You are on page 1of 28

Pagbabago Sa Lipunan Sa

Ilalim Ng Pamahalaang
Kolonyal
“Impluwensya ng Kulturang
Espanyol sa Wika at Panitikan
ng Kulturang Pilipino”
AP5KPK-IIIc-3
Panimulang Gawain:

1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.


2. Balik-Aral: (Games)
Magpapatugtog ng isang awitin habang
may ipinapasa ang kahon na may lamang
metacards. Ang matapatan ng pagtigil ng
tugtog ay kukuha ng isa nito upang tukuyin
kung ang mga ito ay nagpapakita ng
pagpapabuti ng katayuan ng mga
babae o hindi.
3. Panimulang Pagtataya
Nagkaroon ng survey sa inyong lugar
kung paano nakaapekto ang pananakop ng
Espanya sa kultura ng mga Pilipino, bilang
mga mamamayan ng baranggay kayo ay na-
bigyan ng survey form. Dito lalagyan ninyo ng
tsek ang mga aspeto ng kultura na nagpapa-
kita ng impluwensya ng kulturang
Espanyol sa wika at panitikan
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo
ang diwang nais ipabatid.
I K A W ____________ Ito ay isang paraan
komunikasyon na gumagamit ng
tunog mula sa mga titik.
PNKIATINA __________________ Ito
ang kalipunan ng mga tula, nobela, at kwento
na may kinalaman sa ating kultura.
1. Gawain
Pagbibigay ng mga pamanta-
yan sa pangkatang Gawain.
Pangkat I
Kagamitan: manila paper, marker, pangguhit
Panuto: Buksan at basahin ang batayang
aklat sa pahina 78–80 (Makabayan:
Kasayasayan ng Pilipino 5).
Sa tulong ng “mind map”, ipaliwanag
ang impluwensya ng kulturang Espanyol sa
wika at panitikan ng kulturang Pilipino.
Pangkat II
PANEL DISCUSSION
Panuto: Gumawa ng maikling panel
discussion ayon sa mga kaalaman at impor-
masyon na nakalap mula sa aklat na Pilipinas:
Bansang Papaunlad 5 pahina 73–74. (Sa baha-
ging ito ay dapat may inihanda na ang guro na
mga tanong na pagtatalakayan ng mga bata
matapos basahin ang teksto)
1. Paano naimpluwensyahan ng kulturang
Espanyol ang wika at panitikan ng mga
Pilipino?
2. Ano ang kabutihang naidulot
ng kulturang Espanyol sa pamumuhay
ng mga Pilipino?
3. Sa inyong palagay, may masama din bang
naidulot ang kanilang naging impluwensya sa
ating wika at panitikan sa kasalukuyan nating
pamumuhay? Ipaliwanag kung bakit OO o
HINDI.
Pangkat III
HALINA AT ILAGAY SA TSART
Kagamitan: batayang aklat, manila
paper, marker
Panuto: Buksan at basahin ang
batayang aklat sa pahina 78–80. (Makabayan:
Kasayasayan ng Pilipino 5). Magkaroon ng
“buzz session” hinggil sa paksa. Punan ang
tsart LIKHANG PINOY
Kagamitan, manila paper, marker
Panuto: Basahin ang akda sa kahon. Gumawa
ng isang tula kung sa ipinapakita ang mga
Pilipinong nakilala sa larangan na wika at
panitikan. WIKA
Talakayin ang paksa sa araw na ito:
Basahin ang teksto… WIKA AT PANITIKAN
Ang mga misyonerong Espanyol na naka-
rating sa Pilipinas ay dalubhasa sa pagsusulat.
May iba pang magaling sa wika, pagsulat ng
tula, kuwento, salaysay at kasaysayan. Ang
kanilang kagalingan at kaalaman ay itinuro
nila sa mga Pilipino. Nagsimula
sa mga panitikan panrelihiyon
noon tulad ng mga dasal, doktrina,
nobena at talambuhay ng mga santo.
Natutunan din nila ang mga awit at korido
tungkol sa mga hari, reyna at mga kaanak ng
maharlika.
Nagbigay buhay ang mga babasahin at
lathalain noon ng mga Espanyol sa mga Pilipi-
no. Nagkaroon din ng kalinangan sa larangan
ng pamamahayag. Ang kauna-unahang
pahayagan ay ang “Dela Superior Gobierno”
na inilimbag noong 1811.Ito ay
sinundan ng “La Esperanza”,
“El Diario de Manila”, “La Opinion”
at “El Hogar”. Naganyak sumulat
si Jose dela Cruz nakilala sa tawag na
Huseng Sisiw, dahil sa paghingi niya ng sisiw
bilang bayad sa kanyang pagtuturo at pagga-
wa ng mga tula. Si Francisco Baltazar, Balagtas
