You are on page 1of 17

Ang Pakikipagkapwa

ESP 8
Ang Pakikipagkapwa
 Ayon sa diksyunaryong Pilipino-Ingles, and salitang “kapwa” ay salin ng mga
salitang “both” at “fellow being” sa salitang Ingles. Kapag ito’y naririnig, ang
unang pumapasok sa isipan ay ang salitang Ingles na “others” sapagkat ito
ay nangangahulugang “pakikibahagi ng sarili sa iba.” Ang “others” ay
kabaligtaran ng self o sarili.
 Ang konsepto ng pakikipagkapwa ay maaaring magpahiwatig ng kaisipan,
pagpapahalaga, o paninindigan na lubhang pinhahalagahan ng mga Pilipino.
Tinutukoy rin nito ang pagiging makatao sa pinkamataas nitong antas.
 Ang pakikipagkapwa ay may higit na malalim na kahulugan. Nagpapahiwatig
ito ng pagtanggap at pakikitungo sa ibang tao bilang kapantay na nilalang.
Mga Aral na Dapat Matutunan sa Pakikipagkapwa
1. Sa payak na pakahulugan, ang pakikipagkapwa ay ang paraan ng
pakikisalamuha sa iabng tao (at sa ibang nilalang).
2. Isang karaniwang bagay lamang para sa isang normal na tao ang
pakikipagkapwa.
3. Hindi alam ng karamihan na ang halaga ng pag-iral sa mundong ibabaw ay
nakasalalay lamang sa kanilang pakikipagkapwa.
4. Ang mabuting pakikipagkapwa ay iyong pakikisalamuha sa ibang tao nang
may buong paggalang at walang halong pagkukunwari.
Mga Aral na Dapat Matutunan sa Pakikipagkapwa
5. Ang pakikipagkapwa ay nagkakaroon ng iba’t ibang anggulo pra sa iba’t
ibang tao.
6. Ang paghubog sa pakikipagkapwa ng tao ang malaking dahilan ng pag-iral
ng tao sa mundong ibabaw.
7. Ang mabuting pakikipagkapwa ay nakaugat sa malalim na pag-unawa sa
kapwa tao at tauspusong pagsisikap na maitransporma ang pag-unawang iyon
sa pakikitungo na makakapag-ambag sa pag-unlad ng kapwa tao.
8. Kapanipaniwala na sadyang espiritwal na bagay nga ang pakikipagkapwa.
Mga Aral na Dapat Matutunan sa Pakikipagkapwa
9. Sa tahanan unang nahuhubog ang karanasan sa pakikipagkapwa.
10. Sa pagitan ng mag-asawa (na itinuturing na banal ang pagkakabuo),
sadyang isang mahalagang bagay ang mabuting pakikipagkapwa.
11. Sa pagitan ng anak at magulang, nararapat ding may maayos na
pakikipagkapwa.
12. Sa ugnayan ng mga magkakaibigan, ang mabuting pakikipagkapwa ang
siyang batayan ng mga pagkakaibigang tumatagal at lalong nagiging makulay
sa pagdaan ng panahon.
Mga Aral na Dapat Matutunan sa Pakikipagkapwa
13. Sa panahon natin ngayon, bibihira na lamang makasalamuha ang mga taong may
tunay na mabuting pakikipagkapwa.
14. Anumang kategorya at antas ng pakikisalamuha sa ibang tao, nararapat sikapin
ng isang tao na maisagawa ang mabuting pakikipagkapwa.
15. Ang mabuting pakikipagkapwa ay hindi isinasagawa upang mapuri ng iba.
16. Sa lumang mga aral ng sangkatauhan, may apat na mga utos tungo sa mabuting
pakikipagkapwa.
a. Pakainin ang mga nagugutom b. Painumin ang mga nauuhaw
c. Damitan ang walang damit d. Ilibing ang patay
Mga Aral na Dapat Matutunan sa Pakikipagkapwa
17. Susi sa mabuting pakikipagkapwa ang pagnanais na maging mabuti sa
kapwa.
