You are on page 1of 14

Fil 21-Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

KONSEPTONG
PAPEL
Prof. Marisa M. Gamboa
KONSEPTONG PAPEL

Ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing


balangkas o framework ng paksang bubuuin.
Ang Framework ay ang pinaka-istruktura at pinakabuod ng
isang ideya na tumatalakay sa nais na patunayan, linawin o
tukuyin.
KONSEPTONG PAPEL

Ito din ay nagsisilbing proposal na kailangang


ihanda para sa pagsisimula ng isang pananaliksik.
KONSEPTONG PAPEL

Ito ay unang hakbang sa pagsasagawa at pagsisiyasat. Gabay


ito sa mga hakbang ng nais isagawa mula simula hanggang sa
katapusan ng pagsisiyasat.Nagsisilbi itong outline o
intruktura ng kabuuang pag-aaral.
BAHAGI NG KONSEPTONG
PAPEL
• Paksa
• Rasyunal(Rationale)
• Layunin (Objective)
• Metodolohiya(Methodology)
• Inaasahang bunga/resulta(Expected outcome/output)
Paksa-Ano ang paksang nais mong gawan ng
akademikong papel?Ang paksa ay maaring mga suliranin
o isyung napapanahon ,o mga usaping may kinalaman sa
kursong kinukuha mo o isyung kasalukuyang pinag-
uusapan sa bansa o sa lipunan kung saan ka kabilang.
Rasyunal(Rationale)-taglay ng rasyunal ang
pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit napili ang

isang paksa.Ang kabuluhan at kahalagahan ng naturang paksa

o pag-aaral ay inilalahad sa puntong ito.


Layunin(Objective)-Ang hangarin o
pakay ng Mag-aaral na nais matamo ng napiling
paksa.Maari itong pangkalahatang o (general) o
tiyak(specific).Ipinapahayag nito ang kabuuang
layon,nais gawin, mangyari o matamo sa
pananaliksik. Sa tiyak na layunin, ipinapahayag nito
ang ispesipikong pakay sa pananaliksik sa Paksa.
Metodolohiya(Methodology)- ay ang paraan (Technique)at
pamamaraan(method) ginagamit sa pagkuha ng datos at
pagsusuri ng piniling paksa sa pananaliksik, ay nasa bahagi ng
metodolohiya.

Maaring gamitin sa pagkuha ng datus ang serbey,questionnaire,


case study,obserbasyon,interbyu, at iba pa.kung
pagsusuri,magagamit ang paraang
empirical,komparatibo,interpretasyon,at pagpapakahulugan.
Magagamit ang mga ito depende sa larangang gagamitin.
Inaasahang
Bunga(expected
outcomes/output)- Inilalahad sa
bahaging ito ang resulta ng
isinagawang pananaliksik.Maaring
banggitin dito ang mga idinagdag gaya
ng apendiks.
PANUTO:
Ang klase ay bubuo ng apat na grupo bawat
black.Gumawa ng isang Konseptong Papel.Malayang
pumili ng pamagat na nais saliksikin/siyasatin..
Petsa ng Pagpasa: December 16,2022.
\
MARAMING SALAMAT

You might also like