You are on page 1of 38

MGA ISYU AT HAMONG

PANGKAPALIGIRAN
KWENTONG AWITIN:
MASDAN MO ANG
KAPALIGIRAN NG ASIN
JUAN: MGA PARE WALA BA KAYONG
NAPAPANSIN SA ATING KAPALIGIRAN?

PEDRO: MERON PARE, SABI SA BALITA


MADUMI NA DAW YUNG NILALANGHAP
NATING HANGIN.
JOSE: IDAGDAG KO PA, MADUMI NA YUNG
MGA ILOG NATIN.

JUAN: UMUUNLAD NGA ANG ATING BANSA


PERO TINGNAN MO ANG DAGAT NA
DATING KULAY ASUL ANG TUBIG, NGAYON
KULAY ITIM NA.
PEDRO: DAHIL DIN YAN SA KAPABAYAAN
NATIN. TAPON DITO, TAPON DOON SINO PA ANG
MAPEPERWISYO KUNDI ANG ATING
KAPALIGIRAN.

JOSE: KUNG IISIPIN MO MGA PARE, YUNG


MAGIGING MGA ANAK NATIN
MAKAKALANGHAP PA KAYA NG SARIWANG
JUAN: HETO PA MGA PARE YUNG MGA IBON KAYA
DARATING ANG PANAHON MAY DADAPUHAN PA
SILA. KUNG MAGPAPATULOY ANG PAGPUTOL NG
MGA PUNO.

PEDRO: HINDI NAMAN MASAMA ANG PAG-UNLAD


PERO SANA YUNG MGA LIKAS NA YAMAN NATIN AY
HINDI MAUBOS, HINDI MANGANIB AT MAGAMIT SA
TAMANG PARAAN.
JOSE: SANG-AYON AKO DYAN, KAILANGAN MAGING
MAALAM TAYO SA NANGYAYARI SA ATING
KAPALIGIRAN. LAHAT NG BAGAY SA KAPALIGIRAN
NATIN AY GALING SA
MAYKAPAL KAYA DAPAT NATIN ITONG INGATAN AT
PARAMIHIN.

JUAN: TARA MGA PARE AKSYON NA TAYO.


PEDRO & JOSE: TARA PARENG JUAN.
SURI – KWENTO
1. TUNGKOL SAAN ANG KWENTO NG MGA
MAGKUKUMPARE?
2. SANG-AYON KA BA SA KANILANG KWENTUHAN
TUNGKOL SA ISYU NG KAPALIGIRAN NATIN? KUNG
OO, BAKIT? KUNG HINDI, BAKIT?
3. BILANG ISANG MAG-AARAL PAANO MO
MAIPAPAKITA O MAPAPANGALAGAHAN ANG ATING
KAPALIGIRAN?
PROBLEMA NG KALIKASAN,
PROBLEMA NATING LAHAT!
NI: MIKE ANGELO
(DARKSHIFTER) DOMONDON
ANG KALIKASAN ANG ISA SA MGA MAGANDANG
INIHANDOG NG ATING AMANG MAYKAPAL.
IBINIBIGAY NITO ANG LAHAT NG ATING
PANGANGAILANGAN MULA SA MGA NATURAL
RESOURCES O SA ATING LIKAS NA YAMAN TULAD
NG MGA KAGUBATAN KUNG SAAN MAKUKUHA ANG
MGA PUNUNG-KAHOY SA PAGGAWA NG
KABAHAYAN, MGA HALAMAN AT PUNO KUNG SAAN
GUMAGAWA NG PAGKAIN AT HANGIN PARA SA ATIN.
MGA YAMANG TUBIG TULAD NG MGA DAGAT LAWA
AT IBA PA KUNG SAAN MAKAKAKUHA NG
PAGKAING-DAGAT TULAD NG ISDA AT HIPON. AT
ANG NILALANGHAP NATING HANGIN KUNG SAAN
TINUTULUNGAN TAYONG HUMINGA PARA
MABUHAY. HALOS SA TINGIN NATIN PARANG
WALANG KATAPUSAN ANG ATING LIKAS NA YAMAN
SA PAGBIBIGAY NA MGA PANGANGAILANGAN
NATIN. PERO HUWAG NATING ABUSUHIN ANG ATING
PARA SA AKIN AT SA ATIN SOBRANG
NAPAPAKINABANGAN NATIN ANG PAGGAMIT NG
ATING LIKAS NA YAMAN. NGUNIT SA KABILA NG
LAHAT NG IYAN, MUKHA ATANG NAPAPASOBRA ANG
ATING GINAGAWANG PAGKONSUMO SA ATING
KALIKASAN AT TILA PARA BANG HINDI NA NATIN
NAPAPANSIN ANG MASAMANG EPEKTO NG
SOBRANG PAGGAMIT NG ATING LIKAS NA YAMAN.
HINDI NATIN ALAM ANG RESULTA KAPAG INABUSO
MAHIRAP NAMAN ISIPIN KUNG MAUUBOS ANG
ATING KALIKASAN DAHIL LANG SA ATIN, SA ATING
MGA TAONG WALANG PAKIALAM SA KALIKASAN AT
ANG ALAM LANG AY GAMITIN ANG YAMAN NITO NG
WALANG KAPALIT!
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. IKAW BA AY SUMASANG-AYON NA TILA
INAABUSO NA NATIN ANG ATING MGA LIKAS NA
YAMAN? BAKIT?

