You are on page 1of 46

Ikaapat na

Markahang
Pagsusulit

FILIPINO 4
1. Ano ang pinakaangkop na sasabihin upang mahikayat
ang iba na tikman ang ginawa mong potato salad?
A. Napakasarap ng potato salad.
B. Gusto mo bang kumain ng potato salad?
C. Ginawa ko ang potato salad para sa ating lahat.
D. Sobrang sarap ng potato salad! Halika at tikman mo.

2. Nais mong ipakilala ang niluto mong strawberry Jam sa


iyong mga kaklase. Paano mo ito sasabihin sa pangungusap
ng patanong?
A. Napakasarap ng aking nilutong Strawberry Jam.
B. Sobrang sarap ng aking nilutong Strawberry Jam!
C. Nagluto ako ng Strawberry Jam at ipatitikim ko sa inyo.
D. Nais mo bang tikman ang niluto kong Strawberry Jam?
Para sa bilang 3-6. Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang
pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.

A. Ang Luzon ay may karatig na pulo.


B. Ang Luzon ay binubuno ng walong rehiyon.
C. Pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas ang
Luzon.
D. Palawan, Mindoro, Masbate, Romblon, Catanduanes,
Marinduque,Polillo, at Batanes ang karatig na pulo.
Para sa bilang 3-6. Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang
pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.

A. Dumating ang barkong Thomas noong 1901.


B. Thomas ang tawag sa mga gurong Amerikano.
C. Ang unang guro sa bansa ay mga sundalong
Amerikano.
D. Thomasites ang nagpunla ng maka-Amerikanong
pananaw ng mga Pilipino.
Para sa bilang 3-6. Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang
pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.

A. May potassium ang strawberry.


B. Ang strawberry ay masustansiya.
C. Mayaman ang strawberry sa folic acid.
D. Mga benepisyong nakukuha sa strawberry.
Para sa bilang 3-6. Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang
pinakaangkop na paksa sa bawat teksto.

A. Paggamit ng facemask
B. Mga iiwasan sa panahon ng pandemya
C. Mga dapat gawin para malusog ang katawan
D. Mga gawain upang makaiwas sa COVID-19 virus
Para sa bilang 7-11. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

7. Nagdulot ng pandemya ang COVID-19 kung saan


maraming tao ang sunod-sunod na namatay sa ating bansa.
A. Pagkamatay ng mga tao
B. Isang uri ng sakit na walang lunas
C. Isang sakit na nararamdaman ng iisang tao
D. Pang- internasyonal na pagkalat ng isang bagong sakit

8. Sino kaya ang mapipiling pangulo sa darating na halalan?


A. Pagboto sa piniling kandidato
B. Pagpili ng tao sa listahan ng polyeto
C. Pagsulat sa pangalan ng isang kandidato
D. Pagsasabi ng gustong manalo sa eleksiyon
Para sa bilang 7-11. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

9. Ginamit ni Mang Kiko ang asarol sa paghahanda ng


munting halamanan.
A. Pang-araro
B. Panggatong
C. Pangbungkal ng lupa
D. Pampitas ng bunga ng prutas

10. Maraming mga Pilipino ang tanyag sa pag-awit maging sa


ibang bansa.
A. Dumagsa
B. Kilala
C. Pumunta
D. Tumakbo
Para sa bilang 7-11. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

11. Tunay na nakatutulong sa pag-unlad ng isang bansa ang


mga makabagong teknolohiya.
A. Kaisipan
B. Makinarya
C. Pamumuhay
D. Pangarap.
Para sa bilang 12 -13.Suriin ang mga sitwasyong nakatala sa bawat bilang.
Piliin ang tamang salitang iyong sasambitin sa bawat sitwasyon.

12. Inatasan ka ng iyong guro upang kapanayamin ang iyong kaibigan


tungkol sa mga paborito niyang isport. Ano ang una mong sasabihin
bilang pagbati?
A. Puwede ba kitang makapanayam?
B. Aba! Napakaganda ang napili mo.
C. Bakit iyon ang napili mong isport?
D. Magandang araw sa iyo kaibigan.

