You are on page 1of 19

Gallery Walk

NG MGA PROPAGANDISTA, BAYANI’T MANUNULAT


SA PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN
PANITIKAN SA PANAHON NG PROPAGANDA AT
HIMAGSIKAN

Ang panahong ito ay nagsimula noong taong 1872 nang pinalitan ng isang mahigpit na Kapitan Heneral na si Rafael
de Izquierdo ang isang mabuting pinuno, at tunay na demokratikong si Hen. Carlos Maria de la Torre. Binaligtad ni
Izquierdo ang mga ginawa ni de la Torre kaya nagkagulo. Naghimagsik ang mga kawal, at manggagawa sa pamumuno
ng isang sarhentong kawal, si La Madrid. Sa kasamaang-palad, nasupil sila kaya sinamantala ng mga maimpluwensiyang
Kastila at isinangkot ang tatlong paring Filipino sa aklasan ng Kabite. Binitay sila sa garote noong Pebrero 17, 1872.
Dahil dito, lumaganap ang diwang humihingi ng pagbabago sa masamang pamamalakad ng mga mananakop.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
• Ang panahon ng propaganda at himagsikan ay nahati sa dalawang
pangkat. Ang unang pangkat ng mga manunulat ay pinangunahan ni Dr.
Jose Rizal na umasang makakamit ang kalayaan sa mahinahong
pamamaraan at ang ikalawang pangkat ay pinamunuan ni Andres
Bonifacio na naniniwalang panahon na para mag-alsa upang makamit ang
Kalayaan
• Sa Kilusang Propaganda, wikang Kastila ang malimit gamitin ng
panitikan; sa Tahasang Paghihimagsik, ang wikang Tagalog ang ginamit.
Ang Mga Propagandista
GRACIANO LOPEZ
JAENA

• Ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong


Disyembre 17, 1856.
• Siya ay isa sa pinakadakilang henyo sa
Pilipinas at nakasulat ng 100 talumpati
• Kilala sa tawag na “Prinsipe ng mga
Orador at ang kaniyang sagisag-panulat
ay diego Laura.

This Photo by Unknown Author is


licensed under CC BY-SA-NC
Graciano Lopez-Jaena
• Noong 1874, isinulat niya ang pinakatanyag na
komentaryong Fray Botod at La Hija del Fraile.
• lider ng Kilusang Repormista, manunulat at
orador. Kabilang sa mga bumubuo ng
Asociacion Hispano-Filipina, kapisanang
binubuo ng mga Kastila at Pilipino na lumalakad
sa pagbabago sa mga batas sa Pilipinas.
• Itinatag din niya ang El Latigo Nacional
• Unang editor ng La Solidaridad noong Pebrero This Photo by Unknown Author is
licensed under CC BY-SA
15, 1889 sa Barcelona
MARCELO H. DEL PILAR
• isinilang sa nayon ng Kupang, San Nicolas,
Bulakan noong Agosto 30, 1850. Siya ay buhat
sa angkan ng mayaman, subalit namatay na
isang mahirap sa Barcelona, Espanya noong
Hulyo 4, 1896, at malayo sa kanyang mga
kaanak
• Plaridel
• Pangalawang editor ng La Solidaridad
• Siya ang nagtatag ng Diariong Tagalog noong
1882. This Photo by Unknown Author is
licensed under CC BY-SA
MARCELO H. DEL PILAR
Si Marcelo H. Del Pilar, tulad din ni Dr. Rizal
hanggang sa kanyang huling sandal ay naghahangad ng
kaligayahan ng kanyang mga kababayan, at
pagmamalasakit sa kapakanan ng bayan.
Ilan sa mga sinulat ni Del pilar ay ang mga sumusunod:
1. Caiingat Cayo
2. Kadakilaan ng Diyos
3. Dasalan at Tocsohan
4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
DR. JOSE RIZAL

• Bayani sa lahing kayumanggi. Isinilang


sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19,
1861.
• Laong Laan at Dimasalang
• aktibong nagsulat sa La Solidaridad.

This Photo by Unknown Author is licensed under


CC BY-SA-NC
Mga Akda Ni Rizal

• Noli Me Tangere at El Filibusterismo.


• Ang Sanhi ng Pagiging Tamad ng mga
Filipino.
• Hiling Paalam (Mi Ultimo Adios.)
• Kay Birheng Maria at Ang awit ni
Maria Clara at iba pa.

