You are on page 1of 17

BAHAGI NG PAPEL- PANANALIKSIK

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
a) Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong-
papel.
b) Pamagating Pahina nakasaad dito kung kanino iniharap
o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito
pangangailangan, sino ang gumawa at panahon ng
kumplesyon. Kailangang magmukhang inverted pyramid
ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasa pahinang
ito.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


Mga Pahinang Preliminari o Front Matters

c) Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng


mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng papel
pananaliksik at kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
d) Talaan ng Nilalaman
o nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at
nilalaman ng papel pananaliksik.

e) Talaan ng mga Talahanayan at Grap


o nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o grap na
nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina
kung saan matatagpuan ang bawat isa.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

a) Panimula
b) Layunin ng Pag-aaral
⮚ inilalahad dito ang pangkalahatang layunin o
dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral.
Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin
na nasa anyong patanong

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

c) Kahalagahan ng Pag-aaral

⮚ Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga


ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan,
institusyon, propesyon, disiplina o larangan.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
⮚ Tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang
kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
⮚ Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinapaalam dito ng
mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng
kanyang paksa.
⮚ Hanggat maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at
tatalakayin dito ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling

sampung taon.
Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
⮚ Tiyaking ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

❖ obhetibo o walang pagkiling


❖ nauugnay sa pag-aaral
❖ sapat ang dami

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

d) Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral


⮚ tinutukoy nito ang simula at hangganan ng pananaliksik.

e) Katuturan ng mga Katawagan


⮚ Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA III: METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
⮚ Sa Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong uri ng
pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.

⮚ Kalahok ng Pag-aaral ito ay tumutukoy sa mga tagatugon ng


sarbey, kung ilan sila, paano at bakit sila napili.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA III: METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

⮚ Instrumento ng Pananaliksik

▪ inilalarawan dito ang paraang ginamit ng pananaliksik sa mga


pangangalap ng datos at impormasyon

▪ iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung


maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA III: METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

⮚ Tritment na Datos

▪ inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit


upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan

▪ hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal


tritment, sapat na ang pagkuha ng porsyento matapos mai-tally
ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga tagatugon

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
NG MGA DATOS

⮚ Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na


nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng
tekstwal at tabular o grapik na presentasyon.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON

a. Sa Lagom, binubuod ang mga datos at


impormasyong nakalap ng mananaliksik na
komprehensibong tinalakay sa Kabanata III.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON

a. Ang Kongklusyon ay ang abstraksyon,


implikasyon, pangkalahatang pahayag at/o
paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON

a. Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing


solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.


MGA PANGHULING PAHINA

⮚ Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kompletong tala ng lahat


ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik.

⮚ Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag.

Juan Sumulong Memorial Schools System Inc. | Senior High Dept.

You might also like