You are on page 1of 8

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T-
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
ANG PANANALIKSIK
ANG PANANALIKSIK– Ang
pananaliksik o riserts ay ang isang
teorya nang sa gayon ay malutas ang
isang suliranin. Dito ay lubos na
kailangan ang pagtitiyaga at maingat
na paghahanap ng mga kinakailangang
datos upang matiyak na matatanggap
ang mga impormasyon o datos na
nalikom upang mapatotohanan ang
teoryang kasangkot sa pananaliksik.
KATANGIAN AT PANANAGUTAN NG
ISANG MANANALIKSIK:
1. Masipag at matiyaga. Kailangan ang walang
katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin sa
pananaliksik. Kailangan din ang tiyaga at lubos na
pasensiya, malawak na pang-unawa sa mga
nakakasalamuhang tao habang nangangalap ng datos
2. Maingat. Kinakailangang maingat niyang maisa-
isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan sa
kanyang ginawang sulating pananaliksik. Maingat
ding mabigyan ng angkop na pagkilala ang mga tao,
awtor, at iba pang pinagkukunan ng datos para
maisama sa inihandang sulatin.
3. Masistema. Maayos at may Sistema ang kanyang
mga hakbangin upang walang makalimutang mga
datos o detalye na kailangan sa kanyang isinusulat na
sulating pananaliksik. Sa ganitong katangian, maayos
niyang mapagsunod-sunod ang mga detalye mula sa
panimula hanggang sa pagtatalakay sa resulta ng pag-
aaral, kongklusyon, at rekomendasyon.
4. Mapanuri. Kailangang magkaroon siya ng
batayan upang mabigyan ng magkakaibang bigat ang
mga datos na nakalap niya. Kailangang suriing
Mabuti ang mga pangunahing datos at mga pantulong
na datos upang maihanay niya ito nang maayos at
naaayon sa pangangailangan ng kanyang sulating
pananaliksik.
ETIKA NG PANANALIKSIK
1. Paggalang sa Karapatan ng iba. Kung gagamitin
bilang respondent ang isang pangkat ng mga tao
anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan
ang kaukulang paggalang o respeto sa kanilang
Karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang
pagkakakilanlan kung wala silang pahintulot.
2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang
confidential. Kinakailangang tratuhin ang lahat ng
datos at detalye nakuha mula sa survey, interview o
anumang paraan na confidential. Nasa sariling
pamamaraan ng mananaliksik kung paano niya
ilalahad ang kabuoan ng mga detalyeng ito.
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag. Ang
anumang pahayag sa kabuoan ng sulating
pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa
pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring baguhin
ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan
ang pansariling interes o pangangailangan ng ilang
tao.
4. Pagiging obhetibo at walang kinikilingan. Ang
isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan.
Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng
kantang pananaliksik nang walang pagkiling sa sino
man. Dapat ay maging patas siya sa lahat.
Kinakailangang maibigay kung ano talaga ang
nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao,
institusyon, at iba pa na sangkot sa kanyang
ginawang sulating pananaliksik.
ADIOS HASTA LA
PROXIMA MI
AMADO
ESTUDIANTE!!

You might also like