You are on page 1of 16

Quarter 3

Week 3 Day 2

Filipino 6
LORY T. ALVARAN
DILA ELEMENTARY SCHOOL

ALPINE SKI HOUSE


MGA SUGNAY
Insert image NG PANG-ABAY
Nagagamit ang pariralang pang-abay sa
paglalarawan ng paraan, panahon, lugar ng
kilos at damdamin.
F6WG-IIIa-c-6

ALPINE SKI HOUSE


Balik Aral
Pumalakpak ng dalawang beses kung ang lipon ng mga salitang
may salungguhit ay sanhi at tatlong beses kung ito ay bunga.
1. Pagka’t may bisita tayo bukas, maghanda tayo ng espesyal
na pansit bihon.
2. Masyadong mahal ang sapatos kaya hindi ko na ito binili.
3. Bukas ay mamamasyal tayo at manonood ng sine dahil
kaarawan mo.
4. Napakaganda ng hardin ni Lola sapagka’t araw-araw
niya itong inaalagaan.
5. Palibhasa’y gutom na gutom si Gabriel, nakalimutan
niyang alukin ng pagkain si Carlo. ALPINE SKI HOUSE 3
PAGHAHABI NG LAYUNIN NG
ARALIN
Subukin Natin
Kopyahin ang sugnay na pang-abay sa bawat pangungusap.Isulat ito sa sagutang papel.
1. Naglalakad ako nang biglang umulan. Agad kong inilabas ang aking payong mula sa
aking bag. Kaagad kong binuksan ito pero nabasa na ako.
2. Dahan-dahang lumakad ang Reyna Elena habang ang lahat ay nakatingin sa kanya
nang walang kakurap-kurap.
3. Tuluy-tuloy ang ingay ng serena samantalang ang sasakyan ay mabilis na tumatakbo.
4. Sa may gilid ng bundok bumagsak ang eroplano. Di ang tagal pagkatapos na mawala
ang apoy at usok, nakita kong tumatakbo papalayo ang mga tao.
5. Nang malaman kong may sakit siya nagtungo agad ako sa kanila. ALPINE SKI HOUSE
PAG-UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG
ARALIN

Kilala mo ba siya?

ALPINE SKI HOUSE 5


Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan
Bago sumiklab ang rebulosyon ng 1896, si Melchora Aquino na mas
kilala bilang Tandang Sora ay nakaririwasang namumuhay sa piling ng
kanyang mag-anak sa malawak na lupain sa Banilad, Pasong Tamo,
Kalookan. Ang kanilang pook ang napili nina Andres Bonifacio at ng
kanyang kasama bilang himpilan noong Agusto, 1896.Napili nila ito
dahil ito ay nasa gulod at mataas na pook at nakikita nila sino mang
dumarating kahit na saang pook ito manggaling. Malaki ang bahay
ni Tandang Sora na natatakpan ng mga punongkahoy. Mayroon din
silang malaking kamalig na maaaring tigilan ng mga sundalo.
ALPINE SKI HOUSE 6
Nang makiusap ang mga Katipunero kay Tandang Sora
kung maaari nilang gawing himpilan ang kanilang
bahay, siya ay sumang-ayon. Naghandog siya ng mga
bigas, pagkain at mga kagamitan. Sa maluwang na
pagtanggap ni Tandang Sora sa mga Katipunero ay
nabatid din niya na may malupit na kaparusahan ang
pamahalaang Kastila. Hindi siya natakot. Buong tiyaga
niyang pinagsilbihan ang mga Katipunero.

ALPINE SKI HOUSE 7


Noong ika-18 ng Agusto, nakatanaw ang mga
guwardiya sibil sa isang tanod sa nasa itaas ng puno
ng sampalok. Nang salubungin ng mga Katipunero
ang mga ito ay nagkaroon ng maikling labanan.
Pagkatapos nito, ang mga Katipunero ay
nagsimulang umalis.

