You are on page 1of 23

Sa ating pag-aaral, ang kaalaman na mabigyang

pansin ang pagkakaugnay ng mga pangyayari


para maipakita ang pagkakasunod-sunod nila at
mailahad ang tunay na buod nito. Gayundin ang
pag-unawa sa paggamit nang wasto at angkop na
pangatnig sa bawat pangungusap. Siguradong
mawiwili ka sa ating paglalakbay kaya tutukan
mo itong lahat.
Nananabik ka na bang simulan ang paglalakbay na
ito? Subukin muna natin ang iyong kakayahan. Madali
lang ito kaya huwag kang mag-alala. Ngayon ay
palawakin natin ang iyong kaalaman Ano ang
kahulugan ng bawat isa ?
1. Kuwento- ay salaysay na nabuo upang
maipahayag ang isang bagay o pangyayari.
2. Teksto – ay maaring inyong napakinggan o nabasa
na nagtataglay ng impormasyon.
Sa Gamit ng pangatnig naman ang halimbawa ay
Sinukmani sa Quezon at biko sa Laguna’t
Pampanga.
-Ano ang tawag ng kakanin sa Quezon? Sa
Laguna? Sa Pampanga?
-Ano ang ginamit upang mapag-ugnay o
mapagsama ang mga ito?
2. Naging espesyal ang kakaning ito dahil tiyaga’t sikap
ang puhunan sa paggawa nito.
-Bakit espesyal ang kakanin?
-Ano ang ginamit upang mapag-ugnay o mapagsama ang
mga ito?
Ang mga salitang may salungguhit ay ginamit upang
mapag-ugnay o mapagsama ang dalawang kaisipan.
Ang Pangatnig ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng
mga salita, parirala, sugnay, o pangungusap.
-Pangatnig na kataga (at, o)
-Pangatnig na salita (dahil, gaya, ngunit,
kapag, kaya, magkagayon, palibhasa,
bagkus, maging, samantala, man, pati,
sapagkat, datapwat, sakali, habang,
subalit, anupat, kapag, kung atbp.)
Tunghayan pa natin ang sumusunod na mga pangungusap
gamit ang mga pangatnig upang mas lalo pang lumawak
ang iyong kaalaman.
1. Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.
2. Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.
3. Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?
4. Gusto kong bumait pero di ko magawa.
5. Bibigyan kita ng lobo kung bibigyan mo rin ako ng
laruan.
6. Pag-usapan natin ang bukas habang tayo’y
namamasyal.
7. Magtanim ka ng puno upang di bumaha.
8. Magdala ka ng pala saka walis.
9. Pupunta ka lang kina Myla kapag kasama ako.
10. Kinagigiliwan ng lahat si Aira dahil masayahin
siyang dalaga.

You might also like