You are on page 1of 26

FILIPINO 2

Pagbasa ng Iba’t
Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
Layunin

▫ Sa katapusan ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

▫ 1.Nakatutukoy ng iba’t ibang aspekto ng pagbasa;


▫ 2.Nakapagpapaliwanag ng mga proseso sa pagbabasa;at
▫ 3.May kamalayan sa pinagdaraanang sariling proseso ng
pagbasa ng iba-ibang uri ng teksto.
Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto,ano ang prosesong susundin mo
upang maunawaan ang iyong babasahin?Lagyan ng bilang ang patlang
ayon sa nais na pagkakasunod-sunod.

▫ _______Pagbuo ng hinuha
▫ _______Pagtatalakayan
▫ _______Pagtukoy ng mga salitang hindi pamilyar
▫ _______Pag-uugnay ng binasa sa karanasan
▫ _______Pagbasa sa teksto
▫ _______Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa
babasahing teksto
▫ _______Pag-uusap sa pamagat ng teksto
PAGBASA
▫ Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos,
pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at
anyo ng impormasyon o ideya na
kinakatawan ng mga salita o simbolo na
kailangan tingnan at suriin upang
maunawaan.
Halaga ng pagbasa:

a.Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng


pagkabagot,
b.Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng
kaalaman sa iba't ibang larangan ng buhay,
c.Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating
pang-araw-araw na buhay,
▫ d.Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi
nararating,nakikilala ang mga taong yumao na
o hindi nakikita,
▫ e.Naiimpluwensiyahan nito ang ating saloobin
at palagay hinggil sa iba't ibang bagay at tao,at
▫ f.Nakatutulong ito sa paglutas ng ating
suliranin at sa pagpataas ng kalidad ng buhay
ng tao.
Ayon kay Goodman:

Ang pagbasa ay isang psycholinguistic


guessing game
Ayon kay Coady(1979):

▫ Ang isang mambabasa ay kailangang may


▫ “ background knowledge “ o dating
kaalaman tungkol sa binasa upang
maiugnay niya sa pagproseso ng mga
bagong impormasyon.
Katangian ng Pagbasa

▫ 1. Ang pagbasa ay kasanayan sa pagpapahayag.


▫ 2. Ang pagbasa ay gawaing pangkaisipan.
▫ 3. Ang pagbasa ay prosesong biswal.
▫ 4. Ang pagbasa ay komplikado.
Teorya ng
Pagbasa
Bottom-up

▫ Ito ay tradisyunal na pananaw sa pagbasa.


Tinatawag din itong teoryang “ baba-pataas “.
▫ -bottom(teksto o materyal)
▫ -up(utak)
Top down
▫ Ito ay kasalungat ng teoryang bottom-up. Ang
daloy ng impormasyon ay nagsisimula sa taas
patungo sa ibaba na ang ibig sabihin, ang proseso
ng
▫ pagkilala ng salita ay nakabatay sa kanyang
kaalaman.
Interaktib

▫ Mas makatutulong nang malaki sa mga


tagapagbasa kung pagsasamahin o gagamitin
nang sabay ang dalawang teorya ( bottom-up at
top down) para lalong maging epektibo ito.
Iskema
▫ Sa teoryang ito, ang unang kailangan sa pag-
unawa sa binasa ay ang dating kaalaman o
prior knowledge upang makatulong na
maunawaan ang binasang teksto. Kung ang
bagong kaalaman ay naiugnay sa umiiral na
iskema( dating kaalaman), dito humahalili ang
pagkatuto.
ASPEKTO NG PAGBASA

▫ 1.PISYOLOHIKAL NA ASPEKTO
-sangkot dito ang mata

CEREBRAL CORTEX-ang sentro ng utak na nagbibibigay ng


interpretasyon o kahulugan sa mga simbolo.
GALAW NG MGA MATA
▫ FIXATION-pagtitig ng mga mata upang kilalanin at
intindihin ang teksto.
▫ INTER FIXATION-paggalaw ng mga mata mula sa
kaliwa pakanan o mula itaas pababa
▫ RETURN SWEEPS-paggalaw ng mga mata simula
hangggang sa dulo ng teksto

▫ REGRESSION-pagbabalik muli o pagsusuri ng


binabasa.
2.KOGNITIBONG ASPEKTO

▫ -sangkot ang utak


▫ IBA'T IBANG ANTAS NG PAGKAUNAWA
(COMPREHENSION)
1.Pag-alam sa literal na kahulugan o unang antas ng
pagkaunawa sa binasa
2.Pagbibigay-kahulugan sa nabasa
3.Paggamit ng kaalamang nakuha mula sa binasa
4.Paghuhusga o pagtatasa sa nilalaman ng tekstong binabasa
3.KOMUNIKATIBONG ASPEKTO

▫ -wika

4.PANLIPUNANG ASPEKTO
-lipunan
▫ Ang pagbasa ay may
hakbang o proseso ayon
kay William S. Gray, ang
tinaguriang “ Ama ng
Pagbasa “.
Proseso ng pagbasa
Persepsyon o Komprehensyon o
pagkilala Pag-unawa

Asimilasyon o Aplikasyon o reaksyon


Pag-uugnay
Mga Teknik sa
Pagbasa
1.Skaning/scanning
▫ Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon
sa isang pahina.

▫ Ito ang teknik sa pagbasa na hindi hinahangad na makuha


ang kaisipan ng sumulat dahil sa ang mahalaga rito’y makita
ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
▫ Halimbawa:
▫ Paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng
trabaho, pagtingin sa resulta ng mga eksamen.
2.Skiming/Skimming

Ang pinamabilis na pagbasa na nakakaya ng


isang tao.
Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang
pangkalahatang impresyon o kaisipan na
matatagpuan sa mga aklat at iba pang
nakalimbag na babasahin.
3.Pasalitang pagbasa/Oral Reading

Ang pagbasa ng teksto ay inaangkupan ng


wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na
lakas ng tinig upang sapat na marinig at
maunawaan ng mga tagapakinig.
4.Tahimik na Pagbasa

Ang pagbasang ito ay ginagamitan


lamang ng mata, walang puwang dito
ang paggamit ng bibig o kaya walang
paglalapat ng tunog sa mga salita na
nakalimbag sa binasang teksto.
Maraming
Salamat sa
Pakikinig! 

You might also like