2. ANO KAYA ANG PWEDENG MAGING RESULTA NG


PAGKAUBOS NG ATING MGA LIKAS NA YAMAN?
TSISMOSANG
MAGKAPIT-BAHAY

KWENTUHAN PART II:


SCENE 1: KWENTONG BASURA
ANNA: KUMARENG MARIA NAPANOOD KO SA TELEBISYON
KANINA NABANGGIT NA MAY PERA PALA SA BASURA.
NABEBENTA PALA ANG PLASTIC, BOTE, PAPEL AT IBA PA.
SA PALAGAY MO MARE MABEBENTA KAYA IYON KAIBIGAN
KO NA PLASTIK?

MARIA: IKAW TALAGA KUMARE PALABIRO KA. PERO


TOTOO IYON MARE NABEBENTA ANG BASURA, MATAGAL
KO NA RIN GINAGAWA ANG PAGBEBENTA.
ANNA: SIGE MARE GAGAYAHIN DIN KITA SA
GINAGAWA MO. NABANGGIT DIN KASI SA BALITA
NA 39,422 NA TONELADA NG BASURA ANG
NAKOKOLEKTA SA PILIPINAS KADA ARAW NOONG
TAONG 2015 PA IYON. ANONG TAON NA NGAYON,
MALA BUNDOK NA SIGURO ANG BASURA NATIN SA
PILIPINAS KUNG HINDI NATIN GAGAWAN NG
AKSYON.
MARIA: TAMA YUN MARE, DAGDAG MO PA DITO SA
ATIN SA METRO MANILA IYON 25% PORSYENTO NG
BASURA SA ATIN GALING. PERO MERONG
MAGANDANG BALITA TAYO DYAN YUNG
PINAKAMATAAS NA BAHAGDAN NG BASURA AY
YUNG TINATAWAG NILANG BIO-DEGRADABLE O
NIRERESIKLO NA MAY 52.31%. (NATIONAL SOLID
WASTE MANAGEMENT STATUS REPORT, 2015).
ANNA: IBIG SABIHIN IYON AY MAAARING IBENTA AT
PWEDE PANG MAGAMIT ULIT. TAMA BA KO MARE?
MARIA: OO MARE, MALAKI ANG TAMA MO. JOKE LANG
MARE. TAMA KA, KAYA KUNG ANG LAHAT NG PILIPINO AY
MAGKAKAISA AT MAY DISIPLINA SA PAGTATAPON,
MABABAWASAN ANG BASURA. HINDI LANG IYON, ANG
MGA ESTERO NATIN AY HINDI NA MAGBABARA, HINDI BA
ANG SARAP TINGNAN KAPAG WALA KA NG KAIBIGANG
BASURA, NAPAKALINIS TINGNAN NG KAPALIGIRAN NATIN.
ANNA: UUMPISAHAN KO NA RIN ANG PAGTANGGAL SA
MGA KAIBIGANG BASURA. HAHAHA!!!
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. IKAW BA AY SUMASANG-AYON SA USAPIN NI
ANNA AT MARIA? BAKIT?
2. ANO KAYA ANG EPEKTO O DULOT NG BASURA SA
ATING KAPALIGIRAN?
SCENE 2: KWENTONG LIKAS NA YAMAN

ANNA: MARE MARE!!!

