagamit ng social media sa isang araw?


1-2 oras 3-4 oras 5-6 oras 7-8 oras

3. Saan mo madalas ginagamit ang social media?


Libangan Proyekto at takdang-aralin Komunikasyon

4. Anong positibong epekto ang iyong nakukuha sa pag gamit ng social media?
Madali na ang pakikipag komunikasyon Madali na ang paggawa ng takdang-aralin

Naibabahagi ang talento gamit ang social media

5. Anong negatibong epekto ang iyong nakukuha sa paggamit ng social media?


Kulang sa tulog Umiikli na ang pasensya o madaling magalit

Kawalan ng pokus sa pag-aaral


6. Sa iyong pananaw, bakit maraming nahuhumaling na kabataan sa paggamit ng
social media?
Libangan Nakikisabay lamang sa uso Naiimpluwensyahan ng lipunan

7. Nakaranas ka na ba ng cyber-bullying?
Oo Hindi
33

8. Kung oo ang sagot mo sa pang pitong katanungan, ano ang iyong naging tugon?

Ipinaalam sa magulang Ipinaalam sa tagapayo ng eskwelahan

Guamanti Ipinagsawalang bahala na lamang

9. Mas ginugugol mo na ba ang iyong oras sa paggamit ng social media kaysa sa


ibang bagay?
Oo Hindi

10. Nababago ba ng social media ang iyong mga paniniwala sa buhay?


Oo Hindi

You might also like