Sa pagpapahayag ng mga pangayayari, madalas tayong
gumamit ng mga lunan o pook na ginaganapan ng kilos na maipapakita sa Pokus ng Ganapan. Samantalang, ang relasyong sanhi at bunga naman ay maipapakita sa pamamagitan ng Pokus ng Sanhi. 1. Pokus sa Ganapan Kapag ang paksa o simuno ng pangungusap ay ang lugar na pinagganapan o pinangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na “saan?”
Halimbawa:
Dinasalan ni Rosa ang kanyang Ama sa simbahan.
Pinuntahan ni Inay sa palengke ang tiyuhin ng madaling araw. 2. Pokus sa Sanhi Paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na ‘bakit’
Halimbawa:
Ikanatuwa niya ang regalong inihandog sa kaniya na kasintahan.
Ikinasama ng loob ni Agnes ang pagkamatay ng kanyang aso.