Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng mga
pangungusap at MALI kung mali.
1.Nabasa ni Van mula sa pahayagan na may virus na lumaganap sa kanilang lugar. Nagsaliksik siya tungkol dito at nagtanong din sa kaniyang mga magulang. 2.Kinukumpara ni Mika ang mga balitang napakinggan mula sa iba’t ibang himpilan ng radyo para makakuha ng tamang impormasyon. 3.Pinaniniwalaan ni Julio ang lahat nang sinasabi ng kaniyang iniidolong artista. 4.Sinusunod ni Mariel ang lahat nang nakikita at naririnig sa patalastas tungkol sa pag-iwas sa COVID-19. 5.Tuwang-tuwa si Benny nang mabasa sa internet na may dagdag sahod sila, pero nang tinanong niya ang may-ari ay napag-alamang fake news lang pala. Panuto: Itaas ang kanang kamay kung ang mga balitang nakasulat sa kahon ay totoo at kaliwang kamay naman kung hindi totoo. 1.Walang pasok sa Agosto 29 dahil ipinagdiriwang ang Araw ng mga Bayani. 2. Makakapasa ang mga bata kahit hindi sila nag-aaral. 3. Ang mga guro sa Paaralang Elementarya ng Bantay ay pawang mga lalaki. 4. Ayon sa aking kaibigan ang mga lalaki lamang ang maaaring maglaro ng basketball. 5. Mula sa pahayagan nakuha na Tsina ang Spratly Island. Unggoy sa California zoo, nang-agaw ng cell phone at ginamit para tumawag sa 911! NAGULAT ang mga pulis na rumesponde sa isang 911 call mula sa isang zoo sa California nang malaman nila na ang tumawag sa emergency hotline ay isang capuchin monkey! Ayon sa Facebook post ng San Luis Obispo County Sheriff’s Office, nakatanggap ang 911 dispatcher’s ng tawag mula sa isang zoo. Mabilis na-disconnect ang tawag at hindi na sumagot nang sinubukan nila itong tawagan pabalik. Rumesponde sila sa source ng tawag, ang wildlife sanctuary na Zoo to You sa Paso Robles, California. Pagdating nila sa lugar, wala ni isa sa mga nagtatrabaho roon ang nagsabing tumawag sila sa 911. Nagtulong ang mga awtoridad at staff ng zoo upang imbestigahan kung saan nanggaling ang 911 call at natuklasan nila na ang capuchin monkey na si Route ang may kagagawan ng pagtawag. Sa imbestigasyon ng sheriff’s office, nakuha ni Route ang cell phone ng isang staff na naiwan sa golf cart at napindot nito ang emergency call function. Lagyan ng tsek (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis (x) kung hindi. 1. Siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon 2. Huwag magpadala sa emosyon ng nabasa 3. Think before you click 4. Kapag nakabasa ka ng mali, ipamalita mo 5. Tiyaking tama ang impormasyong ipapasa Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang Oo kung nagpapakita ang pangungusap nang mapanuring pag-iisip, Hindi naman kung wala. Ipaliwanag ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan. 2. Naniniwala kaagad sa patalastas na napanood o narinig. 3. Inihahambing ang balita o mensaheng nabasa sa facebook at sa pahayagan. 4. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral sa buhay. 5. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang- aralin. Karagdagang Gawain: Gumupit ng isang balita na galing sa isang pahayagan at idikit sa kwaderno o makinig o manuod ng balita sa radio o TV at isulat sa kwaderno.