You are on page 1of 57

Q4 WEEK 3

MUSIC
TEMPO
TEMPO
Paano ka kumilos kapag ikaw
ay masaya? Kapag ikaw ay
malungkot o kaya naman
kung ikaw ay may
karamdaman?
Ang tempo ay isa sa mga elemento
ng musika na tumutukoy sa bilis o
bagal ng himig o ritmo. Isa ito sa
nagbibigay ng ekspresiyon sa awit
na nagpapahiwatig ng damdaming
nais iparating ng isang
komposisyong musikal.
Sa simula pa lamang ng tugtugin
ay nakatakda na ang tempo
ngunit maaring magkaroon ng
pagbabago sa kalagitnaan ng
awit kapag may pagbabago sa
ekspresiyon.
Tulad ng pang araw-araw na gawain
at kalagayang hinihingi ng
pagkakataon, ang tempo ay hindi
magkakatulad. Ang damdamin ng
awit ay maipahihiwatig sa
pamamagitan ng tempo.
Ang tempo sa musika ay nasusukat sa
pamamagitan ng isang metronome. Ito
ay ginagamit upang malaman ang bilang
sa kumpas sa isang minuto. Ang bilang
ng beat sa isang awit ay makikita sa
kaliwang- itaas na bahagi ng isang
likhang awitin.
Bukod sa metronome, upang
maging gabay sa pagsunod sa
wastong bilis o bagal ng isang
awitin, maaring gumamit ng
mga salitang naglalarawan sa
iba’t ibang tempo sa musika.
Mga Tanong:
1. Ano ang tawag elemento ng musika na
tumutukoy sa bilis o bagal ng himig o
ritmo?
2. Paano nasusukat ang tempo sa
musika?
3. Anu-ano ang iba’t ibang tempo na
ginagamit sa musika?
4. Kapag nakita mo ang salitang
allegro sa piyesa o iskor ng isang
awitin, paano mo ito kakantahin?
5. Sa paanong paraan,
makakatulong ang tempo na
mapaganda ang isang komposisyong
musikal?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Pag-aralan ang awiting
“Pandangguhan”, magsanay at
maghanda sa pagtatanghal.
Isaalang- alang ang sumusunod na
pamantayan. Ivideo ang gawain at
ipadala sa GC o messenger ng
inyong klase.
Rubriks:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Kopyahin ang talahanayan sa
sagutang papel. Magtala ng 5
awiting bayan at 5 Original Pilipino
Music (OPM) na naglalarawan sa
iba’t ibang uri ng tempo.
Q4 WEEK 3
ARTS
Mga gamit ng mga
nagawang 3-
dimensional craft
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging
malikhain na malaki ang nagiging ambag sa
sining at kultura ng ating bansa. Maraming
mga bayan at lungsod sa ating bansa ang
nakikilala sa mga likhang sining na ito,
halimbawa ang bayan ng Paete sa Laguna na
kilala sa paggagawa ng papier maché jar.
Ito din ang kalimitang pinagkukunan ng
pagkakakitaan ng isang mag-anak mula
sa mga simpleng gawain o likhang sining.
Ikaw, makakabuo ka ba ng isang likhang
sining na mgagamit mo sa iyong tahanan
at maari mong pagkakitaan?
Sa araling ito, inaasahan
na ang mga bata ay
matalakay ang mga gamit
ng mga nagawang 3-
dimensional craft.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Halina’t Suriin Natin
Pagmasdan ang larawan sa tagiliran, suriin at
magbigay ng tatlong (3) gamit ng likhang sining

1._________________________
2._________________________
3._________________________
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay
masasalamin sa ibat-ibang gawang sining na
likha na matatagpuan sa ibat-ibang lugar sa
bansa. Halimbawa na lamang sa bayan ng Paete
sa lalawigan ng Laguna kung saan ang isa sa
pangunanhing hanap-buhay nila ay ang paggawa
ng papier maché o taka. Marami sa mga Paetenos
ay umunlad dahil sa pagtataka at marami din
ang nakapagtaguyod ng pamilya dahil sa hanap-
buhay na ito.
Ang mga kasanayan at kaalaman sa paggawa
ng mga likhang sining tulad ng mobile, papier
maché at paper beads at ang pagiging
mapamaraan sa paglikha ng mga obra na
maaring mapakinabangan bilang palamuti sa
katawan at kapaligiran at mapagkakakitaan
sa pamamagitan ng pagbenta dito ay lubos na
makakatulong sa sarili at sa pamilya
Ang Papier Maché ay salitang Pranses na ang
ibig sabihin ay “nginuyang papel” na gawa
mula sa piraso at durog na papel na binuo sa
pamamagitan ng glue, starch o pandikit.
Noong unang panahon, ginamit ito ng mga
taga-Gitnang Silangan at Africa bilang
dekorasyon sa palasyo at mga ataul ng mga
yumao nilang mahal sa buhay .
Ang paper beads ay isang gawang sining na
nagmula sa bansang Inglatera na ginagawang
libangan ng mga kababaihan kung saan ang mga
paper beads ay tinutuhog upang gawing palamuti
o kurtina na inilalagay sa mga bintana. Sa
Pilipinas, nagkaroon na rin ng industriya ng
paggawa ng paper beads. Karaniwan itong
ginagamit na pandekorasyon o kaya naman ay
kwintas o pulseras.
Ang mobile art ay isang uri ng
kenetikong eskultura na kung saan ang
mga bagay ay isinasabit sa mga tali,
kawad at kabilya upang malayang
makagalaw at makaikot. Ginagamit
itong pandekorasyon sa mga tahanan at
maging sa paralan. Halimbawa nito ay
parol at lampara.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Halina’t Isa isahin
Natin

