You are on page 1of 9

Ang Katuturan ng

Panitikan

_Inyong Lingkod
Gng. Zuyen Imperial-Natividad
Ano ang Panitikan ?
PANITIKAN
Ito ay nagsasalaysay ng buhay
pamumuhay lipunan pamahalaan relihiyon
at mga karanasang nakukulayan ng
iba’tibang uri damdamin tulad ng pag-ibig
kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at
pangamba.
Ayon kay Long , ang panitikan ay “ mga
naisulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng manunulat”.
PANITIKANG
FILIPINO
Ang panitikang Pilipino ay tulad din ng
panitikan ng alinmang bansa sa daigdig na
sumasaklaw sa pasalita o pasulat na
pagpapahayag ng mga damdaming ukol sa gawi
, karanasan , kaisipang pampulitika , at mga
kapaniwalaang panrelihiyon , ang kanilang mga
adhikain , ang kanilang mga pangarap mula pa
sa bukang-liwayway ng kanilang kaisipan.
IBA’T IBANG
KATUTURAN NG
PANITIKAN
• Ang PANITIKAN ay nasusulat na tala ng
pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.
• Ang PANITIKAN ay pag-aaral ng kariktan at
kahulugan ng buhay at pamumuhay na
nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng
balana ang maraming palaisipan dumarating sa
buhay ng bawat tao.
• Ang PANITIKAN ay talaan ng buhay.
• Bungang-isip na isinatitik.
Patuloy na matuto at maglakbay sa yamang
angkin ng bansa!

“Pilipinas”

You might also like