You are on page 1of 49

Aspekto

ng
Pandiwa
Basahin ang usapan ng paruparo at bulaklak:

• Bulaklak: Namasyal ka pala kahapon sa ibang hardin,


Kaibigang Paruparo?
• Paruparo: Oo naman. Ngayon nama’y kaiinog ko lamang
sa aking hardin.
• Bulaklak: Nililigawan mo ba ngayon ang ibang bulaklak?
• Paruparo: Liligawan ko pa lamang sa susunod na araw.
Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo

Pawatas Perpektibo
• magsaliksik • nagsaliksik
• mag –igib • nag –igib
• magsulat • nagsulat
• pagbawalan • pinagbawalan
• antukin • inantok
Aspektong Perpektibong Katatapos

Perpektibo Perpektibong Katatapos

• nagsaliksik • kasasaliksik
• nag –igib • kaiigib
• nagsulat • kasusulat
• tumalon • katatalon
Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo

Pawatas Imperpektibo

• ligawan • nililigawan
• mag -ingay • nag -iingay
• magsalita • nagsusulat
• maghugas • naghuhugas
Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo

Pawatas Kontemplatibo

• magsalita • magsasalita
• antukin • aantukin
• maghugas • maghuhugas
• pinagbawalan • pagbabawalan
Uri
ng
Pandiwa
1. Palipat
• kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos
• karaniwang kasunod ng pandiwa
• pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga,
sa, sa mga, kay o kina
Halimbawa:
1. Si Hephaestus ay lumilok ng babae.
PANDIWA: lumilok
TUWIRANG LAYON: ng babae
2.Siya ay kanilang sinuotan ng damit at koronang ginto.
PANDIWA: sinuotan
TUWIRANG LAYON: damit at koronang
ginto
2. Katawanin
•kapag hindi nangangailangan ng
tuwirang layong tatanggap ng
kilos
•nakatatayo na ito nang mag -isa
Halimbawa:
Pandiwang naglalahad ng kilos
1.Nabuhay si Pandora.
PANDIWA: Nabuhay
Pandiwang Palikas
1.Umuulan! 2. Lumilindol!
Gamit
ng
Pandiwa
1. Aksiyon
• may aksiyon ang pandiwa kapag may tagaganap ng aksiyon o kilos
• maaaring tao o bagay ang tagaganap ng aksiyon
• mabubuo ang pandiwa sa tulong ng mga panlaping –um, mag - ,
ma-, mang -, maki-, mag –an,
Hal. Naglakbay si Bugan para makita si Psyche.
Tumalima ang dalaga sa lahat ng gusto ng kanyang ama.
2. Karanasan
• may karanasan ang pandiwa kapag may damdamin
• dahil dito may nakararanas ng damdamin na
inihuhudyat ng pandiwa
Hal. Tumawa lang si nanay sa paliwanag ni kuya.
Nalungkot ang lahat sa masamang balita.
3. Pangyayari
• Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Hal. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.


Dahil sa kakapusan sa pera, natuto siyang
magnakaw.
Pokus ng Pandiwa
tawag sa kaugnayan ng pandiwa sa
simuno/paksa ng pangungusap
Panlaping Makadiwa
• um
• mag –an/han
• in/hin
• ma/na
•i
1. Tagaganap

• ang paksa o simuno ng pangungusap ang


tagaganap ng kilos ng pandiwa
Hal. A. Si Zeus ay nagalit nang labis kay Promitheus.
PAKSA : Zeus tagaganap ng kilos
PANDIWA: nagalit
B. Si Promitheus ay umibig kay Pandora.
PAKSA : Promitheus tagaganap ng kilos
PANDIWA: umibig
2. Layon o Gol