This Photo by Unknown Author is


This Photo by Unknown Author is
licensed under CC BY-SA
licensed under CC BY-SA
ANTONIO LUNA
• Isinilang sa Urbistondo, Maynila noong Oktubre 29, 1866.
• Kilala bilang pinakamahusay na Pilipinong Heneral sa
kaniyang panahon.
• Mahusay na manunulat sa ilalim ng sagisag –panulat na
Taga-ilog
• Pinamatgunutan niya ang pahayagang La Indepedencia na
tagapamansag ng mga manghihimagsik at ng Unang
Republika ng Pilipinas. This Photo by Unknown Author is
licensed under CC BY-SA-NC
• Noong 1887, si Antonio Luna ay ipinatapon sa Espanya
dahil sa hinalang siya ay kaalam ng mga manghihimagsik
at ibinilanggo sa Carcel Modelo de Madrid.
Mga Akda ni Antonio Luna
• Noche Buena – isang sanaysay na naglalarawan ng buhay at
pamumuhay ng mga Pilipino.
• Se Divierten (Sila ay Naglilibang) – isang sanaysay na
pumupuna sa sayaw ng mga Kastila. Tinuligsa rin niya sa
sanaysay na ito ang mga Espanyola.
• Por Madrid (Sa Madrid) – isang tuligsa tungkol sa paniningil
ng buwis.
• La Tertulia Filipino (Ang Handaang Pilipino) – naglalarawan ng
mga kaugaliang Pilipino. Ipinaliwanag ni Antonio Luna na higit
na mabuti ang mga kaugaliang Pilipino kaysa sa kaugalian ng
mga Kastila.
• La Casa de Huespedes (Bahay-Pangaserahan) – paglalarawan
This Photo by Unknown Author is
ng buhay-mag-aaral sa isang bahaypangaserahan.
licensed under CC BY-SA
PEDRO PATERNO
• Isinilang mula sa mayamang angkan sa Sta. Cruz,
Maynila noong Pebrero 27, 1857.
• Isang manunulat, makata, dramaturgo at nobelista.
• Kabilang sa tatlong panahon ng panitikang Pilipino: (1)
Panahon ng Propaganda (2) Panahon ng Himagsikan
(3) Panahon ng Amerikano.
• Sumulat ng kasunduan sa Biak-na-Bato na nilagdaan
noong Disyembre 15, 1897.
• Umakda ng panukalang batas ukol sa pandarayuhan ng
This Photo by Unknown Author is licensed
mga Intsik, pagtatayo ng Aklatang Pambansa at ang under CC BY-SA
pagtatag ng isang Konserbatoryo ng Musika
JOSE MARIA
PANGANIBAN

• Tubong Mambulao, Camarines Norte at


ipinanganak noong Pebrero 1, 1863.
• Isang mamamahayag at katulong ni Del
Pilar sa pagtatag ng La Solidaridad.
• Kabilkang sa grupong Asociacion
Hispano-Filipino
• Jomapa at JMP - sagisag-panulat This Photo by Unknown Author is licensed
under CC BY-SA-NC
Jose Maria Panganiban

• Sumulat siya tungkol sa maling


Sistema ng edukasyon sa Pilipinas at
ang hangarin ng malayang
pagapapahayag ng saloobin ng mga
Pilipino.
• Isa sa mga nakilala at napatanyag
niyang sinulat sa wikang Kastila ay
isang lathalaing may pamagat na This Photo by Unknown Author is licensed
under CC BY-SA-NC
Memoria Fotogracia.
Mga Akda
• Sampaguitas y Poesis Varias (Mga Sampagita at Iba’t ibang Tula) – nilimbag
sa Madrid noong 1880. Paghanga sa kagandahan ang namamayani sa tula.
• El Christianismo en la Antigua Civilizacion Tagala (Ang Kristiyanismo at
ang Dating Kabihasnang Tagalog) – nilimbag noong 1892. Ipinaliwanag niya
sa sanysay na ito ang mga kaugalian Tagalog ay hindi mapangingibabawan ng
Kristiyanismo.
• Ninay – isang nobelang nasusulat sa Kastila. Ito ay itinuturing na nobelang obra-
maestra ni Paterno at naghatid sa kanya ng katanyagan sa panitikan sa kaniyang
panahon.
• La Familia Tagalog en la Historia Universal (Ang Pamilyang Tagalog sa
Kasaysayang Pandaigdig). Ito ay sinulat noong 1892.
• El Barangay (Ang Barangay) -1892 at El Individuo Tagalog y Su Arte en la
Exposicion HistoricoAmericana (Ang Tagalog at ang Kilos Niya sa
Tanghalang Pangkasaysayang Amerikano) – 1893. Pawang inilarawan ang
mga kalinangan at kabihasnan ng mga Pilipino na nakahihigit sa mga Kastila, at
maaaring ipantay sa kalinangan at kabihasnan ng maraming bansa sa daigidig.
MARIANO PONCE
• Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 23,
1863.
• Naging masugid na katulong ng tatlong
pangunahing propagandista.
• Siya ay nakasulat ng mga akdang-pampanitikan sa
tatlong wika: Kastila, Tagalog at Ingles
• Ang kaniyang sagisag-panulat ay Tikbalang,
kalipulako, at naming. This Photo by Unknown Author is licensed
under CC BY-SA-NC
• Humawak ng seksiyong pampanitikan sa La
Solidaridad.
PASCUAL POBLETE
• Isinilang sa Kawit, Cavite noong Mayo 17, 1857
• Siya ay kabilang sa dalawang panahon ng panitikang
Pilipino – Panahon ng Kastila at Panahon ng Amerikano.
• Siya ay isang mamamahayag, makata, mandudula,
nobelista at mananalaysay. Ang kaniyang sagisag-panulat
ay Anak-bayan.
• Itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang El
Resumen
• Itinatag niya ang dalawang pahayagang El Grito del
Pueblo at Ang Kapatid ng Bayan.
• Kinilalang Ama ng Pahayagang Tagalog.
This Photo by Unknown Author is licensed under
CC BY-SA-NC
PREPARED BY:
ANALI L. BARBON
BSED-MATH 1A

You might also like