You are on page 1of 14

PAGGAMIT NG

WASTONG SALITA
May at Mayroon
Ang may at mayroon ay magkasingkahulugan. Ang
may ay pinaikling anyo ng mayroon.

Gamit ng may
Ang may ay ginagamit kung ang sumusunod na salita
ay =

1. Pangngalan
Hal: May taong nakaupo sa silya
May babae sa kuwarto
2. Pandiwa
Hal: May nakuha siyang sulat
May darating na mga panauhin

3. Pang uri
Hal: May bagong damit si Randy
May malawak na palaruan sa aming paaralan

4. Pang-ukol sa
Hal: May darating na mga balikbayan bukas
May sa palos si Conrado
Gamit ng mayroon
1. Ginagamit kung sinusundan ng panghalip na palagyo.
Hal:
Mayroon tayong darating na mga panauhin
Mayroon kaming pagpupulong bukas

2. Ginagamit kung sinusundan ng isang kataga.


Hal:
Mayroon palang namatay sa baha.
Mayroon ding palatuntunan sa aming paaralan hinggil sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
3. Ginagamit sa patalinghagang pakahulugan.
Hal:
Ang mga Roxas ay mayroon sa kanilang bayan. Kung minsan, ang
mga mayroon ay mayayabang.

4. Ginagamit kung may napapasingit na ibang kataga o


salita sa pagitan ng may at ng pangngalan, pang-uri o
pandiwang kasunod.
Hal:
Si Lani ay mayroon pang Ina Si Poleng ay mayroon nang
malaking anak
5. Ginagamit ang mayroon bilang panagot
sa tanong.

Hal:
May kapatid ka ba? Mayroon
May pera ka pa ba? Mayroon
Operahin at Operahan
Gamit ng operahin
Ginagamit ang operahin kung tumutukoy sa tiyak na bahagi ng
katawang tinitiis.
Hal:
Siya ay ooperahin sa kanyang bato
Operahin mo na Doktor ang tonsil ni Anita

Gamit ng operahan
Ginagamit ang operahan kung tumutukoy sa tao at hindi sa bahagi
ng katawan
Hal:
Ooperahan ang matandang nabundol sa pagamutan ng San
Ignacio
Ooperahan si Abegail sa linggong darating
Pakiusap, Ipakiusap, Pakiusapan
Gamit ng pakiusap
Ginagamit ang pakiusap bilang pangngalan..

Hal:
Ang pakiusap ng ina ay dininig ng guro
Pinagbigyan ng guro ang pakiusap ng ina

Gamit ng ipakiusap
Ginagamit ang ipakiusap kung ang ibig tukuyin ay bagay, gawain,
tungkulin, pahintulot, at iba pa na ang ibig matamo ng isang tao para sa
sarili o para sa iba.
Hal:
Ipakiusap mo naman sa tatay na ako ay payagang sumama
sa paglalakbay

Ang mga nakaraan ay ipakiusap mo sa kanyang na limutin


na
Gamit ng pakiusapan
Ginagamit ang pakiusapan kung ang tinutukoy ay ang taong
nilalapitan o hinihingan ng tulong.
Hal:
Pakiusapan mo ang ating pangalawang pangulo na tayo ay
payagang magkaroon ng lakbay-aral

Ang pakiusapan ang punong-guro, na pauwiin na tayo sapagka’t


mataas na ang baha sa ating pook.
Magbangon at Bumangon
Gamit ng magbangon
Ginagamit ito kung nagtataglay ng tuwirang layon . Kasing kahulugan
din ng magtayo, magtindig at magtatag.
Hal:
Tulungan mo kaming magbangon ng mga haligi para sa
aming bahay
Ang mga kabataan ay nagbangon ng isang katipunan ng
kagyat na pagbabago

Gamit ng bumangon
Ginagamit ito bilang kasing kahulugan ng gumising.
Hal:
Ang pangulo ng samahan ay maagang bumangon upang
ihanda ang mga kailangang gagamitin.

Bumangon na ba si Winnie?
Pinto at Pintuan

Gamit ng pinto
Ang bahagi ng daanan na isinasara at binubuksan. Ginagawa ito
upang ilagay sa pintuan.

Hal:
Isinara ni Adan ang pinto upang hindi makapasok ang gamu
gamo

Biglang isinara ng guro ang pinto dahil pumapasok ang mga


patak ng ulan.
Gamit ng pintuan
Ito ay ang kinalalagyan ng pinto. Ang bahaging daraanan kapag
bumukas na ang pinto.

Hal:
Nakaharang sa pintuan ang malaking kahon kaya hindi ito
maisara

Nakatulog ang malaking aso sa may pintuan


Maraming Salamat!

You might also like