• ang layon ang siyang paksa o binibigyang - diin


Halimbawa:
A. Ang mitolohiya ay pinag –usapan ng mga mag –aaral.
PAKSA : mitolohiya binibigyang –diin sa pangungusap
PANDIWA: pinag -usapan
B. Ibinalot namin ang mga pagkaing natira.
PAKSA : pagkain binibigyang –diin sa
pangungusap
PANDIWA: ibinalot
3. Pinaglalaanan o Tagatanggap
• kung ang paksa/simuno ng pangungusap ang tagatanggap sa kilos na
isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
A. Ipinaghanda ng mag –asawang Macbeth ang maharlika sa
Scothland.
PAKSA : mga maharlika sa Scothland tagatanggap ng kilos
PANDIWA: ipinaghanda
B. Ibinili ko si bunso ng pasalubong.
PAKSA : bunso tagatanggap ng kilos
PANDIWA: ibinili
4. Kagamitan
• kung ang paksa/simuno ng pangungusap ang kagamitang
ginamit sa pagsasagawa ng kilos
Halimbawa:
A. Ipinambukas niya ng pintuan ang susi ng palasyo.
PAKSA : susi kagamitang ginamit sa pagsasagawa ng kilos
PANDIWA: ipinambukas
B. Ipambibili niya ng baon ang perang kita
mula sa tindahan.
PAKSA : ang pera kagamitang ginamit sa
pagsasagawa ng kilos
PANDIWA: ipambibili
5. Sanhi
• kung ang paksa/simuno ng pangungusap ang sanhi sa kilos
na isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
A. Ikinagalit nang labis ng taumbayan ang pagbaril kay Malala.
PAKSA : ang pagbaril kay Malala ang sanhi na isinasaad ng pandiwa
PANDIWA: ikinagalit
B. Ang paglilinis nila ay ikinatuwa ng kapitan ng
baranggay.
PAKSA : ang paglilinis ang sanhi na isinasaad ng
pandiwa
PANDIWA: ikinatuwa
6. Direksiyonal
• kung ang paksa/simuno ng pangungusap ang direksiyon o tutunguhin
ng kilos na isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
A.Pinuntahan ng mag –anak ang Cagsawa Ruins sa Albay.
PAKSA : Cagsawa Ruins sa Albay direksiyon ng kilos na isinasaad
ng pandiwa
PANDIWA: pinuntahan
B.Binalikan ng Taliban ang Pakistan para igiit ang
kanilang gusto.
PAKSA : Pakistan direksiyon ng kilos na
isinasaad ng pandiwa
PANDIWA: binalikan
7. Ganapan
• kung ang paksa/simuno ng pangungusap ang ginaganapan ng kilos na
isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
A.Ang malaking kawali na ito ang paglulutuan ko ng pansit.
PAKSA : malaking kawali ganapan ng kilos na isinasaad
ng pandiwa
PANDIWA: paglulutuan
Gawain
Tukuyin ang
pandiwang ginamit sa
pangungusap, uri,
aspekto, at gamit na
kinabibilangan nito.
Magdiriwang ang buong bayan sa
pagkapanalo ni Pacman.
PANDIWA:
URI:
ASPEKTO
GAMIT:
Magdiriwang ang buong bayan sa
pagkapanalo ni Pacman.
PANDIWA: MAGDIRIWANG
URI: PALIPAT
ASPEKTO: KONTEMPLATIBO
GAMIT:
PANGYAYARI
1. Laging nagpapaalala si Epimetheus
kay Pandora.
PANDIWA:
URI:
ASPEKTO:
GAMIT:
1. Laging nagpapaalala si Epimetheus
kay Pandora.
PANDIWA:
NAGPAPAALALA
URI: PALIPAT

ASPEKTO: IMPERPEKTIBO
2. Ang lahat ng kasamaan ay napaalpas
ng babae.
PANDIWA:
URI:
ASPEKTO:
GAMIT:
2. Ang lahat ng kasamaan ay napaalpas
ng babae.
PANDIWA: NAPAALPAS
URI: PALIPAT

ASPEKTO: PERPEKTIBO
GAMIT: AKSIYON
3. Pinarusahan siya ni Zeus.

PANDIWA:
URI:
ASPEKTO:
GAMIT:
3. Pinarusahan siya ni Zeus.

PANDIWA: PINARUSAHAN
URI:
KATAWANIN
ASPEKTO: PERPEKTIBO
GAMIT: AKSIYON
4. Sumuway si Prometheus sa kagustuhan
ni Zeus.
PANDIWA:
URI:
ASPEKTO:
GAMIT:
4. Sumuway si Prometheus sa kagustuhan
ni Zeus.
PANDIWA: SUMUWAY
URI: PALIPAT

ASPEKTO: PERPEKTIBO
GAMIT: AKSIYON
5. Araw –araw na nagpapaalala si
Prometheus sa kanyang asawa.
PANDIWA:
URI:
ASPEKTO:
GAMIT:
5. Araw –araw na nagpapaalala si
Premetheus sa kanyang asawa.
PANDIWA:
NAGPAPAALALA
URI: PALIPAT

ASPEKTO: IMPERPEKTIBO

You might also like