13. Gusto mong tanungin ang iyong kaibigan kung bakit basketball ang
paborito niyang isport. Ano ang sasabihin mo?
A. Aba! Napakaganda ang napili mo.
B. Bakit iyon ang napili mong isport?
C. Magandang araw sa iyo kaibigan.
D. Pwede ba kitang makapanayam?
Para sa bilang 12 -14.Suriin ang mga sitwasyong nakatala sa bawat bilang.
Piliin ang tamang salitang iyong sasambitin sa bawat sitwasyon.

14. Nais mong kapanayamin ang iyong lolo tungkol sa


paborito niyang bayani. Ano ang una mong itatanong?
A. Paborito ko din po siya, lolo.
B. Napakahusay siyang bayani.
C. Maaari mo ba siyang ilarawan?
D. Sino po ang paborito mong bayaning Pilipino?
Para sa bilang 15-18. Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga
tanong tungkol dito.

15. Sino ang maaaring hawaan ng corono virus?


A. Hindi ko po alam.
B. Lahat po ng tao.
C. Mga mahihirap na mamamayan.
D. Mga mayayamang mamamayan.
Para sa bilang 15-18. Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga
tanong tungkol dito.

16. Ano sa inyong palagay ang nais ipabatid ng may gumuhit n?


A. Ang corona virus ay sakit sa tiyan.
B. Mag-panic kapag nagsusuot ng facemask.
C. Mag-ingat sa corona virus dahil nakamamatay ito.
D. Ang corona virus ay isang ordinaryong sakit lamang.
Para sa bilang 15-18. Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga
tanong tungkol dito.

17. Anong mensahe ang nais ipabatid ng editorial cartoon?


A. Maaaring magtambak ng basura sa tabing-dagat.
B. Pinapayagan ang pagtapon ng basura sa dagat.
C. Hinihikayat na dapat magtapon ng basura tabing-dagat.
D. Ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa tabing-dagat.
Para sa bilang 15-18. Suriin ang editorial cartoon. Sagutin ang mga
tanong tungkol dito.

18. Sa editorial cartoon na iyong natunghayan, ano ang


mangyayari sa mga basura na nakatambak sa ilog?
A. Mabubulok nang kusa
B. Maidadagdag sa mga kalat
C. Pamamahayan ng mga isda
D. Magiging dekorasyon sa dagat
Para sa bilang 19-22. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang
dapat mong itugon sa nabanggit na sitwasyon.

19. Papunta ka sa simbahan nang makasalubong mo si Aling


Maria. Ano ang sasabihin mo?
A. Magandang araw
B. Magandang araw naman
C. Anong maganda sa araw?
D. Magandang araw po, Aling Maria.

20. Isang umaga, tumawag sa telepono ang guro ng kuya mo at


ikaw ang nakasagot. Ano ang sasabihin mo?
A. Wala siya rito ngayon.
B. Hindi ko alam kung nasaan siya.
C. Sandali lang at tatawagin ko siya.
D. Sandali lang po, tatawagin ko siya.
Para sa bilang 19-22. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang
dapat mong itugon sa nabanggit na sitwasyon.

21. Nakikipagtalastasan ka tungkol sa paksang, “Blended Learning,


lubos na nakatutulong kaysa sa Modular Learning.” Ano ang sasabihin
mo upang maiparating na sumasang-ayon ka?
A. Basta para sa akin, mas nakatutulong ang Modular Learning kaysa
sa Blended Learning
B. Hindi ko masasabi kung mas nakatutulong nga ba ang Blended
Learning kaysa sa Modular Learning.
C. Sumasang-ayon ako na mas nakatutulong ang Blended learning
kaysa sa Modular Learning dahil kombinasyon ito ng dalawa o higit
pang uri ng distance learning.
D. Hindi! Mas maganda ang Modular Learning kaysa sa Blended
Learning dahil wala kaming kagamitan para sa Blended Learning dahil
marami ang gumagamit sa Modular kaysa sa Blended.
Para sa bilang 19-22. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang
dapat mong itugon sa nabanggit na sitwasyon.

