You are on page 1of 28

Homeroom Guidance

Ikalawang Markahan- Modyul 4

GRADE 1-
CAMIA
JOLINA-ANNE S.
NACPIL
GURO
STELLA MARIE P.
Pagtala ng
Liban
GRADE 1 - CAMIA
Homeroom Guidance
Ikalawang Markahan- Modyul 4

MGA GABAY SA
TAMANG PAGPILI
Mga Layunin
 nasasabi ang mga taong makatutulong sa tamang
pagpili;
 naiisa-isa ang mga hakbang tungo sa tamang pagpili;
 napahahalagahan ang tulong mula sa mga
nakakatanda sa pagsasagawa ng tamang pagpili;
 nailalarawan ang mga pagbabago sa sarili dahil sa
isinagawang tamang pagpili; at
 naisasabuhay ang pagsasagawa ng tamang pagpili.
Balikan
Tignan ang mga larawan sa ibaba at sabihin kung
ito ay magandang karanasan o di magandang
karanasan.

Nakakuha ka ng mataas na Hinabol ka ng Aso


marka sa pagsusulit.
Mga Gabay sa
Tamang Pagpili
matutuhan.

Tulad ng pagpili ng damit na iyong

susuotin araw-araw. Ang

pakikipaglaro o ang hindi

pakikipaglaro sa iyong mga

kaibigan. Sa modyul na ito,


Pakikinig sa Kwento
Pakinggan ang kwento
Masayang masaya si Alyanna dahil
inimbitahan siya ni Precious sa kanyang
kaarawan.
Sa wakas makikita na niya ang kanyang
kaibigan pagkalipas ng mahigit sa isang taon.
Huli silang nagkita bago nagsimula ang
pandemya.
Subalit ng sabihin ito ni Alyanna sa kanyang
mga magulang pinayuhan siyang manatili sa
loob ng bahay.
Dahil dito hindi nakadalo si Alyanna at binati
na lang niya ang kaibigan sa pamamagitan ng
video call.
Pamprosesong Katanungan:
1. Tama ba ang naging desisyon ni
Alyanna na hindi dumalo at tawagan
na lang si Precious? Bakit?
2. Kung ikaw si Alyanna, ano ang
gagawin mo? Bakit?
3. Kanino ka hihingi ng tulong kung
kinakailangan mong pumili kung ano
ang gagawin mo?
Tuklasin Natin
Sa tulong ng inyong magulang o tagapangalaga, piliin sa loob
ng kahon kung sino ang makakatulong sa iyo sa pagsasagawa
ng tamang pagpili. Itaas ang kamay kung saang letra ang iyong
sagot.

A. B. C.
magulang o guro ibang miyembro
tagapangalaga ng pamilya
______1. Niyayaya kang maglaro sa labas ng iyong mga kaibigan ngunit
C wala ang iyong magulang.
A 2. Gusto mong ipagdiwang ang iyong kaarawan ngayong may
______
pandemya.
B 3. Hindi ninyo maunawaan ng iyong magulang o tagapangalaga
______
ang panuto sa modyul.
A 4. Gusto mong maglaro ng online games pagkatapos
______
mong sagutan ang iyong mga modyul.
A 5. Masakit ang iyong ngipin at gusto mong pumunta
______
sa dentista.
Pamprosesong Katanungan:
1. Ano ang iyong nararamdaman kapag
may tumutulong sa iyo sa pagsasagawa
ng tamang pagpili?
A. Masaya B. Malungkot

2. Sa iyong palagay, mahalaga bang


humingi ng tulong sa iba kapag
kinakailangan mong pumili?
A. Oo B. Hindi
Tandaan mo ang mga simpleng hakbang na ito.

1. Humingi ng tulong
Ang iyong magulang, tagapangalaga o guro ang gagabay sa iyo sa
tamang pagpili.

2. Pumili
Siguraduhin na iyong pipiliin ang makakabuti para sa iyo
at sa ibang tao. Ang mga simpleng hakbang na ito ang gagabay sa
iyo sa tamang pagpili sa hinaharap
Ang tamang pagpili ay makatutulong sa iyo para:
1. maging masaya at magkaroon ng tiwala sa sarili;
2. matuklasan ang mga bagay na kaya mong gawin; at
3. matutuhan ang mga bagong bagay.
Sa tulong ng iyong guro, basahin ang mga sitwasyon at sabihin
ang titik ng iyong sagot.

1. Niyayaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro sa labas.


Ano ang gagawin mo?
A. Hihingi ka ng pahintulot sa iyong magulang o
tagapangalaga.
B. Makikipaglaro ka sa iyong mga kaibigan ng walang
pahintulot.
2. Niyayaya ka ng iyong kamag-aral na mag video call ngunit
marami ka pang kailangang tapusin na gawain sa paaralan. Ano
ang gagawin mo?
A. Tatapusin mo muna ang iyong mga gawain sa paaralan at
hihingi ka ng pahintulot sa iyong magulang o tagapangalaga.
B. Makikipag-usap ka muna sa iyong kaibigan bago mo tapusin
ang iyong mga gawain sa paaralan.
Mga Natutunan Ko
Pagmasdan ang mga larawan at piliin ang titik na nagpapakita ng tamang
desisyon o pagpili.

1. Kinakailangan mong pagbutihin ang iyong pagsusulat.


A. Magsasanay B. Maglalaro ka
kang magsulat

2. Tinuturuan ka ng iyong magulang o tagapangalaga sa mga aralin na


nakasulat sa iyong mga modyul.

A. Hindi ka makikinig
at maglalaro na B. Makikinig ka sa
lamang iyong magulang
3. Ngayong may pandemya, kailangan mong manatili sa loob ng bahay. Ano-ano ang
maaari mong gawin?

A. Tutulong sa B. Makikipaglaro ka
paglilinis ng bahay sa
iyong mga kaibigan sa
labas ng bahay.
4. Kailangan mong maging malusog para makaiwas sa sakit.

A. Kakain ka ng B. Kakain ka ng
masustansyang junk foods
pagkain
Itanim Sa Isip
Minsan nahaharap ka sa iba’t ibang sitwasyon na kailangan mong
pumili.
Bilang isang bata, maaaring hindi madali sa iyo ang pumili. Minsan
kailangan mong mamili kung maglalaro ka ba o gagawin mo ang
iyong takdang-aralin.

Humingi ng tulong sa magulang, tagapangalaga o guro para sa


tamang desisyon.

Siguraduhing piliin lagi ang nakakabuti.


Mag peace sign kung ang pangungusap ay naglalarawan ng
pagbabago sa iyong sarili dahil sa isinagawang tamang pagpili.
_______1. Ako ay masaya dahil nakagawa ako ng mabuti sa aking sarili at ibang
tao.

_____2. Ako ay laging susunod sa mga simpleng hakbang sa tamang pagpili.

_____3. Ako ay mas komportableng humingi ng tulong sa aking magulang o


tagapangalaga kapag kailangan kong pumili.

_____4. Ako ay nasasabik na matuto ng mga bagong bagay.

_____5. Ako ay nagpapasalamat dahil natuklasan ko ang mga bagay na kaya kong
gawin sa tulong ng aking magulang o tagapangalaga at guro.
Takdang Aralin/Assignment
Gumupit ng larawan na kung saan kailangan mong
pimili o mag desisyon ngayong panahon ng pandemya
at ibahagi ito sa ating online class sa susunod na
Martes.
Halimbawa:

Pagsusuot ng Facemask Paglabas ng bahay mag isa at


walang suot na facemask
Paalam

You might also like