Ayon sa mga pahayag sa itaas anu-ano ang mga gamit


ng mga sumusunod na 3-dimensional craft? Isulat sa
tapat ang iyong kasagutan.

Paper Beads Papier mache Mobile arts


1.______________1._________________ 1.____________
2.______________2._________________ 2. _____________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Halina’t
Gumawa Tayo

Bumuo ng isang likhang sining (paper beads)


gamit ang mga lumang magazine, dyaryo o
papel na matatagpuan sa inyong tahanan.
Sundin ang mga pamamaraan sa paggagawa
ng paper beads na iyong natutunan noong
nakaraang linggo.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Sa pamamagitan ng lapis, markahan ang papel at
gupitin ito pagkatapos.
3. Kunin ang kabilya, magsimula sa malaking bahagi
ng papel papaliit.
4. Bahagyang lagyan ng pandikit ang papel at
magsimulang bilutin. Masdan ang larawan. Pagdating
sa dulo ng papel, siguruhing mayroon itong pandikit
upang kumapit sa bilot ng papel.
5. Pahirin ang labis na pandikit at dahan-
dahang tanggalin sa kabilya ang paper
beads. Ilipat ang paper beads at hayaang
matuyo.
6. Tuhugin ang mga paper beads gamit ang
sinulid at karayom upang makagawa ng
kwintas.
7. Maaaring barnisan ang paper beads
upang tumibay at maging makintab.
Panuto: Suriin ang inyong likhang-
sining at lapatan ng kaakibat na
puntos gamit ang rubric. Lagyan ng
tsek ( /) ang angkop na kahon.
Gawin ito sa sagutang papel.
Q4 WEEK 3
PE
Katutubong Sayaw at
mga Kasanayan
Batay sa iyong karanasan, ang pagtatanghal ng
mga katutubong sayaw ay masaya at
makabuluhang gawain. Kaya mahalagang
matutunan ang mga pangunahing galaw ng
katutubong sayaw. Marahil ang iba sa inyo ay
nahihirapang sabayan ang galaw sa katutubong
sayaw.Ang mga ito ay karaniwan at maaaring
matutunan kung madalas inuulit ng maraming
beses.
Kung ikaw ay mahilig sumayaw at may
angking galing at kasanayan dito,
magandang matutunan ang mga katutubong
sayaw. Hindi lamang sayaw ang iyong
matutunan , mauunawaan mo din ang
kasaysayan at kultura ng mga Pilipino.Higit
pa ritoy maaari ding itong maging daan
upang mabuksan ang pinto ng oportunidad.
Alam mo ba na may pangkat ng mananayaw
na kilala sa buong mundo dahil sa galling
nila sa katutubong sayaw? Ang “Bayanihan
Dance Troupe” at “Sining Kumintang ng
Batangas” ay ilan sa mga sikat na grupo na
naglalakbay sa buong mundo upang
maipamalas ang galling ng Pilipino sa
larangan ng pagsasayaw.
Maraming Pilipino ang hanapbuhay ay ang
pagsasayaw. Ang iba ay lumalabas sa
telebisyon at entablado o kaya naman ay
nagtuturo ng mga sayaw. Mayroon din
namang nagsasayaw dahil hilig nila ito at
upang maipakita ang kanilang emosyon at
damdamin. Ginagawa rin itong libangan
habang ang iba ay ginagawang ehersisyo.
Lahat ng katutubong sayaw sa ating bansa ay may
mga kasaysayan na sumasalamin sa bawat pangkat na
kanilang kinabibilangan. Dahil ang Pilipinas ay
binubuo ng mahigit pitong libong isla kaya naman
iba’t ibang sayaw ang maaaring makita na
sumisimbolo sa kanilang kultura at paniniwala. At ang
bawat kasaysayan ng katutubong sayaw ay dapat na
igalang at pahalagahan dahil ito ay bahagi na ng
kanilang buhay sa kinabibilangang pangkat na
kanilang kinagisnan.
Ang ating bansa ay mayaman sa mga
katutubong sayaw ng nagmula sa iba’t-
ibang bayan at probinsya.
Ang huling kwarter, natutuhan mong
sayawin ang Cariñosa at Polka sa Nayon.
Gusto mo bang matutuhan ang iba pang
katutubong sayaw?
Ang Tinikling, isa sa mga popular at kilalang
sayaw sa Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan ng
