You are on page 1of 12

Si Jack at ang

Beanstalk
Si Jack at ang kanyang ina ay
nakatira sa isang bayan. Mahirap
lamang sila, pero masayang
namumuhay dahil kapiling nila
ang isa't isa. 
Isang araw ay may
nakasalubong na isang
matandang lalaki si Jack.
Binigyan siya nito ng
mga buto. Ang sabi ng
matanda ay may mahika
ang mga buto.
Itinanim ni Jack ang mga buto sa loob
ng kanilang bakuran. Nagulat siya ng
tumubo ang mga buto dahil naging
higanteng baging ang mga ito. 
Ibig malaman ni Jack
kung ano ang nasa itaas
ng mga baging. Inakyat
niya ito. Nakarating siya
sa ibabaw ng mga ulap
kung saan may isang
napakalaking palasyo.
Pumasok si Jack sa loob ng palasyo.
Natuklasan niyang isang higante pala
ang nakatira doon. May isa pang
natuklasan si Jack, may alagang manok
ang higante at nangingitlog ito ng ginto.
Nang makatulog ang higante ay kinuha ni
Jack ang manok. Iniuwi niya ito sa kanyang
ina.
Bumalik si Jack sa palasyo sa ibabaw ng
mga ulap. Sinamantala niyang natutulog ang
higante at kinuha ang alpa nito na
tumutugtog mag-isa.
Ngunit nagising ang higante. Nakita
nito si Jack na dala ang alpa. Nagtatakbo
si Jack patungo sa mga higanteng baging.
Mabilis na nakababa si
Jack. Agad niyang
kinuha ang isang
palakol at tinaga ang
higanteng baging.
Dahil putol na ang mga baging ay
bumagsak ang higante. Sa lakas ng
bagsak ay bumaon ito sa lupa at agad na
namatay. Naging maunlad ang buhay ni
Jack at ng kanyang ina dahil sa manok na
nangingitlog ng ginto at sa alpa na
nakakatugtog mag-isa.
Sagutin:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Ano ang bagay ng itinanim ni Jack?
4. Ano ang nakita ni Jack sa itaas ng mga
ulap?
5. Sa inyong palagay tama ba ang ginawang
pagnanakaw ni Jack sa higante?
-END-

Prepared by:

SHEELA MAY G. ROMANO


Little Tanauan Elementary School

You might also like