You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan: Iskor:
Baitang/Pangkat: Guro:

GAWAING PAGSASANAY Bilang 5

Pagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang


hakbangin batay sa mga nakalap na impormasyon batay sa
patalastas na nabasa/narinig.

Pagsasanay 1

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at M kung mali.

1. Ang pagsusuri sa patalastas na nababasa ay


nagpapakita ng masusing pag-iisip.
2. Ang pagsusuri sa patalastas ay hindi nakatutulong sa
tamang pagpapasya.
3. Kailangang alamin kung sino at anong ahensya galing
ang patalastas.
4. Ang detalye sa patalastas ay hindi na kailangang suriin
kung tama ang impormasyon nito.
5. Kapag hindi nasuring mabuti ang patalastas, ito
ay magdudulot ng kalituhan sa mga tao.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Nabasa mo ang patalastas na ito sa labas ng bahay ninyo.
Paano mo susuriin kung totoo ito?
Palaging Magsuot ng Face Mask Kapag Lalabas ng Bahay

17
A. Babalewalain ko lang ito

17
A. Tatanggalin ko ang patalastas na nakapaskil
B. Tatanungin ko ang aming kapitbahay ukol dito
C. Tatanungin ko ang aking mga magulang kung totoo ang
mga nakasulat dito
2. Narinig ni Minie sa kanyang kalaro na mabango daw ang
shampoo na “Lovey Shampoo”. Paano niya mapapatunayan
na tama ang narinig?
A. Maniwala agad sa narinig sa kanyang kalaro
B. Susubukan niya itong gamitin upang malaman ang totoo
C. Hindi maniniwala sa kalaro kasi baka hindi totoo ang
sinasabi
D. Ayaw niyang subukang gamitin kasi baka hindi niya
hiyang ang shampoo
3. Ang lolo ni Candy ay senior citizen na at gustong lumabas ng
bahay subalit narinig niya sa T.V. na bawal daw lumabas
ang edad 60 pataas dahil sa quarantine. Paano niya
susuriin ang narinig kung totoo o hindi upang masabi sa
lolo ang tamang impormasyon ?
A. Palabasin ang lolo kasi baka magalit
B. Magkunwaring hindi narinig ang patalastas sa T.V.
C. Alamin ang istasyon ng T.V. kung mapagkakatiwalaan sa
mga inuulat
D. Tawagin ang mga magulang at sila ang utusang magsabi
sa iyong lolo
4. May patalastas sa T.V. tungkol sa tamang hakbang
paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang virus o sakit.
Susuriin mo pa ba ang patalastas kung totoo o hindi?
A. Opo
B. Hindi na po.
C. Hindi ko na aalamin.
D. Babalewalain ko na lang.

17
5. Nabasa ni Adrian ang patalastas na ito sa harap ng kanilang
baranggay. Siya ay sampung taong gulang pa lang. Ano ang
dapat niyang gawin?
Bawal Lumabas ang Bata , Edad 21 Pababa
A. Basahin lang niya at pumunta sa gustong puntahan
B. Tanungin ang punong baranggay nila kung totoo ang
nakasulat dito.
C. Tumakbo na lang para walang makahuli sa kanyang tanod
ng baranggay
D. Huwag paniwalaan ang patalastas na nakapaskil kahit
nasa harap ito ng baranggay.

Pagsasanay 3
Magsulat ng isang patalastas na nabasa mo sa inyong lugar
at isulat ang mga hakbang paano mo nalaman ang
katotohanan nito.

Pangwakas na Gawain
Panuto: Iguhit ang tatsulok sa patlang kung tama ang
ipinapahayag ng pangungusap at parisukat naman kung
mali.

1. Basahin nang walang pang -unawa ang bawat patalastas


na nababasa upang masuri ito.
2. Ang patalastas ay masusuring mabuti kapag tama ang
mga impormasyong nakasulat dito.
3. Mahalagang suriin din kung sino ang nagpakalat ng
patalastas.
4. Ang pagsusuri sa patalastas ay hindi magandang
hakbang upang malaman ang katotohanan.
5. Suriin munang mabuti ang detalye sa patalastas bago
maniwala at ipakalat.

17

You might also like