You are on page 1of 31

Panginoon maraming salamat po sa lahat ng biyaya na

patuloy mong ipinagkakaloob sa amin sa araw-araw.


Sa kabila ng aming mga kamalian at kasalanang
nagagawa ay patuloy mo kaming ginagabayan at
iniingatan.Patnubayan mo po kami sa aming online
class at pagkalooban mo po kami ng sapat na talino
upang maunawaan namin ang aming aralin.
Ito po ang aming samo at dalangin,sa pangalan ni
Jesus,
Amen
BALIK-ARAL
Ano ang mga paraan sa
pagbibigay kahulugan sa mga
salitang may pahiwatig na
ginagamit sa nobela?
IKALIMANG LINGGO
Pagsusuri ng Teleserye at
Pagbibigay ng opinyon
Layunin:
 Masuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay
sa itinakdang pamantayan;
 Makasusulat ng isang pangyayari na nagpapakita ng
tunggaliang tao vs. sarili;
 Nakagagamit ng mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay-opinyon (sa tingin, akala, pahayag/ko at
iba pa.
1.Sa inyong pagsusuri, ano ang
masasabi mo sa nilalaman ng
teleserye?
2.Aling bahagi ng teleserye ang
nagpapakita ng tunggaliang tao vs.
sarili?
3.Ano ang naging damdamin mo habang
pinapanood ang bahagi ng teleserye?
ALAMIN ANG
KONSEPTO NG
ARALIN
Iba’t- ibang
sangkap ng
teleserye
1. Tagpuan - lugar at
panahon ng mga
pinangyarihan
2. Tauhan - nagpapagalaw
at nagbibigay buhay sa
teleserye
3. Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa teleserye
4. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap,
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng
may-akda
5. Tema - paksang-diwang binibigyan
ng diin sa teleserye
6. Damdamin - nagbibigay kulay sa
mga pangyayari
7. Pamamaraan - istilo ng manunulat
8. Pananalita - diyalogong ginagamit
sa teleserye
9. Simbolismo - nagbibigay ng mas
malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayarihan
10.Sinematograpiya-ay ang sining sa
pagkuha ng bidyo na kinabibilangan ng
liwanag, anggulo, dimensyon at marami
pang iba.
Ang Paggamit nang
Wastong Pahayag sa
Pagbibigay Opinyon
Ang paggamit nang wastong pahayag sa
pagbibigay opinyon ay hindi maaaring
mapatunayan agad-agad ng walang
basehan. Ito rin ay nakabatay sa
damdamin at isipan ng isang tao.
Sa pagbibigay-opinyon, makabubuti kung
tayo ay may sapat na kaalaman, katibayan o
patunay sa paksang pinag-uusapan upang
masusing mapagtimbang-timbang ang mga
bagay at maging katanggap-tanggap ang mga
opinyon at pangangatuwiran mong ginamit.
Bahagi ng pang-araw-araw na buhay
ang pagbibigay opinyon sa mga
pangyayaring nagaganap o
namamalas sa ating paligid.
Ang pagbibigay opinyon ay maituturing
ding agham sapagkat ito ay may
prosesong dapat isaalang-alang o sundin
upang maging mahusay at matagumpay
lalo nasa formal na pangangatuwiran o
debate.
SURIIN NATIN ANG HALIMBAWANG
PANGUNGUSAP:
1.Sa palagay ko mas nakakatakot sumakay sa eroplano
kaysa sumakay sa barko.
[Ang paggamit ng pagbibigay opinyon sa palagay ko
ay nagpapahayag ng isang saloobin o damdamin ng
nagsasalita na ito ang pinaniniwalaan ng nagsasalita na
maaaring hindi pa nakakaranas sumakay ng eroplano o
ng barko.]
2.Sa akala ko, may pasalubong uli
si Nanay nang masarap na
pagkain.
[Ang pangungusap ay
nagpapahayag na iniisip niya ang
maaaring mangyari.]
3. Mas payapa ang buhay ng isang
tao sa palagay ko, kapag siya ay
may takot sa Diyos.
[Ang pangungusap ay
nagpapahayag na ito ay kanyang
pinaniniwalaan.]
4. Sa pahayag kamakailan, sinabi sa
balita na hindi binibigyang pansin sa
lipunan ang karapatan ng mga
kasambahay.
[Ang pangungusap ay nagpapahayag ng
may isang pinagbatayang
pangyayari.]
5. Sa tingin ko, may kabaitang
taglay ang batang iyan kung
magsalita.
[Ang pangungusap ay nagpapahayag
ng neutral na opinyon o walang
katiyakan.]
Sagutan ang mga katanungan:
1. Maglahad ng sarili mong damdamin at opinyon
tungkol sa napanood na bahagi ng teleserye.
2. Sa iyong pagsusuri sa bahagi ng teleserye,
anong mga sangkap o pamantayan ang
nakapaloob dito? Ipaliwanag
3. Anong pangyayari mula sa teleserye ang
nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili?
Ipaliwanag
INDIBIDWAL NA GAWAIN
Panuto: Maraming mga pangyayari sa buhay
ang ating nararanasan na nakakaapekto sa ating
kilos at pag-iisip. Ang mga pangyayaring ito ay
kadalasang nagiging sanhi upang tanungin o
kalabanin mo mismo ang iyong sarili. Sumulat
ng isang pangyayari na nagpapakita ng
tunggaliang tao vs. sarili.Sundin ang
pamantayan sa pagsulat.
Nilalaman Napakahusay[15] Mahusay [13] Nalilinang [10]
Kaangkupan ng Lubos na naiangkop Naiangkop sa Bahagya ang
nilalaman sa sa paksa ang paksa ang kaangkupan sa
paksang nilalaman nilalaman paksa ngunit
natalakay [7.5] [6.5] sumubok na
gawin[5]
Taglay ang Lubos na nailahad Nakapaglahad ng Hindi gasinong
pangyayari sa ang pangyayaring pangyayaring may nagtaglay ng
buhay na may tunggalian vs. tungalian ngunit pangyayaring may
nagpapakita ng sarili [7.5] hindi lubos ang tunggalian subalit
tunggaliang tao ginawang sumubok na gawin
vs. sarili paglalahad [6.5] [5]
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 1 - Panuto:Suriin ang
pinanood na teleseryeng
Asyano.Piliin at bilugan ang letra
ng tamang sagot batay sa
itinakdang pamantayan.
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 2 -Panuto:Pilin at bilugan
ang letra ng tamang sagot kaugnay
sa mga pangyayari na nagpapakita
ng tunggaliang tao vs. sarili.
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 3 -Panuto:Piliin ang angkop
na pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinyon at isulat ito
sa patlang. Maaaring maulit ang
sagot
MARAMING
SALAMAT PO!

You might also like