22. “Magandang umaga. Kumusta ka?” ang bati at


pangungumusta ng iyong guro. Ano ang isasagot mo sa
iyong guro?
A. Hello ma’am! Mamaya ko po sasabihin sa iyo.
B. Magandang umaga rin po, ma’am. Mabuti po ako.
C. Magandang umaga rin po ma’am. Saan po kayo
nanggaling ma’am?
D. Hello po ma’am. May dala po akong masarap na
pasalubong para sa inyo.
Para sa bilang 23-24. Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga
tanong.
Para sa bilang 23-24. Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga
tanong.
Para sa bilang 25-31. Basahing mauti ang katitikan ng pagpupulong at
sagutin ang mga tanong.
Para sa bilang 25-31. Basahing mauti ang katitikan ng pagpupulong at
sagutin ang mga tanong.

25. Ano ang layunin ng pagpupulong?


A. Gumawa ng plano para sa programang, Save Mother Earth.
B. Gumawa ng plano upang malutas ang problema ng barangay.
C. Pag-usapan ang mga kakailanganin sa pagtatanim ng mga
puno.
D. Pag-usapan kung ano ang dapat gawin para sa programang,
Save Mother Earth.

26. Bakit itinaguyod ang programang, Save Mother Earth?


A. Muling isagawa ang pagtatanim ng mga puno.
B. Iligtas ang mundo sa kinakaharap na panganib.
C. Ingatan ang mga kagubatan mula sa illegal loggers.
D. Mahigpit na ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa ilog.
Para sa bilang 25-31. Basahing mauti ang katitikan ng pagpupulong at
sagutin ang mga tanong.

27. Ano-ano ang mga mungkahi ng mga dumalo upang


maisakatuparang ang programa?
A. Ipagbawal ang pagputol ng kahoy, pagbabasura sa ilog, at
pagsusunog ng mga basura.
B. Agad na magtatanim ng puno, maglilinis ng bakuran at
magpupulot ng mga basura sa ilog.
C. Isasagawa ang pagtatanim ng puno, paglilinis ng estero at
kanal, at pagpapatupad ang
wastong pagtatapon ng basura.
D. Ipapatupad ang wastong pagtatapon ng basura, paglilinis sa
mga ilog, at pagtatanim ng
mga halaman sa bakuran.
Para sa bilang 25-31. Basahing mauti ang katitikan ng pagpupulong at
sagutin ang mga tanong.

28. Alin sa tingin mo ang puwede pang maimungkahi


para sa programang, Save Mother Earth?
A. Pagpasok ng mga bata sa paaralan
B. Pagsusunog ng basura kung kinakailangan
C. Pag-aalaga ng mga mababangis na mga hayop
D. Pagpapatupad sa 5 Rs (Recyle, Reuse, Repair, Reduce
and Recover)
Para sa bilang 25-31. Basahing mauti ang katitikan ng pagpupulong at
sagutin ang mga tanong.

29. Alin ang maaaring mangyari kung maisasagawa ang


mga mungkahi ayon sa plano?
A. Magiging masaya ang mga tao sa Barangay Masikap.
B. Makikilala ang Barangay Masikap sa pagiging
masunurin.
C. Maisasalba ang Barangay Masikap mula sa panganib
dulot ng pagkasira ng kalikasan.
D. Mabibiyayaan ang Barangay Masikap dahil marunong
silang gumawa ng iba’t ibang plano.
Para sa bilang 25-31. Basahing mauti ang katitikan ng pagpupulong at
sagutin ang mga tanong.

30. Batay sa iyong binasa, ano masasabi mo sa mga tao


sa Barangay Masikap?
A. Walang pagkakaisa ang mga taga Barangay Masikap.
B. Wala nang pakialam ang mga tao sa kanilang paligid.
C. Umaasa lamang ang mga tao sa kanilang
punongbarangay.
D. Mayroon silang pagpapahalaga at pagmamahal sa
kanilang lugar.
Para sa bilang 31-34. Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa
pagpupulong.

31. Tagapangulo: Paano natin mapagaganda ang ating


paaralan?
Miyembro 1: _________________________________.
A. Sa wakas ay mapapaganda na rin ang ating paaralan.
B. Yehee! Magdadala ako ng itatanim na bulaklak bukas.
C. Tagapangulo, kailangan bang pagandahin ang ating
paaralan?
D. Iminumungkahi ko na magtatanim tayo ng bulaklak
sa paligid ng paaralan.
Para sa bilang 31-34. Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa
pagpupulong.

