You are on page 1of 11

PARAAN NG

PAGTUGON NG MGA
PILIPINO SA
KOLONYALISMONG
ESPANYOL
Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taong
nanatili ang mga Pilipino sa animo’y hawla na
walang sapat na naaninag na liwanag ng pag-
asang makawala sa kamay ng mga dayuhang
Espanyol. Ibat iba ang naging paraang ng
pagtugon nila sa sitwasyong mailalarawan sa
pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob.
NANAHIMIK AT NAGTIIS
Likas na matiisin at sanay sa hirap ang
mga katutubo. Mas pinili nilang
manahimik at sumunod sa patakarang
Espanyol para sa kanilang kaligtasan
YUMAKAP SA
KAPANGYARIHAN
NG DAYUHAN
Simulat sapul mayroon ng mga katutubo na
ang iniisip ay ang kung ano ang meron sila.
Ang mahalaga sa kanila ay katahimikan sa
buhay at kung paano maproteksiyonan ang
kabuhayan.
NAKIPAGSABWATAN SA
MGA
DAYUHAN/MERSENAR
YO
Mga katutubo na kung tawagin ay mga
balimbing o taksil. Ipinagpapalit ang
dangal para sa pansariling kapakanan.
TUMAKAS AT NAMUNDOK
Marami ding mga katutubo na mas
piniling takasan ang mga pagpapahirap ng
mga dayuhan. Namuhay sila sa bundok at
naging kalaban ng pamahalaan. Tinawag
silang mga tulisan.
NAG-ALSA
Mga katutubo mula sa iba’t ibang rehiyon at
sektor ng lipunan. Mga pangkat na lumaban
at nag-alsa na binubuo ng mga magsasaka,
mangangalakal, at propesyonal. May mga
kababaihan din na sumapi at hindi naging
hadlang ang kanilang kasarian.
GINAMIT ANG LAKAS
NG PANULAT
Ang mga kabataang nakapag-aral sa
kolehiyo sa Pilipinas man o Espanya ay
hindi rin nagsawalang-kibo. Ginamit nila
ang lakas ng panulat sa pagsisiwalat ng
kalupitan ng pamahalaang Espanyol.
Si Lapu-Lapu hari na ng
Mactan ay binansagang
kauna-unahang bayaning
Pilipino dahil mas pinili
niyang talikuran ang mga
dayuhan kaysa tanggapin
ang alok na pikikipag-
kaibigan.

You might also like