You are on page 1of 11

Mga Palatandaan ng

pag-unlad sa panahon
ng Pagdadalaga o
Pagbibinata sa Ibat
ibang aspeto
LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga


palatandaan ng pag-unlad sa
panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata sa iba`t ibang
aspeto
Mga Palatandaan ng
pag-unlad sa panahon
ng Pagdadalaga o
Pagbibinata sa Ibat
ibang aspeto
Pangkaisipan
1. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
2. Mas nakapagmememorya
3. Nagkapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
4. Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-
iisip
5. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
6. Nahihilig sa pagbabasa
7. Nangangailangang maramdamang may halaga sa mundo at may
pinaniniwalaan
8. Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang
Panlipunan
 Angtinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw
magpakita ng pagtingin o pagmamahal
 Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang
magulang nagiging rebelde
 Dumadalang ang pangangailangang makasama ang
pamilya
 Nagkakaroon ng maraming kaibigan at
nababawasan ang pagiging labis na malapit sa
iisang kaibigan sa katulad na kasarian
 Higitna nagpapakita ng interes sa katapat na
kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki
Pandamdamin
 Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid
 Madalas na mainitin ang ulo, kadalasang sa mga
nakatatanda o may awtoridad ipinapatungkol ang
mga ikinagagalit
 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,
marka sa klase at pangangatawan
 Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga
tinedyer
 Nagiging mapag-isa sa tahanan
 Madalas malalim ang iniisip
Moral
 Alam kung ano ang tama at mali
 Tinitimbang
ang mga pamimilian bago
gumawa ng pasya o desisyon
 Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa
kapwa
 Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng
kapwa
 Hindi magsisinungaling
Panuto: Tukuyin kung anong aspekto ang tinutukoy
ng mga sumusunod na mga palatandaan ng pag-
unlad sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata.
 1. Madalas nag-aalala sa kapakanan ng kapwa.
 2. Madalas malalim ang iniisip.
 3. Naniniwala sa magulang, naniniwalang makaluma ang magulang.
 4. Nahihilig sa pagbabasa.
 5. Hindi nagsisinungaling.
 6. Nagiging mapag-isa sa tahanan
 7. Madalas mairita sa mga kapatid
 8. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
 9. Mas nakapagmememorya
 10. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo.
MGA SAGOT
 1. Moral
 2. Pandamdamin
 3. Panlipunan
 4. Pangkaisipan
 5. Moral
 6. Pandamdamin
 7. Pandamdamin
 8. Pangkaisipan
 9. Pangkaisipan
 10. Pandamdamin

You might also like