18. Ang mabuting pakikipagkapwa ang isa sa mga pangunahing aral na
binigyang diin ng mga Dakilang Guro ng sangkatauhan.
19. Isang malaking kabalintunan na habng umuunlad ang teknolohiyang may
kinalaman sa transportasyon at komunikasyon, ay lalo yatang hindi na
marunong sa mabuting pakikipagkapwa ang maraming tao.
 Mahalagang maunawaan ng isang tao na kailangan niya ng kaniyang kapwa.
Ito ay dahil nabubuhay siya sa pamamagitan ng kapuwa at nagkakaroon ng
kahulugan ang kaniyang buhay dahil sa mga natutuhan niya mula sa
kaniyang kapwa.
 Kailangan din ng tao ang kanyang kapwa sapagkat kailangan niyang
mabuhay para sa kapwa.
 Ang diyalogo ay ang pakikipag-usap sa kapwa ng buong katapatan at may
pagkilala at pagtanggap sa pagiging bukod-tangi niya bilang tao. Magiging
madali ang pakikipagusap na ito kung may kasamang pagmamahal sa kapwa
sapagkat sa pamamagitan ng pagmamahal lamang maaaring matanggap ang
ibang tao nang buo kasama ang kanyang kahinaan at pagkukulang.
 Kalakip ng pagmamahal sa kapwa ang katarungan. Hindi masasabi na
minamahal ang kapwa maliban na igalang siya at ang kaniyang pagkatao.
Ang katarungan ay kinakailangan bago ang pagmamahal, walang
pagmamahal kung walang katarungan.
Ang Kapwa at Pakikipagkapwa sa Kulturang Pilipino
Sa kulturang Pilipino, ang salitang “kapwa” ay mayroong mas malalim
at malawak na kahulugan kaysa sa kulturang kanluraning ito. Ayon sa
pangunahing pag-aaral sa konseptong ginawa ni Virgilio Enriquez, ang isang
kilalang sikolohistang Pilipino, noong 1994, ang salitang “kapwa” para sa mga
Pilipino at tumutukoy sa pagiging pantay at pagkakaroon ng nagkakaisang
pagkakakilanlan (shared identity) ng dalawang tao. Samakatuwid, ang isang
taong itinuturing na kapwa ay hindi tinitingnan nang mas mababa kaysa sa
sarili, sa halip ay kinikilala ang dignidad at pagkatao nito nang kapantay sa
sarili o ibang tao.
Mga Antas ng Ugnayan sa Pakikipagkapwa
1. Pakikitungo 5. Pakikisama
2. Pakikisalamuha 6. Pakikipagpalagayang loob
3. Pakikilahok 7. Pakikisangkot
4. Pakikibagay 8. Pakikiisa
Mga Paraan ng Pakikipagkapwa
1. Magpakita ng interes sa pakikipag-usap sa ibang tao.
2. Ngumiti.
3. Matutong magpahalaga sa iba.
4. Alalahaning hindi ikaw ang palaging tama.
5. Makinig.
6. Igalang ang pagkatao ng iba.
7. Matutong magpatawad.
MGA GAWAIN
Isulat sa ESP NOTEBOOK.
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Ano kaya ang mangyayari sa buhay mo kung…..
1. Wala kang magulang?
Kung wala akong/tayong magulang sa buhay natin baka magiging isang iresponsebeledad at nasa labas nalang
nang walang kain dahil walang nag aalaga ata walang nag tuturu saatin ng tama at higit pa duon hindi tayo nabuhay
2. Iniwan ka ng iyong kaibigan?
Kapag iniwanan ka ng kaibiganmag hahanap nalang ng bago na mag-stay sa habang buhay para parihas kayo
maging masaya.
