You are on page 1of 2

Ang Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Mahalagang masuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao. Ang mga masasamang epekto
ng iba’t ibang anyo at kaso ng human rights violation sa iba’t ibang panig ng daigdig ang isa sa
mga nag-udyok sa United Nations na maglabas ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga
Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights).

1. Kumikitil ng buhay at nagdudulot ng pisikal na pinsala

Nasusugatan, napipinsala ang katawan, o nagiging baldado ang mga biktima ng torture at
bayolenteng pagtrato. Ang ibang biktima ng sekswal na pang-aabuso ay nagdadalang-tao nang
labag sa kanilang kalooban. Ang mga inosenteng naiipit sa armadong labanan o terorismo ay
namamatay.

2. May mga sikolohikal na epekto

Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay may mga sikolohikal na epekto sa mga biktima at
maging sa iba pa.

Ang mga sikolohikal na epekto ng child trafficking sa mga biktima ay ang pagkakaroon ng
trauma, mga bangungot tungkol sa nangyari sa kanilang nakaraan, kawalan ng pagtitiwala, panic
attacks at iba pa.

Hindi lang post-traumatic stress disorder ang bunga ng pagpapahirap at paglabag sa karapatang


pantao, kundi maging ang depresyon, pagkabalisa, at psychotic conditions. Ang pagkalantad sa
trauma ay maaaring humantong sa mga karamdaman sa pagtulog, sexual dysfunction, hindi
gumagaling na pagkamayamutin, at pagkasira sa mga interpersonal na relasyon ng tao.

3. Nagkakaroon ng dagdag na gugol ang tao at gobyerno

Kapag talamak ang paglabag sa karapatang pantao, nadaragdagan ang paggugol ng gobyerno
para sa seguridad at pag-iingat sa mga mamamayan. Ang mga biktima ay nangangailangan ng
medikal na atensiyon at kalinga.
4. Nawawalan ng kapanatagan sa lipunan

Pinagmumulan ito ang kawalan ng kapanatagan sa mga indibidwal.

Ang mga tao ay nahihirapang magtiwala sa iba. Naiimpluwensiyahan ang mga tao na magkaroon
ng deviant behavior, predatory behavior, at aggressive behavior, lalo na ang mga kabataan.
Nagiging laganap ang takot sa pangambang maging biktima ng mga paglabag sa karapatang
pantao.

5. Nasisira ang kapayapaan sa komunidad

Nagkakaroon ng mga labanan at karahasan sa pagitan ng mga indibidwal at grupo. Ang pamilya
ng inabuso ay nagiging kaaway ng pamilya ng nang-abuso.

6. Nakakapekto sa kabuhayan ng pamilya

Ang mga apektado ay hindi nagiging produktibo. Ang nagtatagal na pisikal at sikolohikal na
epekto ay nakakaapekto sa kabuhayan ng biktima. Ang mga biktima ay hindi na makapagtrabaho
nang maayos.

Apektado ang pamilya ng biktima lalo na, halimbawa, kapag namatay ang pangunahing kumikita
sa pamilya, o kung ang paglabag ay nagdulot ng mga kapansanang pisikal, na nakakaapekto sa
paghahanapbuhay.

https://myinfobasket.com/ang-mga-epekto-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao/

You might also like