MARIA: ANO MARE, MAY NAPANOOD KA NA NAMAN BANG


BALITA?

ANNA: MANGHUHULA KA BA ANG GALING MO MARE.

MARIA: OOOH ANO NAMAN YUN!!!


ANNA: KAHIT MAHIRAP AKO ANG YAMAN PALA NG
BANSA NATIN SA LIKAS NA YAMAN TULAD NG
ANYONG TUBIG, KAGUBATAN, ANYONG LUPA.
LAHAT PALA NG BAGAY NA GINAGAMIT NATIN AY
GALING SA MGA LIKAS NA YAMAN. ANG GALING NI
PAPA JESUS BINIYAYAAN TAYO NG YAMAN.
MARIA: AKALA KO NAMAN BASURA ULIT ANG
NAPANOOD MO. OO MARE TAMA KA MAYAMAN NGA
ANG ATING BANSA SA MGA LIKAS NA YAMAN. SA
SEKTOR NG AGRIKULTURA NARIYAN ANG
PAGTATANIM AT PANGINGISDA, SA INDUSTRISYA
ANG MGA LIKAS NA YAMAN AY ANG MGA SANGKAP
SA PAGGAWA NG MGA PRODUKTO.
ANNA: PERO MARE, NAKAKALUNGKOT NA
ANG YAMAN NATIN AY MAAARI PA LANG
MAUBOS GAYA NG MGA KAGUBATAN NATIN NA
MAYROONG 17 MILYONG EKTARYA NOONG
1934, NGAYONG 2003 MAYROON NA LANG
TAYONG 6.43 MILYONG EKTARYA.
MARIA: DAHIL KASI YAN SA MGA ILEGAL NA
GAWAIN TULAD NG PAGPUPUTOL NG PUNO O
(ILLEGAL LOGGING) PAGLIPAT NG PANIRAHAN
O (MITIGATION) SAAN KA BA NAMAN
MAKAKAKITA NG BUNDOK MAYROONG
SUBDIVISION KAYA NABABAWASAN ANG
ATING MGA KAGUBATAN, MABILIS NA
PAGTAAS NG POPULASYON.
ANNA: BAKIT NASAMA ANG MABILIS NA
PAGTAAS NG POPULASYON MARE?
MARIA: DAHIL KAPAG LUMAKI ANG
POPULASYON, LALAKI DIN YUNG KONSUMO
NATIN SA MGA PRODUKTO DAHIL SABI MO
NGA LAHAT NG GINAGAMIT NATIN AY GALING
SA LIKAS NA YAMAN.
ANNA: ANG GALING MO TALAGA
MARIA: PALABIRO KA TALAGA MARE, DAGDAG
PA NATIN YUNG TINATAWAG NILANG WOOD
HARVESTING O PAGGAMIT NG PUNO BILANG
PANGGATONG O IYONG PAG-UULING AT IYONG
ILEGAL NA PAGMIMINA.
ANNA:TULAD PALA NG PAGTAPON NG BASURA,
KAILANGAN MAGING MAPAMARAAN TAYO AT
MAGING RESPONSABLE SA PAGGAMIT SA
ATING MGA LIKAS NA YAMAN, PARA SA MGA
SUSUNOD NA HENERASYON AY MERON PA
SILANG MADATNAN NA LIKAS NA YAMAN.
MARIA: TUMPAK ANG SINABI MO MARE TAYO
ANG KUKUHA, TAYO RIN ANG GAGAWA NG
PARAAN PARA MAPARAMI ULIT ANG YAMAN
NG BANSA NATIN.
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. IKAW BA AY SUMASANG-AYON SA USAPIN NI
ANNA AT MARIA? BAKIT?
2. ANO KAYA ANG EPEKTO O DULOT NG
PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN?
KWENTONG CLIMATE CHANGE
ANNA: MARE, MARE!!!
MARIA: BAKIT MARE?
ANNA: NASIRA YUNG TELEBISYON NAMIN