3. Walang guro na nagtitiwala sa iyo?
Kapag walang walang guro na magtutro it maybe wala ding mga subject at walang matutunan tungkol sa mga
pagturo ng english o ano-ano pang subject
4. Iniiwasan ka ng lahat ng tao?
Kapag iniiwasan ka ng taosiguro nararamdaman mo sa iyong sarili na walang nagmamahal sayo o walang may pake
sayo malaki ang apekto ito sa iyong mental health kaya maghanap ng nakakapag pasayang tao sayo.
Gawain 2
Panuto: Basahin at pag-aralan ang sitwasyon at isulat ang mga bagay na maaari
mong magawa, sa abot ng iyong makakaya upang matulungan at mahalin ang
mga taong nabanggit.
1. Limampu’t tatlo ang bilang ng mga batang nakatira sa Tahanan ng Pagasa,
isang bahay-ampunang kumukupkop sa mga batang lansangan na
pinamahalaan ng mga madreng misyonero. Halos karamihan sa mga batang
ito ay hindi nakapag-aral at wala nang mga magulang. Walo sa kanila ay
payat na payat at may malubhang sakit sa baga. Ang lima naman ay biktima
ng walang awing pagmamaltrato ng tunay nilang mga magulang kaya’t
naisipan nilang lumayas at maging palaboy na lang sa lansangan. Karamihan
sa kanila ay hindi marunong bumasa, sumulat at magbilang. Layunin ng mga
madreng kumukupkop sa kanila na mabigyan sila ng magandang kalusugan
at maturuan ng mga pangunahing kaalaman sa pagsulat at sa pagbasa.
Malaki ang kinakailangan nilang pondo upang matugunan ang layuning ito.
Kailangan nila ang tulong hindi lamang ng pamahalaan at mga samahang
relihiyoso kundi pati na rin ng kahit pribadong indibidwal.
Gawain 3
Panuto: Isipin kung sino-sino ang mga tao sa iyong paligod ang tumulong sa
iyo upang mapaunlad ang iyong sarili sa iba’t ibang aspekto: intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at political.

1. Aspektong Intelektwal
2. Aspektong Pangkabuhayan
3. Aspektong Panlipunan
4. Aspektong Politikal
Gawain 4
Ngayon na alam mo na ang kapwa mo ay maaaring makatulong sa iyo
upang ikaw ay mas maging mabuting tao, sumulat ng isang maikling sanaysay
ukol sa pakikipagkapwa. Isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong:
a. Gaano kahalaga ang mga pagtulong ng kapwa mo sa paghubog at pag-
unlad ng iyong pagkatao? Mahalaga ang pagtulong sa kapwa sa paghubog
at pag-unlad ng pagkatao dahil lahat tayo kailangan ng tulong at
nangangailangan ng tulong mula na din sa kapwa
b. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong o makapaglingkod ka sa
mga taong tumulong sa iyo? Ang maaring gawin upang makatulong o
makapaglingkod sa mga taong tumulong ay ang magpasalamat at suklian
ng pagmamahal at tulongan din kung nangangailangan sila ng tulong
c. Makakaya mo bang mapaunlad ang iba’t ibang aspekto ng iyong pagkatao
(intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal) kung walang tutulong
sa iyo?
GAWAIN 3
d. Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo matutuhang makipag-
ugnayan nang maayos sa iyong kapwa?
Maaring mangyayari na hindi ka magustuhan sa isang tao dahil sa
paguugaling ito.
e. Gaano kahalaga ang pakikipagkapwa? Paano ito mapatatatag? Paano
nalilinang ang mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng pakikipagkapwa?
Mahalaga ang pakikipagkapwa wara makapag communicate at
makahanap ng mga taong maging kaibigan, ipatatag ito sapamagitan ng
pagrerespeto sa isat isa, nalilinang ang mfa pagpahalaga sa pamagitan ng
pakikipagkapwa ng pagmamahalan at itabi ito sa habang buhay.

You might also like