You are on page 1of 12

Isang

Sining Ni Elizabeth Bishop

Magtatanghal: Group 3
NILALAMAN NG ULAT
I-UULAT TAGAPAG-ULAT
a. Kaligirang Impormasyon Arzelito Cuna at Christian Codamon

b. Pamagat Ceddie Ramos

c. Tungkol sa sumulat ng akda Chris Romero

d. Talasalitaan Sean Bonus

e. Nilalaman ng Tula Lorraine Pastor at Athena Rivera

f. Kultura Juztin Estacio

g. Estilo ng tula Andrea Tan

h. Ideyang taglay ng tula Allijah de Leon

i. Aral Harvey Cordova


KALIGIRANG

IMPORMASYON
Tulad ng nasabing tula, naging karaniwang tema rin ng kanyang mga berso ang pakikipagtunggali sa sarili,
mga pighati at pangungulila ng isang tao. Naimpluwensyahan din ang kanyang mga tula ng  kanyang mga
paglalakbay.

• Ang mga nag-udyok sa kanya upang maisulat ang akda ay ang mga malulungkot niyang karanasan simula
pagkabata

• Ang "One Art" ni Elizabeth Bishop ay ang inspirasyon para kay Louie Jon Agustin Sanchez sa "Isang sining." Si
Elizabeth Bishop ay itinuturing na isang dakila at impluwensyang makata ng ikadalawampung siglo sa European
literatura.

• “One Art" o "Isang Sining" ay isa sa kanyang isang daa't isang tula, ito sumasalamin sa maingat na
pagmamasid sa pisikal na mundo at mga karanasan ng tao.

• Ito ay tungkol sa pag-ahon sa pagkalumok at sa mga mahahalagang aral na natutuhan mula sa mahirap na
karanasan
PAMAGAT AT TEMA NG
TULA
Na isinulat ni Elizabeth Bishop at isinalin sa tagalog ni Louie jon A. Sanchez. Ilang mga manunulat at kritiko ang
nag hirang sa tulang ito. Ang tema ng manunulat na si Elizabeth Bishop sa kanyang mga berso ay ang pakikipag
tunggali sa sarili katulad ng pangungulila ng isang tao. Ang dahilan kung bakit niya isinulat ang akda ay sa
kadahilanang maaga siyang naulila ng kanyang mga magulang at nasawi rin siya sa pag-ibig.

TEMA NG TULA
Paglimot - Dahil sinabi sa tula ang salitang; “Patuloy na magsanay makaligta nang kay dami’t kay bilis:
mga lugar, at pangalan at kung saan ka dapat pumunta”.

Pagpapakita ng pag-asa - Dahil paulit-ulit binabanggit sa tula ang salitang; “Ang sining ng
pagwawaglit ay di mahirap tupdin”.
Tungkol sa sumulat ng Akda
● Si Elizabeth bishop ay isang “American poet and short story writer” na
ipinanganak noong February 8, 1911, sa Worcester Massachusetts.
● Bata palang si Elizabeth ay naranasan na niya ang masalimuot na buhay
dahil sa pag kahiwalay niya sa kanyang lolo’t lola.
● Siya ay pinaaral ng kanyang tiyahin sa Saugus high school at ito rin ang
nag hikayat sakanya tungo sa pag-gawa ng mga tula.
● Noong 1929 ay sinuko na niya ang musika para sa pag-gawa ng tula.
● Noong 1933 isa siya sa nagtatag ng “Con Spirito” (isang magasing
pampanitikan sa vassar).
● Siya ay pumanaw noong October 6 1979 sa edad ng 68.
● Isa sa 101 tulang naisulat niya ang ‘One Ar’t o ‘Isang Sining’ na
kasasalaminan ng malalalim na paglalarawan sa pisikal na mundo at mga
karanasan ng tao.
TALASALITAAN
• Sining- mga malikahing gawa ng mga tao gamit ang kanilang
malikhaing isip.

• Tupdin - gawin o tuparin.

• Pagwawaglit - pagsasawalang bahala.

• Lupalop - isang malapad na bahagi ng kalupaan.

• Sakuna - aksident, kamalasan, kasawian.


NILALAMAN NG TULA /
BANGHAY
 Sa simulang parte ng akda, nabanggit dito na ang sining ng pagwawaglit ay di mahirap tupdin, sinabi
ng persona na maraming ng mga bagay na tila nakatakdang mawala kaya para sakanya hindi ito
gaanong nakakasakuna o nakakaperwisyo.