PERO BAGO NASIRA NANONOOD AKO NG
BALITA NABANGGIT YUNG CLIMATE CHANGE.
DIBA MATALINO KA, ANO YUNG CLIMATE
CHANGE?
MARIA: NAPAG-ARALAN NAMIN YAN SA
SIYENSYA MARE. ANG CLIMATE CHANGE AY
ISANG NATURAL NA PANGYAYARI O KAYA AY
MAAARING NAPABIBILIS O NAPALALALA
DULOT NG GAWAIN NG TAO. ISA RAW SA
DAHILAN AY ANG PATULOY NA PAG-INIT NG
DAIGDIG O (GLOBAL WARMING) DAHIL SA
MATAAS NA ANTAS NG KONSENTRASYON NG
CARBON DIOXIDE NA NAIIPON SA
ANNA: PARA PALANG YUNG ASAWA KO SWEET
NGAYON, MAMAYA HINDI NA. ANG GALING MO
TALAGA MARE SANA KLASMEYT KITA NANG
PANAHONG NAG-AARAL TAYO PURO KASI CRUSH
ANG INALAM KO. KAYA PALA MINSAN MAINIT
TAPOS BIGLANG UULAN, MINSAN TAG-ARAW PERO
UMUULAN, O KAYA NAMAN TAG-ULAN PERO
SOBRANG INIT NG PANAHON. PAANO BA
NANGYAYARI ITO MARE? ANO BA ANG DAHILAN NA
GINAGAWA NG TAO?
MARIA: HALIMBAWA YUNG INIT NG ULO MO SA
ASAWA MO DAHILAN DIN IYON, PERO BIRO LANG.
MGA USOK NA NANGGAGALING SA MGA PABRIKA,
USOK NG MGA SASAKYAN, PAGSUSUNOG SA MGA
KAGUBATAN. PATUNAY RIN NG CLIMATE CHANGE
YUNG MAHABANG EL NINO AT LA NINA,
PAGKAKAROON NG MALAKAS NA BAGYO,PAGGUHO
NG LUPA, AT FOREST FIRES.
ANNA: ANG DAMI PALANG PWEDENG MARANASAN
NATIN KUNG MAGPAPATULOY PA ANG CLIMATE
CHANGE.
MARIA: IDAGDAG MO PA ANG MGA SULIRANIN SA
KARAGATAN NA TINATAWAG NA CORAL
BLEECHING, HETO YUNG NAMAMATAY ANG MGA
CORAL REEFS NA TAHANAN NG MGA ISDA. DAHIL
SA MAINIT NA PANAHON NALULUSAW YUNG MGA
ICE BERG SA ANTARTIC NA NAKAKABAHALA SA
ATING BANSA NA PWEDENG LUMUBOG ANG IBANG
ANNA: NAKAKATAKOT NAMAN PALA ANG
PWEDENG MANGYARI SA ATING BANSA PAG
NAGPATULOY PA ANG MGA ITO. DAPAT PALA
MAKIALAM DIN TAYO SA USAPING CLIMATE
CHANGE.
MARIA: OO MARE, SAKTO SA LINGGO MAY
PAGPUPULONG SA COVERED COURT NATIN
TUNGKOL SA USAPING CLIMATE CHANGE. KUNG
WALA KA RIN GAGAWIN SABAY NA TAYO
MAGPUNTA.
ANNA: SIGE MARE, KAHIT MAY GAGAWIN AKO
IPAGPAPALIBAN KO, SASAMA AKO SAYO PARA
MAGKAROON PA AKO NG MGA IDEYA TUNGKOL SA
CLIMATE CHANGE.
MARIA: MAGKITA NA LANG TAYO SA LINGGO. MAY
KASABIHAN NGA LAMANG ANG MAY ALAM.
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. IKAW BA AY SUMASANG-AYON SA USAPIN NI
ANNA AT MARIA? BAKIT?
2. ANO KAYA ANG EPEKTO O DULOT NG CLIMATE
CHANGE SA ATING BANSA?

You might also like