You are on page 1of 11

Iba’t Ibang Paraan o Uri ng

Pagbasa
 Bawat tao ay may dahilan kung bakit siya nagbabas. Subalit kahit ano pa man ang ating dahilan ang
maghalaga’y bigyan natin ng panahon ang pagbasa at siguraduhing ginagawa natin ito para sa pagpapalusog
ng ating isipian at pagpapaunlad ng ating kaalaman dahil ang mga ito ang tunay na layunin ng pagbabasa.
Iskaning (Scanning)

 Ito ay paraam ng pagbabasa na ginagawa nang mabilisan upang makuha kaagad ang mga impormasyong
kailangan.
Iskiming ( Skimming)

 Ang paraang ito ay isinasagawa nang mabilisan at masaklaw upang makuha ang kaisipan o ideyang
kailangan.
Pribyuwing ( Previewing)

 Ito ay pagbasa nang buo at ganap na hindi muna kinukuha ang pagpapakahulugan sa nilalaman bagkus ay
tinitignan at iniisa-isa ang mga detalye kung saan ay makagagawa siya ng pangkalahatang pagkaunawa sa
kabuuan.
Kaswal

 Ang paraang ito ng pagbabasa ay magaan at ginagawa lamang hindi upang makakuha ng mga kailangang
impormasyon, magpakahulugan o magsuri manapa’y upang maglipas ng oras habang may hinihintay o
walang magawa.
Pagbasang Pang-Impormasyon

 Ang ganitong paraan ng pagbabasa ay ginagawa upang makakalap ng mga tiyak na impormasyon na
maaring kailanagn sa araw araw gaya ng pag-alam sa lagay ng panahon, kalakalan, presyo ng mga bilihin o
kaalamang tutugon sa mga proyekto at takdang-aralin ng mga mag-aaral.
Matiim na Pagbasa

 Ito ay ang masusi, malalim at maingat na pagbabasa na ginagawa upang lubos na maunawaan ang mga
imposrmasyon na kailangan ng mambabasa.
Muling Pagbasa

 Ginagawa ito upang lubos na maunawaan ang mga kaisipang nais ihatid ng manunulat sa mga mambabasa.
Pagtatala

 Sa paraang ito ng pagbasa ay gumagamit ang mambabasa ng talaan ng mga datos o impormasyong mahalaga
na kailangan niyang makuha sa binabasa.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like