ang tinaguriang “Prinsipe ng mga Makatang
Tagalog” na nakilala sa kanyang nobelang
“Florante at Laura”. Naging tanyag naman sa
panitikang Ilokano si Pedro Bukaneg ang “Ama
ng Literaturang Ilokano” dahil sa
kanyang epikong “Ang Biag ni
Lam-ang”. Si Modesto de Castro
naman ay nakilala sa kanyang
“Urbana at Feliza”. Sa mga nabang -git na
gawa ng pampanitikan, natutong magsalita,
bumasa at sumulat sa wikang Espanyol ang
mga Pilipino. Naganyak silang magsulat upang
maipakita ang kanilang pagkamakabayan.
Pumunta ang iba sa Europa at doon
nagsulat ng iba’t ibang uri ng panitikan upang
maipahayag ang kanilang mga hinaing at mit-
hiin para sa bansa. Ito ay sina
Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Antonio Luna, Jose M. Panganiban,
Mariano Ponce, Pedro Paterno at
Graciano Lopez Jaena. Dito na na- kilala ang
dalawang tanyag na nobela na ‘’Noli Me
Tangere’’ at “El Filibusterismo” ni Rizal at pag-
lathala ni Marcelo H.del Pilar, ang patnugot ng
‘’La Solidaridad’’ isang pahayagan na naglala-
rawan at bumabatikos sa mga maling gawain
ng Espanyol sa mga Pilipino. Sa mga talumpati
at sanaysay naman ipinakita ni Graciano Lopez
Jaena, isa ring manunulat at mana
nalumpati, ang kaniyang mga
hinaing sa mga Espanyol. Umunlad
ang pamamahayag sa panahong ito. Ang
unang pahayagan sa bansa ay ang
“Del Superior Gobierno” sa pamamatnugot ni
Gob. Heneral Manuel Gonzales de Aguilar.Una
itong nailathala sa Maynila noong Agosto 8,
1811. Malaki ang naitulong ng mga pahayagan
sa larangan ng propaganda sa pagpaparating
ng kanilang kuro-kuro’t damdamin sa pamaha-
laang Espanyol at mga kapwa Pilipino. Nakilala
noong panahong ito ang awit at
korido. Ang awit ay isang tulang
pasalaysay na may labindalawang
pantig sa bawat linya. Halimbawa nito ang
“Florante at Laura”. Ang korido naman ay
ang tulang pasalaysay na may walong pantig
sa bawat linya. Ang “Ibong Adarna” at “Don
Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito.
Kabilang pa rin sa panitikan noon ang mga
dula, duplo, at karagatan, na kinawiwilihang
gawin kapag may lamay sa patay. Ang
senakulo, moro-moro, at sarsuwela ay naging
tanyag namang mga dulang
panrelihiyon noong panahong
ito.
Talakayin:
1. Anu-anong uri ng panitikan ang natutuhan
ng mga Pilipino?
2. Paano nakaapekto ang kulturang Espanyol
sa ating wika?
3. Ipaliwanag ang naging ambag ng kulturang
Espanyol sa mga uri ng panitikan na nagawa
ng mga Pilipino.
4. Paano naipakita ng mga Pilipino
ang kanilang pagkamalikhain sa
larangan ng panitikan?
5. Anu-anong babasahin ang
bag sa panahon ng mga Espanyol?
6. Tungkol saan ang karaniwang tema ng mga
akda ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol?
7. Ano ang naging epekto ng mga babasahing
ito sa buhay ng mga Pilipino?
8. Anu-ano ang ginawang pag-aangkop ng
mga Pilipino sa kulturang ipinakilala ng mga
Espanyol?
9. Nakabuti ba sa atin ang mga
impluwensyang ito sa ating
kultura?
10. Sang-ayon ka bang malaki ang naging
epekto ng kulturang Espanyol sa kulturang
Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Matapos malaman ang aralin hinggil sa mga
impluwensya ng kulturang Espanyol, paano
mo maipapamalas ang pagmamalaki sa
yaman ng kulturang Pilipino gamit ang wika
at panitikan?
Sa ano anong aspeto ng ating
wika at panitikan nagkaroon ng
impluwensya ang kulturang
Espanyol? Ipaliwanag ito…
A. Panuto: Isulat ang ibat ibang ambag ng
Espanyol sa wika at panitikan sa kulturang
Pilipino sa tamang hanay nito.
Tibag Florante at Laura
Duplo Noli Me Tangere
salitang “zarzuela” senakulo
La Solidaridad tondo
Pasyon salitang “alas kwatro”
Flores de Mayo carillo
Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin


ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Madaling natutuhan ng mga Pilipino ang
wikang Espanyol sapagkat kapansin pansin ito
sa mga kasalukuyang wika natin. Paano ito
nangyari?
A. Bago pa lang sila sakupin ng dayuhan ay
maalam na sila ng ganuong wika.
Pagtataya

B. Dulot ito ng pagdalo nila sa misa, at


pag-aaral ng ng dasal sa araw-araw.
C. Sa malimit nilang pakikihalubilo sa mga
kaibigang Espanyol.
D. Sa tulong na din ng paggamit ng maka-
bagong teknolohiya
2. Napaigting ng mga Espanyol ang pananam-
palataya ng mga Pilipino sa Kristiyanismo nang
Pagtataya

dahil sa mga panitikan na impluwensya nila sa


atin. Anong uri ng mga panitikan ito?
A. moro-moro B. senakulo
C. sarsuela D. duplo
3. Maraming mga Pilipino ang nakinabang sa
impluwensyang Espanyol sa ating kultura, wika
at panitikan. Alin sa mga nabanggit sa ibaba
ang hindi kabilang?
Pagtataya

A. Naganyak na magsulat ang mga Pilipi-


no upang ipakita ang kanilang pagka-
makabayan.
B. Natutunan din ng mga Pilipino ang mga
awit at korido tungkol sa mga hari at
reyna.
C. Nagkaroon sila ng mgakagalingan sa
pamamahayag at talumpati.
Pagtataya

D. Lalo silang nasadlak sa kahirapan at


kaparusahan.
4. Pumunta ang ilang mga Pilipino sa Europa
upang doon lalong hasain ang galling sa
panulat at pamamahayag. Sino sa ibaba ang
tanyag na kumatha ng “Noli Me Tangere at “El
Filibusterismo.”
A. Marcelo H. del Pilar C. Pedro Paterno
Pagtataya

B. Mariano Ponce D. Jose Rizal


5. Anu-ano ang kabutihang naidulot ng
impluwensya ng kulturang Espanyol sa Pilipino
sa wika at panitikan.
A. Itinakwil ng mga Pilipino ang pagkama-
mamayan nila sa hangarin na lalong
mapabuti sila
B. Hindi naintindihan ng mga Pilipino ang
Pagtataya

kulturang nais ipahiwatig ng mga


panitikan.
C. Nalinang ang kakayang Pilipino sa iba’t
ibang larangan ng wika at panitikan.
D. Naipahayag ng mga Pilipino ang kani-
lang hinaing at mithiin sa bansa.
Takda:
Gumawa ng panayam sa inyong mga
magulang tungkol sa iba pang mga ambag
o impluwensiya ng mga Espanyol sa kultu-
rang Pilipino sa larangan ng wika at pani-
tikan at ibahagi ang inyong nalaman sa
klase bukas.
Thank You
For Listening!
Teacher Maylen

You might also like