••  Kapag
 Kapag binasa
binasa mo
mo ang
ang tula,
tula, makikita
makikita mong
mong mula
mula sa
sa pangkalahatang
pangkalahatang pagtingin
pagtingin ay
ay unti-unti
unti-unti itong
itong
nagiging malalim at mababakas mo ang personal na buhay ng persona.
nagiging malalim at mababakas mo ang personal na buhay ng persona.

• Madaming suliranin sa tulang ito, kagaya ng pagkakalugmok, pagkawala ng mga mahal sa buhay at
mga importanteng bagay sa atin,  pagkamatay ng kanyang ama dahilan upang mawala sa katinuan ang
kanyang ina hanggang sa maulila na siya ng parehong magulang niya.

• Sinasabi ng akda na ang paglimot ay mahirap, ngunit ang pagsasabi nito sa isang tula ay isang
madaling bagay. Ang paulit-ulit na pagtukoy ng may-akda sa "ang sining ng pagpapalaglag ay hindi
mahirap gawin" ay positibo at may pag-asa.
NILALAMAN NG TULA /
BANGHAY
• Paulit-ulit na binanggit ng may-akda ang mga linyang " Ang sining ng pagwawaglit ay di
mahirap tupdin " at " hindi ito nakakasakuna ". Sa kabila ng kanyang mga karanasan, dahil sa
pag-uulit, naging matatag siya at natutong labanan ang sakit at hirap na nararamdaman.
Natutunan niya na ang sining ng pagsuko ay hindi mahirap gawin.

• Sa kasukdulan, sa parteng ito ay nasabi sa tula na nawala niya ang relo ng kanyang ina.

• Nasabi rin dito na ang may gawa ng tula ay gustong pumunta sa isang lugar na sobra niyang
hinahangaan sa ganda ngunit kahit anong asam niya na makita ito ay hindi niya kayang
puntahan.

• Sa wakas, ay sinasabing ang tula ay may dalawang bersyon o may dalawang ibig sabihin.
KULTURA
• Sulitin o hindi pagsasayang nang oras
 
Ang oras ay napakahalaga ito ay dapat nating sinusulit at hindi ito sayangin dahil sa mga oras na iyun ay
tumatakbo ang oras nang ating buhay at balang araw ang mga oras na ginamit mo sa mga bagay ay mapapaisip ka
nalang pagkalipas nito ay darating sa iyong isipan ang pagsisi na hindi mo sinulit ang oras na iyon kasama ang
iyong pamilya, kaya’t habang andito pa tayu ay dapat natin sulitin ang oras dahil balang araw ang oras natin sa
mundong ito ay hindi magtatagal at ito’y mauubos rin.

• Pag-ahon at gawing aral ang naging karanasan


 
Ang mga naging karanasan natin sa buhay kung ito man ay magandang karanasan o hindi ay dapat kuhanan natin
ito nang aral dahil kung magkaproblema man tayu ulit ay makakabangon tayu muli dahil ito’y dahil natuto ka na
sa iyung dating karanasan. Itong karanasan na ito ay natapos na kaya dapat nating isipin ang ating kasulukyan at
isipin ang mga solusyon sa mga pagsubok ng kinabukasan.
ESTILO NG
PAGKAKASULAT Sasagutin ng tagapag-ulat ang sumusunod na tanong:

• Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita?

• Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda?

• May bias ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?

• Masining ba ang pagkakagawa ng akda?

• Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng


isang mahusay na akda?
Ideyang Taglay ng Akda
•  Ang oras, kapag hindi mo pinahalagahan, unti-unti itong
nasasayang.

• Mahirap mawaglit o kalimutan sa ating isipan ang mga bagay


at pangayayaring nag-iwan ng mga magaganda at mapapait na
alaala sapagkat ito’y nagbibigay ng marka at aral sa buhay.

• Dapat tanggapin ang mga bagay na naglalaho’t nawawala at


mga mapapait ring alaala ngunit dapat patuloy na masanay at
magpatuloy ngunit dapat ang mga aral na natutuhan ay hindi
malilimutan.

ARAL
Matutong bumitaw at tanggapin ang mga pangyayaring matagal ng tapos.

• Kahit anong pagsubok ang mangyayari tayo ay lalaban para matuto tayong lumaban kahit na
paulit ulit ito tuloy tayong babangon kasi hindi sagot ang pagsusuko. 

• Maging matatag sa anumang hamon nang buhay dahil hindi sa lahat nang oras ay masaya tayo
kaya kailangan natin harapin ang mga kahirapan para malaman mo kung ano talaga ang Isang
Sinig. 

You might also like