You are on page 1of 9

MANALANGIN

TAYO...
Magandang araw
Baitang 9!
Balik-Aral
Panuto: Punan ng wastong pang-abay ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot sa
kahon.
Sa ilalim ng lamesa umpisa Gabi-gabi
sa pampublikong ospital mabilis kanina
Sa dagat Sa probinsya inalay
Tuwing sabado malakas binili

malakas
1. Dinig ang _______________ na boses ni Sam kahit saang sulok ng bahay.
gabi-gabi
2. Nagdarasal ng mataimtin si Cely _______________.
3. Nakatago _______________
sa ilalim ng lamesa ang mga kagamitan ni itay sa paggawa ng bahay.
4. _______________
Umpisa pa lamang ng pagtatanghal ay kinakabahan na siya.
5. _______________
Binili ni Ate Lisa ang mga paninda ni Aling Rosie.
sa dagat
6. Sumisid _______________ ang magkapatid na Rea at Iya.
sa probinsya
7. Ang mag-anak ay tahimik na namumuhay _______________.
kanina
8. Namalengke kami ni Ate Joan ___________________.
sa pampublikong ospital
9. Si Patricia ay nagtatrabaho bilang nars ____________________.
10. _______________
Inalay niya nang buong loob ang kanyang buhay.
MODYUL 12

Pagbuo ng Sariling
Wakas ng Alamat
Wakas ng Alamat ni Prinsesa Manorah
“Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya
hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran
siya nito ng napakalaking halaga.

Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung


saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa
kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong pangyayari, masayang masaya
sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at
Prisesa Manorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang
kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay.”
Narito ang mga hakbang sa pagbuo mo ng sariling wakas:

1. Mananatili pa rin ang pamagat at pangalan ng tauhan sa alamat.


2. Maaari mong baguhin ang ilang pangyayari sa alamat.
3. Maaari mo ring baguhin ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan.
4. Siguraduhin na ang iyong sariling wakas ay orihinal na bersyon at
hindi ito kinopya.
5. Gumamit ng mga pang-abay tulad ng pang-abay na pamanahon,
panlunan at pamaraan.
6. Salungguhitan ang mga pang-abay na ginamit.
7. Ang bubuoing wakas ay hindi lalagpas sa 2 talata.
8. Maging malikhain at paganahin ang imahinasyon sa bubuoing wakas.
Gawain:
PAALAM
BAITANG 9! 😉

You might also like