32. Miyembro 2: Bigyan din natin ng pansin ang ating


mga basura. ____________________________.
A. Dapat magdala ang mga bata ng kanilang sariling
basurahan.
B. Dapat ipauwi sa mga mag-aaral ang kani-kanilang
mga basura.
C. Kailangan natin pag-aralan ang wastong pagtatapon
ng basura.
D. Kailangang tawagin ang mga magulang upang linisin
ang kalat sa paaralan.
Para sa bilang 31-34. Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa
pagpupulong.

33. Miyembro 3: ____________________________.


Dito natin ilalagay ang mga basurang puwede pang
pakinabangan tulad ng lata, plastic at iba pa.
A. Magdala tayo ng tig-iisang malalaking lata.
B. Puwede kaya tayong gumawa ng compost pit?
C. Magpapagawa rin tayo ng malalaking basurahan.
D. Maaari kayang magpagawa ng Material Recovery
Facility?
Para sa bilang 31-34. Piliin ang letra ng tamang pangungusap na bubuo sa
pagpupulong.

34. Miyembro 4: _________________________.


Miyembro 5: Pinapangalawahan ko po.
A. Napakaganda lahat ng nabanggit kaya iminumungkahi
ko pong simulan na ang pagtatrabaho.
B. Magalang ko pong iminumosyong sarhan na ang
mesa sa pagtanggap ng mga mungkahi.
C. Magaling! Lahat ng mungkahi ay magaganda kaya
gawin na natin sa madaling panahon.
D. Mahirap mapaganda ang ating paaralan kaya
mahalagang pag-aralan natin ang
bawat mungkahi.
Para sa bilang 35-40. Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong

35. Tungkol saan ang balita?


A. Guro ng pampubliko at pampribadong paaralan
B. Paghahanda para sa limited face-to-face classes
C. Balita tungkol kay Waren Santos at Marinel Lopez
D. Pagsisimula ng Limited face-to-face classes
Para sa bilang 35-40. Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong

36. Alin ang inihahanda para sa limited face-to-face classes?


A. Mga pampublikong mga paaralan lamang
B. Mga pampribadong mga paaralan lamang
C. Mga pampubliko at pambridadong mga paaralan
D. Mga napiling pampubliko at pambribadong mga paaralan
Para sa bilang 35-40. Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong

37. Ano ang kakailanganin upang mabigyan ang paaralan ng permiso na


mag-face-to-face classes?
A. Magawa o makompleto ng paaralan ang nasa SSAT
B. Kailangang mabisita ang paaralan ng mga taga-DILG
C. Maitala ang kakailanganin para sa face-to-face classes
D. Maturuan ang mga mga guro at mag-aaral tungkol sa SSAT
Para sa bilang 35-40. Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong

38. Kailan magsisimula ang limited face-to-face?


A. Sa susunod na araw
B. Sa susunod na buwan
C. Sa susunod na lingo
D. Sa susunod na taon
Para sa bilang 35-40. Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong

39. Sino ang nagsabi sa detalye ng balita?


A. Balitang Umaga
B. Marinel Lopez
C. Radyo ng Bayan
D. Waren Santos
Para sa bilang 35-40. Basahing Mabuti ang iskrip. Sagutin ang mga tanong

40. Saan programa ka nakikinig?


A. Sa Balitang Umaga ng 139.99
B. Sa Balita idinetalye ni Marinel Lopez
C. Sa Balitang iniuulat ni Waren Santos
D. Sa Balitang Umaga ng isang TV channel
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

41. Alin ang sasabihin ng Anchor bilang panimula ng


kaniyang programa?
A. Hanggang sa susunod na pagbabalita, mga
kaibigan.
B. Mamamayan ng Barangay Malinis, dumagsa sa
pangangampaniya.
C. Muling magbabalik ang Balitang Tanghali makalipas
ang ilang paalala.
D. Magandang umaga, kababayan! Kayo’y nakikinig sa
Balitang Tanghali.
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

42. Alin ang maaaring pahayag ng isang tagapagbalita


ng mga detalye?
A. At ‘yan ang mga nakalap nating balita sa araw na
ito.
B. Muling magbabalik ang Balitang Tanghali makalipas
ang ilang paalala.
C. Magandang tanghali, kababayan! Kayo’y nakikinig
sa Balitang Tanghali.
D. Maraming mga tao ang dumalo sa pagpupupong na
ginagap sa Barangay Malinis.
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

