You are on page 1of 9

PANG- URI

- Salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa


pangngalan o panghalip.
KAANTASAN NG
PANG- URI
LANTAY PASUKDOL

PAHAMBING
LANTAY
• Ang tuon ng paglalarawan ay sa isang pangngalan o panghalip
lamang.

HALIMBAWA:
a. Maganda si Gail.
b.Mataas ang bundok na aming inakyat.
c. Maagang umuwi si Gino kagabi.
PAHAMBING
• Naghahambing sa magkatulad at hindi magkatulad na
katangian.

PATULAD PASAHOL O PALAMANG


PAHAMBING NA PATULAD
• Paghahambing ng dalawang magkatulad na katangian.
• Naipapakita ito sa paggamit ng mga panlaping gaya ng sing-,
kasing-, magsing-, magka- at mga salitang pareho, kapwa.

HALIMBAWA:
a. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko
b.Singtangkad na ni Russell ang kanyang ina.
c. Parehong nangunguna sa klase ang magkaibigan.
PAHAMBING PASAHOL O
PALAMANG
• Paghahambing ng dalawang katangian na ang isa ay nakahihigit/
nakakalamang sa isa.

HALIMBAWA:
1. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres.
2. Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis.
3. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa
nakalipas na taon.
4. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio.
PASUKDOL
• Kapag ang paghahambing ay nakatuon sa higit sa dalawang bagay, lugar,
pangyayari, o tao.
• Ang paglalarawan ay maaaring pinakamababa o pinakamataas.
• Ito ay masidhi kaya gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga,
saksakan, hari ng-, o pag-uulit ng pang-uri.

HALIMBAWA:
a. Si Gary ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.
b. Ubod ng ganda ang mga tanawin dito sa Pilipinas.
L= LANTAY PH = PAHAMBING PS = PASUKDOL
____ 1. Si Raul ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.
____ 2. Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel.
____ 3. Ang buhok ni Lola Alicia ay kasimputi ng balahibo ng tupa.
____ 4. Napansin ko na ang anak ni G. Santos ay magalang.
____ 5. Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina.
____ 6. Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan nang guwapo pa siya!
____ 7. Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis.
____ 8. Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita.
____ 9. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres.
____ 10. Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito.
____ 11. Bagong-bago ang sapatos na suot ni Larra ngayon.
____ 12. Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang lumakas pa ang
iyong resistensiya.
____ 13. Ang magpinsan na Sheila at Sarah ay magkamukha.
____ 14. Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo!
____ 15. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay
makasaysayan.
L= LANTAY
PAGSUSULIT#5 PH = PAHAMBING
PS = PASUKDOL
____ 1. Huwag kang lumapit sa mabangis na hayop sa kulungan.
____ 2. Napakalakas ng palakpak ng mga tagapanood ng cheerdance.
____ 3. Simbilis ng hangin ang pagkalat ng tsismis sa bayan namin.
____ 4. Ang manggagawa ay pagod na pagod dahil sa walang tigil na pagtatrabaho.
____ 5. Ang mabubuting asal at pagpapahalaga ay dapat ipakita natin sa mga kabataan.
____ 6. Di-masyadong maanghang ang laing na ito kung ihahambing sa laing na luto ni Ate
Rosita.
____ 7. Sinong bayani ang mas dakila para sa iyo, si Rizal o si Bonifacio?
____ 8. Natutuhan namin ang wastong pagbigkas ng mga salita.
____ 9. Mukhang antok pa ang bata kaya hayaan mo na matulog muna siya sa upuan.
____ 10. Ang suliranin ni Ben ay lubhang masalimuot kaysa suliranin ni Mario.
____ 11. Sa Tsina matatagpuan ang pinakamahabang tulay na dinadaanan ng tren.
____ 12. Ang talento sa pagsayaw ng pangkat na A-Team ay kahangahanga.
____ 13. Di-hamak na malaki ang kuwarto ni Denise kaysa sala namin.
____ 14. Gaholen ang batong itinanggal ng duktor mula sa kidney ni Romy.
____ 15. Magsimbigat ang mga sakong karga ng dalawang magsasaka.

You might also like