You are on page 1of 15

Paglabag sa Karapatang

Pantao
Ang lahat ng tao ay may karapatang mabuhay nang Malaya at
may dignidad. Ang pagpatay, anumang uri ng karahasan, at
pang-aabusoay paglabag sa karapatan ng taong mabuhay nang
malaya, payapa, at walang pangamba.
Mga Anyo ng Paglabag sa
Karapatang Pantao
- Pisikal na Paglabag
- Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag
- Estruktural o Sistematikong Paglabag
Pisikal na Paglabag
 Ang pananakit at pagsugat sa katawan ng tao ay pisikal na paglabag sa karapatang
pantao. Ang pagdukot, kidnapping, pambubugbog, hazing, pagputol sa anumang
parte ng katawan o mutilation, lalo na ang pagkitil sa buhay ay mga pisikal na
paglabag

 Ang seksuwal na pananakit tulad ng panghahalay o rape,pagsasamantala,


panghihipo, martial rape, at domestic violence ay halimbawa rin ng pisikal
na paglabag sa karapatang pantao.
Pisikal na Paglabag
 Torture o pagdulot ng malubhang sakit sa katawan lalo na sa pagpaparusa o
paraan paghimok upang isagawa ang isang bagay; pagpapahirap sa katawan o isip.

 Extrajudicial killing o isang akto na paglabag sa batas and sinasadyang pagpatay


sa kinatawan ng estado ng walang makatwirang proseso.
Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag
 Ang pag-aaway ng mag-asawa, kamag-anak, o magkaibigan na nauuwisa
sigawan, at pagbibitaw ng masasakit o malulupit na salita ay maituturing
na sikolohikal at emosyonal na paglabag sa karapatangpantao.

 Ang simpleng tuksuhan at asaran sa paaralan ay maaaring mauwi sa bullying na


sumusugat at lumalatay sa emosyonal na katatagan ng mga bata. Malimit na ito ay
nagpapatuloy sa mga social networking site o tinatawag na cyber-bullying.

 Pagpilit sa isang tao na gumawa ng isang bagay na hindi niya gusto sa


pamamaraan ng pagtakot.
Estraktural o Sistematikong Paglabag
 Ang mga ganitong uri ng paglabag ay nagaganap dahil sa mga estrukturang
umiiral sa ating pamahalaan at sa mga alituntunin obatas naipinapatupad
dito. Halimbawa, may mga serbisyo ang ating pamahalaan na hindi naiparating sa
mahihirap na mamamayan nananinirahan sa mga lalawigan dahil ang mga lugar
na ito ay mahirap marating.
Mga Epekto ng Paglabag sa
Karapatang Pantao
Ilang epekto sa paglabag sa Karapatang Pantao
1. Pagsidhi ng galit ng mga mamamayan lalo na ang mga biktima at kanilang mga
kaanak.
2. Paglaganap ng takot.
3. Pagkakaroon ng epektong sikolohikal sa mga tao.
4. Pagkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya.
5. Pagkadamay sa mga inosente.
6. Pagpigil sa paglabas ng katotohanan.
Mga epekto ng paglabag ng Karapatang Pantao

1.Pagsidhi ng galit ng mga mamamayan


lalo na ang mga biktima at kanilang mga
kaanak.

- Lalo na kung mabagal ang pagresolba ng mga


kapangyarihan sa mga kaso, natural lamang na
tuimindi nad pagkadismaya at galit ng mga biktima at
ng kanilang mga kaanak.
Mga epekto ng paglabag ng Karapatang Pantao

2.Paglaganap ng Takot

- Nagiging laganap ang takot sa mga mamamayan


dahil sila man ay maaring maging biktima ng mga
paglabag sa karapatang pantao.
Mga epekto ng paglabag ng Karapatang Pantao

3.Pagkakaroon ng epektong sikolohikal sa


mga tao.

-Kamatayan o trauma ang madalas na ibinubunga sa


mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao.
May sikolohikal na epekto sa mga tao ang mga
karahasan, terorismo, at pang-aabuso tulad ng post-
traumatic stress disorder, hallucination, at delusion
Mga epekto ng paglabag ng Karapatang Pantao

4.Pagkakaroon ng negatibong epekto sa


ekonomiya.

-Apektado ang ekonomiya kapag marami ang


napipinsala dulot ng terorismo at rebelyon.
Maraming nasisirang ari-arian, negosyo, at
impraestrukturang mahalga sa ekonomiya ng isang
bansa.
Mga epekto ng paglabag ng Karapatang Pantao

5.Pagkadamay sa mga inosente.

-Sa maraming anyo ng paglabag sa karapatang


pantao, maraming inosente ang nabibiktima o
nadaramay. Sa mga pag-aalsa, rebelyon, at
terorismo, pangkaraniwang apektado ang mga
sibilyan. Sa mga estrahudisyal na pagdakip at
pagpatay, malaki ang posibilidad na ang maging
biktima ay inosente at hindi ang tunay na kriminal.
Mga epekto ng paglabag ng Karapatang Pantao

6.Pagpigil sa paglabas ng katotohanan.

-Sa kaso ng mga mamamahayag na nabibiktima o


pinapatay, madalas na and dahilan ay ang
pagsisiwalat nila ng katotohanan. Dahil sa kanilang
pagkamatay, napipigilan ang paglabas ng ano mang
katotohanang kanilang nalalaman.

You might also like