You are on page 1of 83

Labanan sa Look ng Manila

(Battle of Manila) at Kunwaring


Labanan sa Manila (Mock
Battle of Manila)
Inihanda ni:
ANA EMELIA P. GALINDO
MT II
Calamba Central School
Calamba, Misamis Occidental
A. Pamantayang Nilalaman
(Content Standard)
Naipapamalas ng mapanuring pag-unawa at
kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon
batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga
kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng
malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino.
B.Pamantayan sa Pagganap
(Performance Standard)
Naipapamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon
ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon
nito sa mundo
A.Pamantayan sa Pagkatuto
(Learning Competencies)
10. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa
pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano
10.1 Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay daan sa
digmaan ng mga Pilipinas laban sa Estados Unidos
10.2 Napahahalagahan ang pangyayari sa Digmaang
Pilipino- Amerikano
* Unang Putok sa Panukulan ng Kalye Silencio at
Sociego Sta. Mesa)
* Labanan sa Tirad Pass
* Balangiga Massacre
10.3 Natatalakay ang kasunduang Bates (1830-1901) at ang
motibo ng pananakop ng Amerikano sa bansa sa
panahon
ng paglawak ng kanyang political empire.
D. Layunin:
1.Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay daan
sa digmaan ng mga Pilipinas laban sa Estados
Unidos
2.Battle of Manila at Mock Batlle of Manila
3.Naipapahayag ang damdamin ukol sa Battle of
Manila at Mock Battle of Manila
4.Nasasagutan ng Venn Diagram ukol sa paksang
Battle of Manila at Mock Battle of Manila
Ano ang Kongreso ng
Malolos at Republika ng
Malolos?
Ano ang gagawin
mo kung ang
itinuring mong
kaibigan ay hindi
pala tunay at siya
pa ang
magpapahamak o
magiging dahilan
ng kapahamakan?
 
Basahin natin
ang
paglalarawan
sa Labanan sa
Look ng Manila
at Kunwaring
Labanan sa
Manila
Bago nangyari ang Digmaang
Filipino-Amerikano ay mayroon
munang dalawang pangyayari
nagbigay daan sa digmaang ito-ang
Labanan sa Look ng Maynila at
ang Mock Battle of Manila o
kunwaring labanan sa pagitan ng
Espanyol at mga Amerikano.
Labanan sa Look ng Manila
Isang mahalagang pangyayari ang
tuluyang nagpasimula sa Digmaang
Amerikano-Espanyol.Ito ay bang
pasabugin ang barkong MAINE
ng Estados Unidos, sa baybayin ng
Havana sa Cuba , noong Pebrero
15,1898. Ikinamatay ito ng higit
kumulang 246 na katao.
Pagsabog ng barkong MAINE ng  Estados Unidos
sa baybayin ng Havana sa Cuba , noong
Pebrero 15,1898
Bagama't walang batayan, isinisi ng
Estados Unidos sa Espanya ang insidente at
naghudyat sa pormal na pagpapahayag ng
pakikidigma ng Estados Unidos sa Espanya
noong Abril 25,1898. Ito nagdulot ng
malaking tension sa pagitan ng mga
Amerikano at Espanyol sapagkat ang Cuba
noon ay gaya ng Pilipinas ay kolonya ng
Pilipinas. Ang Estados Unidos naman ,
particular ang mga kapitalista nito ay may
malaking pamumunuhan sa mga industriya
ng Cuba lalo na ang kapitalista ng asukal.
Dahil dito ipinalagay ng Estados na
karapatan nitong ipagtanggol ang
mga Amerikanong namumuhunan sa
Cuba. Ang paglubog ng barkong
Maine ng Amerika ay ibibintang ng
mga Amerikano sa Espanyol.
Ikinagalit ng Espanya ang pakikialam
ng Amerika sa mga suliranin nitong
kolonyal kaya nagpahayag ito na
naging hudyat ng digmaang Espanyol-
Amerikano
Sa utos ni Kalihim John D.Long
Kalihim ng Hukbong Dagat  ng
Estados Unidos hanapin at
wasakin ang mga plota ng mga
Espanyol dito. Naglayag ang
barko ni 
Commodore George Dewey, mula
Mirs Bay malapit sa Hong Kong,
patungong Pilipinas.
Commodore
Barkong McColluch
George Dewey
Nakita ni Dewey ang plota ng mga
Espantol na pinamumunuan ni
Admiral Patricio Montojo at ito ay
kaagad niyang sinalakay, Gamit
ang Battle cry "Remember the
Maine" ginapi ng mga ito ang
Hukbong Pandagat ng mga
Espanyol sa ilalalim ni 
Admiral Patricio Montojo sa Manila
Bay noong Mayo 1,1898.
Dahil higit na malalakas ang
sandata ng mga Amerikano
madaling nagapi nila ang mga
Espanyol. Dahil walang
kakayahan sa lupa si Dewey ay
nanatili siya Look ng Maynila
habang hinihintay nila ang mga
sundalong manggagaling sa
Estados Unidos.
Habang naghihintay sila
Dewey ng mga sundalong
nanggaling sa Estados Unidos
ay nilusob ng kampo ni
Aguinaldo ang Intramuros.
Pinatigil ni Aguinaldo ang
pagpasok ng pagkain at tubig sa
Maynila upag mapilitang
sumuko ang mga Espanyol.
Dahil nakataya ang karangalan
ng Espanya, hindi sumuko ang
mga Espanyol, gayunma’y
nagpatuloy pa rin sa pagkubkob
si Aguinaldo sa paniniwalang
susuko rin ang mananakop sa
kanya. Ang pangyayaring ito
ang tinaguriang Battle Of
Manila Bay.
Kunyaring Labanan sa
Manila
Ngunit walang kaalam-alam s
Aguinaldo na may nabuo nang
kasunduan sa pagitan ng mga
Amerikano at Espanyol na ang
huli ay ay susuko sa mga
Amerikano ngunit papalabasin na
nakaroon ng labanan.
Nagkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng
mga Amerikanong lider
at sa gobernador heneral
ng Maynila. Gustong
angkinin ng mga
Amerikano ang Maynila.
Kasabay nito ay patuloy na
sinakop ni Aguinaldo ang
Intramuros nang dumating mga
sundalong Amerikano buhat sa
Estado Unidos. Sang-ayon sa utos
ni Heneral Wesley Merrit ay
pakiusapan ni Heneral Francis
Green si Aguinaldo na alisin ang
kanyang tropa upang magamit ito
ng tropang Amerikano.
Heneral Emilio Aguinaldo
Heneral Wesley Merrit
Sinunod ni Aguinaldo ang
pakiusap ni Green, ngunit
ang sunod-sunod na
pagdating ng mga
sundalong Amerikano ay
nagdulot ng alinlangan sa
katapatan ng mga
Amerikano.
Nang sumapit ang Agosto 13,
1898 umulan ng putukan sa
kabisera at napaalis sa lungsod
ang karamihan sa mga Pilipino.
Dumating sa Maynila ang mga
sundalong galing sa Estados
Unidos at isinagawa ang Mock
Battle o kunwaring pagsalakay ng
mga Amerikano sa mga Espanyol.
Kinanyon ng mga Amerikano
ang pinagkublihan ng mga
Espanyol. Nagkaroon ng
sandaling putukan ang
magkabilang panig at lumipas
ang sandal, iwinagayway ng
mga Espayol ang puting
bandila na simbolo ng
kanilang pagsuko.
Ang negosasyon ay nagbigay-
daan sa tuluyang pananakop ng
mga Amerikano sa teritoryo ng
Pilipinas na ang tanging
nakaalam ng kasunduan ay sina
Heneral Wesly Merrit,
Komodor Goerge Dewey at
Gobernador Heneral Fermin
Gaudenes.
Sa takot na baka maagaw
ng iba pang dayuhang
bansa ang bagong teritoryo,
nagpasya si Pangulong
McKinley na Estados
Unidos ang mamuno sa
lahat ng isla ng Pilipinas.
Panuorin natin ang mga
video tungkol Mock
Battle of Manila
 