Leyte sa Visayas. Hango ang pangalan ng
tinikling mula sa tikling, isang uri ng ibon na
may mahahabang paa at leeg, matulis ang tuka at
malalambot ang balahibo. Ang sayaw ay tulad sa
galaw ng ibon, kung saan sila ay lumulusong sa
gitna ng mga damo at tumatakbo-takbo o
lumulundag-lundag sa mga sanga o bitag sa mga
palayan.
Tinutularan ng mga mananayaw ng tinikling ang
tikling sa yumi at bilis nito sa pamamagitan ng
mahusay na pagdaan sa dalawang mahabang piraso ng
kawayan. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may
kinalaman sa agrikultura. Ang kawayan (Bambusa
Blumeana) ay alinman sa mga damong tropiko na
animoy punongkahoy, matibay, karaniwang may
hungkag na uhay, patulis na dahon, at namumulaklak
pagkaraan ng mahabang taon ng pagtubo ay
pangunahing kagamitan sa pagsasayaw ng tinikling.
Sa ating bansa ang kawayan ay malaking
bahagi ng kultura dahil kaugnay ito ng iba’t
ibang tradisyon, pagdiriwang at paniniwala.
Halimbawa sa panitikan, ayon sa alamat ang
unang lalaki at babae ay nagmula sa isang
pirasong kawayan. Sa sayaw na tinikling,
singkil at subli ay isinasayaw gamit ang
kawayan. Ginagamit din ito bilang
instrumentong pangmusika.
Maging sa mga katutubong laro gaya ng
luksong kawayan at palosebo na patuloy na
nilalaro sa mga pistang bayan sa iba’t ibang
lugar sa Pilipinas tulad sa lalawigan ng
Nueva Ecija ay gumagamit ng damong
tropikong ito. Ang kawayan na isa mga
sagisag kultura ng bansa ay pangunahing
kagamitan sa pagsasayaw ng tinikling.
Ito ay kalimitang makikita sa mga
baryo o mga lugar na maraming
kakahuyan. Kabilang ang
Cabanatuan sa mga lugar na
katatagpuan ng maraming kawayan
tulad sa Pangatian, Cabu, at Bagong
Sikat.
Pamamaraan
1. Ang pares ng lalaki at babaeng
mananayaw ay iindak sa gilid o
kaya'y sa pagitan ng dalawang buho
o kawayan na may haba na siyam na
talampakan.
2. Ang dalawang buho ay nakapatong pa sa isang
piraso ng kawayan na may habang 30 pulgada at
kapal na dalawang pulgada. May tig-isang tao na
humahawak sa bawat dulo ng pares ng buho.
3. Sa saliw ng isang awitin, sabay na palalagitikin
ng dalawang tao ang hawak nilang kawayan at
pag-uumpugin ng paulit-ulit ang dalawang
kawayan sa bilang na isa-dalawa-tatlo, kasabay
sa ritmo ng sayaw.
4. Ang mga mananayaw ay magsisimulang
pumasok sa gitna ng mga kawayan at
kinakailangan na hindi sila maipit upang
maging tuloy tuloy ang kanilang
pagsasayaw.
5. Ang babae ay nakasuot ng patadyong o
balintawak samantalang Barong Tagalog
naman ang sa lalaki.
Mga Pangunahing Posisyon at Galaw
Hayon-hayon – ilagay ang isang braso sa harap
at isang braso sa likod sa may baywang. Gawin
ito nang salitan.
Sarok – ilagay ang kanan o kaliwang paa sa
harap ng kaliwa (o kanan) habang bahagyang
nakayuko ng pagharap ang katawan at naka-
cross ang mga kamay sa harap, ang kanan (o
kaliwa) sa ibabaw ng kaliwa (o kanan).
Saludo – yumuko sa iyong kapareha at sa mga
manonood.
Do-si-do - humarap sa iyong kapareha, umabante
at dumaan sa direksyon ng kaniyang kanang
balikat. Bumalik sa dating pwesto sa
pamamagitan ng pagdaan sa direksyon ng inyong
kaliwang balikat.
Tap – i-tap ang sahig sa pamamagitan ng iyong
balls of the feet.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Pag-aralan at gawin ang
sumusunod:
1. Bleking – 2M
2. Change step – 2M
3. Hop polka – 8M
4. Hayon-Hayon – 4M
5. Do-si-do – 6M
Ano ang iyong naramdaman pagkatapos
mo maisagawa ang gawain?
Paano mo isinagawa ang mga kasanayan
sa pagsasayw ng katutubong sayaw?
Bakit kailangan matutunan ang mga
kasanayan sa pagsasayaw?

You might also like