You are on page 1of 12

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
WEEK 4 – 5
SURIIN
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.Tunghayan ang batayang kaalaman
kaugnay ng akademikong kahulugan, gamit,
pamamaraan, at kahalagahan ng konseptong papel sa
buhay akademiko.
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL
Batayang tuntungan sa pagbuo ng pananaliksik
ang konseptong papel. Dito matutukoy ang mga
bagay o konsepto na sasaliksikin. Nakaugat sa
tagumpay ng pananaliksik ang mga simulain at
hakbang kaugnay ng pagbuo ng komprehensibo
at epektibong konseptong papel.
Konseptong Papel
Mula Plano
Patungong Proseso
Katumbas ng isang mungkahi o rekomendasyon
sa gagawing pananaliksik ang konseptong
papel. Ang sumusunod ay ang nilalaman ng
konseptong papel:

• kabuuang idea
• balangkas o framework
• nais patunayan sa pag-aaral
• gawaing binabalak sa pananaliksik
• halagang magagastos sa proyekto
Dahil ito ay mungkahi, hamak na mas maikli
ito sa orihinal na papel
pananaliksik. Maikli rin ang guguguling
panahon sa paggawa nito sapagkat dito
hahalawin ang magiging daloy ng pinal na
papel na sasaliksikin. Tinatayang
limang pahina lamang ang karaniwanng haba
ng isang konseptong papel.
Bahagi ng
Konseptong
Papel
1. Rasyonal
Isinasaad ang dahilan ng pagpili ng paksa. Maaaring
nakabatay ito sa sariling interes o pangangailangan
ng kompanya, organisasyon, o institusyong maaaring
paglingkuran sa hinaharap. Mula rito, magmumula
ang mga konsepto sa bubuuing pananaliksik.
2. Layunin
Nakapaloob dito ang mga hinihinging katanungan na
sasagutin sa pag-aaral. Madalas ay binubuo ng tatlo
hanggang limang katanungan. Kinakailangan ang mga
katanungan ay nakahanay batay sa diin o bigat ng mga
kasagutan at hindi dapat masasagot ng “Oo” o “Hindi”
ang inihandang mga tanong.
3. Metodolohiya
Itinatakda sa bahaging ito ang pamamaraang
gagamitin sa pangangalap ng datos o
impormasyon. Nakapaloob dito ang gagamiting
disenyo at kaugnay pang mga pamamaraan upang
maisakatuparan ang pananaliksik.
4. Inaasahang Bunga
Inilalahad sa bahaging ito ang inaasahang
kalalabasan o resulta ng pananaliksik.
THANK
YOU !

You might also like