Sagutin natin ang mga
tanong tungkol sa
napanuod na video
 
1. Magkapareho ba
ang Labanan ng
Look ng Maynila sa
Mock Battle of
Manila
2. Ano ang Labanan
ng Look ng
Maynila?
3. Ano ang pangako
ng mga
Amerikano kay
Aguinaldo?
4. Ano ang Mock
Battle?
5. Sino-sino ang
nakaalam ng
kunwaring
pagsalakay?
6. Paano ang
nagsimula ang
pananakop ng
Amerikano?
TALAS KAISIPAN
Ano ang
pagkakapareho
at pagkakaiba
ng Mock Battle
of Manila at
Battle of Manila.
Gawin sa Venn
Diagram sa slide
Kunyaring Labanan sa
Labanan ng Look ng Manila
Manila
Tama ba na naging
palagay ang mga Pilipino
sa pakikipagkaibigan sa
mga Amerikano?
Ano ang masasabi mo sa
kunwaring labanan sa pagitan
ng mga Espanyol at mga
Ameikano?
 
Ano ang mga
pangyayaring
nagbibigay-daan sa
Labanang Pilipino-
Amerikano?
Sagutin
natin
ang mga
tanong
1. Ito
ay ang kunwaring Labanan
ng mga Espanyol at Ameikano.
A. Labanan ng Amerikano-
Espanyol
B. Labanan ng Espanyol-
Pilipino
C. Manila Battle
D. Mock Battle
1.Kailan naganap pang
kunwaring labanan?
A. Setyembre 15, 1898
B. Hunyo 12, 1898
C. Agosto 13, 1898
D. Disyembre 21, 1898
1. Ano ang pangako ng mga
Amerikano kay Aguinaldo?
A.Ganap na paglaya ng
Pilipinas
B.Bibigyan ng pera
C.Ibibigay ang Intramuros
D.Magkakaroon ng digmaan
1.Sino ang tanging nakaalam ng
kunwaring pagsalakay ng mga
Amerikano sa Espanyol?
A. Hen. Wesley Merrit
B. Comodorre George Dewey
C. Gobernador-Hen. Fermin
Gaudenes
D. Lahat ng Nabanggit
1.Bakit nagkaroon ng alitan ang
Espanya at Amerika?
A.Dahil sa katanyagan ng bawat isa
B.Nang pasabugin diumano ng
Espanyol ang barkong Maine ng
Amerika
C.Dahil sa Mock battle
D.Dahil nais rin ng Amerika maging
Kolonya ng Pilipinas
Magtala sa
kwaderno ng
mahahalagan
g pangyayari
ng labanan sa
Manila.

You might also like