43. Anong uri ng pangungusap ang ginamit


sa pananaw na ito: “Isama mo ako sa
sumasang-
ayon sa ipapatupad na proyekto.”
A. Pasalaysay
B. Padamdam
C. Patanong
D. Pautos
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

44. Iminungkahi ng pangulo ng inyong organisasyon


na magkakaroon kayo ng tree planting.
Paano mo ipapahayag ang inyong pananaw sa
positibong paraan?
A. Sinusuportahan ko ang sinabi mo sa pulong.
B. Iyan ang nararapat nating gawin kaysa maglaro ng
basketbol.
C. Naku, hindi ako makakasama sa inyo dahil marami
akong gawain.
D. Sumasang-ayon ako sa mungkahi mo dahil malaki
ang maitutulong ng tree planting.
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

45. Narinig ko ang paliwanag mo kanina,


____________________?
A. Maaari po bang magbigay ng aking
mungkahi?
B. Ano kaya kung sabihin mo ito sa lahat?
C. Wala ka bang pagsisisihan sa sinabi mo?
D. Saan mo ba nakuha ang impormasyong iyan?
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

46. Paano mo sasabihin ang iyong pananaw tungkol sa


Distance Learning?
A. Nakakabagot ang distance learning kayamagtrabaho
na lang kami.
B. Lahat ng mga bata ay makakapag-aral kung
susuportahan ng mga magulang.
C. Ang distance learning ay isang paraan ng pag-aaral
ngayong panahon ng pandemya.
D. Maganda ang distance learning kung magagabayan
ng lahat ng mga magulang ang kanilang mga anak.
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

47. “Para sa akin, hindi dapat kumain ng junk foods


dahil nakakasama sa kalusugan.” Anong uri ng
pangungusap ang ginamit?
A. Pasalaysay
B. Padamdam
C. Patanong
D. Pautos
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

48. Alin ang nagpapahayag ng pagsang-ayon sa isyung, “Mas epektibo


ang blended learning kaysa sa modular”
A. Parehong epektibo ang blended at modular learning dahil parehong
natututo ang mga mag-aaral.
B. Mas epektibo ang modular dahil nakikiisa ang mga magulang sa
pagkuha, pagsagot at pagpasa ng mga modyul.
C. Sumasang-ayon ako na mas epektibo ang blended learning kaysa sa
modular dahil
gumagamit ito ng dalawa o higit pang pamamaraan ng pag-aaral. Dahil
dito ay mas matuto ang mga mag-aaral.
D. Hindi ako pabor sa blended learning dahil hindi lahat ng mag-aaral ay
may kakayahang magkaroon ng sariling gadget para makapag-online o
kaya naman ay may mga lugar walang koneksiyon sa internet.
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

49. Aling ang nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon sa isyung,


“Ang Junk food ay dapat ipagbawal sa mga paaralan.”
A. Tama na ipagbawal ang junk food sa mga paaralan dahil
nakasisira ito sa kalusugan ng mga mag-aaral.
B. Sang-ayon ako na ipagbawal ang junk food sa mga paaralan
upang mapahalagahan ang kalusugan ng mga mag-aaral
C. Hindi kailangan ipagbawal ang junk food sa mga paaralan
dahil ang mga bata ay sadyang mahilig sa mga pagkaing junk
food.
D. Marapat lamang na ipagbawal ang junk food sa mga
paaralan upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri
ng mga sakit.
Para sa bilang 41-50.Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na tugon sa bawat bilang.

50. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang


nararapat na sabihin ng tagapamagitan sa huling bahagi
ng debate?
A. Ang debateng ito ay tapos na. Puwede nang humusga.
B. Lahat ng panig ay nakapagsalita ng maayos. Maaari
nang humusga.
C. Ang bawat panig ay nagbigay ng kani-kanilang mga
opinyon. Husga na.
D. Mukhang bawa’t katuwirang inilahad ng dalawang panig
ay mahalaga. Ngayon mga kaibigan kayo ang humusga?

You might also like