ALPINE SKI HOUSE 8


Habang mabilis at palihim na nagsialis ang mga
Katipunero, si Tandang Sora ay umiwas din sa mga
guwardiya- sibil. Ngunit hindi nagtagal at siya ay nadakip
din. Ikinulong siya sa Bilibid sa Maynila ng mga tatlong
araw pagkatapos ay ipinatapon sa malayong Marianas.
Nakalaya lamang siya nang siya ay kunin mula sa Marianas
ng mga Americano makaraan ang tatlong taon, dalawang
buwan at dalawang linggo. Siya ay malakas pa rin at
nakakalakad nang tuwid. Siya ay nabuhay hanggang sa edad
na 107 taon. Nalasap din niya ang kalayaang ipinaglaban
mula sa mga Kastila.
ALPINE SKI HOUSE 9
Paglinang sa kabihasnan
Large Image slide

Pag-usapan Natin:
1. Sino si Melchora Aquino?
2. Anu-ano ang mga katangian ni Tandang Sora?
3. Bakit itinuring na bayani si Tandang Sora?

ALPINE SKI HOUSE


Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay
-Ang lipon ng mga salitang may salungguhit ay mga di
makapag-iisang sugnay o pantulong na sugnay na ginagamit
bilang bahagi ng pangungusap na hugnayan.
Insert image

A. Sa unang talata unang pangungusap, ang sugnay na bago


pumutok ang rebulosyon ng 1896 ay nagsasaad ng panahon
sa pagkaganap sa mga pangyayaring binanggit sa
pangungusap. Tumutugon ito sa tanong na kailan. Ito ay
tinatawag na pang-abay na sugnay na pamanahon.
ALPINE SKI HOUSE
B. Sa ikatlong pangungusap, ang sugnay na kahit na
saang pook ito manggagaling ng nagsasaad sa lugar
kung saan nagaganap ang kilos. Ito ay tinatawag na
pang-abay na sugnay na panlunan.
Insert image
C. Sa ikaapat na talata unang pangungusap, ang sugnay
na habang mabilis at palihim na umalis ang mga
Katipunero ay nagsasaad kung paano isinagawa ang
kilos o pangyayari. Ito ay tinatawag napang-abay na
sugnay na pamaraan. ALPINE SKI HOUSE
Paglalahat ng aralin
Gawin Natin: Isulat kung ang sugnay na pang-abay ay
nasa pamaraan, panlunan o pamanahon.
_______1. Nagmamadaling pumunta ang guro sa
paaralan upang darating siya nang maaga roon.
_______2. Gustong mag-ihaw ng spare ribs ni
Gng.Llanos kaya lang naubusan siya sa tindahan ng
kanyang suki.
________3. Kung sasama ka sa probinsya, ngayon pa
lamang magsanay ka na sa simpleng buhay. ALPINE SKI HOUSE 13
________4. Lumakad ang bata sa simbahan na parang
isang anghel.
________5. Ang mga tao ay patuloy nanonood sa
palabas kahit nababagot na sila rito.

ALPINE SKI HOUSE 14


Pagtataya ng aralin
Gumuhit ng sa patlang kung sugnay na pang-abay
na pamanahon, kung sugnay na pang-abay na
pamaraan at kung sugnay na pang-abay na
panlunan ang nakapaloob sa bawat sugnay na
pangungusap.
______1. Namasyal ang mag-aaral sa Marikina dahil
may malawak na palaruan doon.
______2. Humingi ng saklolo ang babae kaya sumigaw
siya nang malakas. ALPINE SKI HOUSE 15
______3. May dala siyang pagkain na gulay dahil galing
siya sa bukid kahapon.
______4. Habang natulog ang bata kagabi, umalis si
Nita.
______5. Pumalakpak ang mga bata habang magaling
na nagtanghal ang mga mananayaw.

ALPINE SKI HOUSE 16

You might also like