You are on page 1of 37

Aralin 2.

3: Paghahambing
ng Kuwento ng Aking
Pamilya at ng Pamilya ng
Aking mga Kamag-aral
Pag-isipan
Ano ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng iyong
pamilya at pamilya ng
iyong kamag-aral?
Gawain 1
Iguhit ang iyong
pamilya sa loob ng
kahon. Kulayan ito.
Sa tulong ng iyong guro o
kasama sa bahay, punan
ng salita o mga salita ang
mga patlang
upang makabuo ng
kuwento ng iyong
pamilya.
Ang Aking Pamilya
Ako ay nabibilang sa
pamilya
_________________.
(apelyido)
Binubuo ang aking
pamilya ng
_____________
(bilang ng kasapi)
kasapi.
Nakatira ang aming
pamilya sa
________________________
_________________.
(lugar ng tirahan)
Ang tatay ko ay isang
_____________________
____________________.
(gawain o hanapbuhay)
Ang nanay ko ay
isang_________________
__________________.
(gawain o hanapbuhay)
Ang mga paborito naming
ginagawa nang sama-sama ay
________________________.
(paboritong gawain ng
pamilya)
Ang aming pamilya
ay__________________.
(pinakagustong
katangian ng pamilya)
Gawain 2
Bumuo ng pangkat na
may limang kasapi.
Ibahagi ang kuwento ng
iyong
pamilya. Sa tulong ng
inyong guro, isulat ang
inyong ibinahagi sa tsart
na makikita sa ibaba.
Pangalan ng mga kasapi Apelyido
ng pangkat
Bilang ng mga kasapi ng Tirahan
pangkat
Gawain o hanapbuhay ng Gawain o hanapbuhay ng
tatay nanay
Paboritong Gawain ng Pamilya
May napansin ka bang
pagkakatulad at
pagkakaiba ng iyong
pamilya at pamilya ng
iyong
mga kamag-aral?
May nais ka pa bang
ibahaging impormasyon
tungkol sa iyong
pamilya?
Gawain 3
Magdala ng mga
pangkulay, gunting,
paste at makukulay na
papel o lumang
diyaryo o magazine o
tuyong dahon.
Gamit ang makukulay
na papel o diyaryo o
magazine
o tuyong dahon, gumawa
ng isang puno at idikit
ito sa isang malinis na
papel.
Iguhit sa loob
ng kahon ang mukha ng
bawat kasapi ng iyong
pamilya.
Guputin ang mga kahon
at idikit ito sa ginawang
puno.
Family tree ang
tawag sa iyong
ginawa.
Ipinakikita ng family
tree ang mga kasapi ng
pamilya at ugnayan ng
bawat isa.
Gawain 4
Ibahagi sa klase ang
ginawang family tree.
Ipaskil sa pisara o isang
bahagi ng
silid-aralan ang natapos
ninyong family tree ng
iyong mga kamag-aral.
Pagmasdang mabuti
ang mga family tree. Ano
ang masasabi mo sa
inyong nabuong mga
family tree?
Bakit kaya
magkakaiba ang mga
nabuong family tree?
TANDAAN
May pagkakaiba at
pagkakatulad ang
katangian ng bawat
pamilya.
Sa pagkakaibang ito
makikita ang
namumukod na
katangian ng isang
pamilya.
Nararapat lamang na
igalang ang katangian
ng bawat pamilya.

You might also like