You are on page 1of 18

IKAAPAT NA

BAHAGI
ARALING PANLIPUNAN
II. PANGKATANG PAGKATUTO (GROUP
INSTRUCTION)
 COOPERATIVE LEARNING - Pinapangkat ng mga mag-aaral sa
maliliit na grupo na magkakaiba ang kakayahan, etnisidad at kasarian.
 Kagandahan:
Natutuhan ng mga mag-aaral ang pagiging responsable sa sarili at
sa mga kapangkat.
Naghihikayat ng interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral.
Naghihikayat ng aktibong interaksyon ng mga mag-aaral na
makakapaglinang ng kanilang mga kasanayan, at pagtitiwala sa
pakikipagtrabaho sa ibang tao.

GAMPANIN NG GURO
 Tagalunsad ng aralin
 Tagapagpasya
 Tagapagmasid ng gawain
 Tagapagsuring-halaga ng mga gawain ng mga mag-aaral

Papel na gagampanan ng magaaral bilang kasapi ng pangkat


 Tagabuod – lalagom ng lahat ng ginawa ng pangkat na kinabibilangan
 Tagatsek – tagatingin kung tama o may mali sa mga gawain ng pangkat
 Tagapagsaliksik – may karanasan sa pagmamasid, magsulat ng mga namasid
na pangyayari, at kasanayan sa paggamit ng aklatan
 Tagapagtala – tagasulat ng lahat ng naganap sa pangkat
1. TEAMS ACCELERATED INSTRUCTION (TAI)

 Hahatiin ang klase sa maliliit na pangkat na binubuo ng 4


hanggang 6 na mga kasapi.
 Bibigyan sila ng kanya-kanyang kagamitan at mga tanong.
 Isusulat ng mga mag-aaral sa sagutang papel ang kanilang mga
sagot na ibibigay ng guro.
 Magpapalitan ng papel ang mga magkakapangkat at itsetsek
ang kanilang sagot.
 Ang score ng pangkat at batay sa kabuuang bilang ng yunit na
nabuo sa bawat linggo at ang kawastuhan ng mga sagot ay
batay sa kabuaang resulta sa mga sagutang papel.
2. LEARNING TOGETHER (LT)
 Pinapangkat ang mga mag-aaral na ibaiba ang antas ng
kakayahan.
 Ang bawat pangkat ay binibigyan ng gawain at bawat kasapi
ay inilalagay sa isang bahagi ng proyekto na angkop sa
kanyang interes at kakayahan.
 Tungkulin ng bawat pangkat na magtipon ng impormasyon at
mga kagamitan na kailangan sa kanilang gawain.
3. STUDENTS TEAMS-ACHIEVEMENT DIVISION
(STAD)

 Binubuo ito ng may 4 na kasapi.


 Ilalahad ng guro ang aralin at pagkatapos mapagaaralan ang aralin
sa kanya-kanyang pangkat.
 Bibigyan ang bawat mag-aaral ng maikling pagsusulit. Ang score
ng mag-aaral ay batay sa kanilang nagawa.
 Ang kabuuang score ng bawat mag-aaral ang magiging score ng
pangkat.
 Tatanggap ng sertipiko o ibang gantimpala ang pangkat na
makakatugon sa criteria na ibinigay ng guro.
4. JIGSAW
 Binubuo ng anim na miyembro na bibigyan ng academic
material o paksa ng guro. Ang bawat academic material ay
hahatiin sa 6 na seksyon at ang bawat myembro ng pangkat ay
magtatrabaho sa isang seksyon. Ang mga myembro ng ibat-
ibang pangkat na itinalaga sa magkakatulad na seksyon ay
magsasama-sama. Ito ang tinatawag na expert group.
Tatalakaying mabuti ng bawat expert group ang kanilang
seksyon. Pagkatapos, babalik ang miyembro ng expert group sa
orihinal nilang pangkat at tatalakayin ang buong academic
material na ibinigay sa pangkat.
5. Mock Meeting

 Magkaaroon ng kunwaring pagpupulong tulad ng


pagpupulong ng konseho ng lungsod o
pagpupulong ng mga organisasyong pambansa,
panrehiyon o pandaigdig.
6. Brainstorming
 Layunin nito na tulungan ang mga mag-aaral na
makakagawa ng orihinal na solusyon sa mga suliranin.
Hinihikayat nito ang mga mag-aaral na magbigay ng
maraming sagot sa suliraning binibigyang-tuon.
TUNTUNIN NA DAPAT SUNDIN SA
BRAINSTORMING

 1. Pagbibigay ng isang suliranin ng mga mag-aaral na kanilang bibigyang-tuon.


 2. Mabilis na pagbibigay ng mag-aaral ng mga ideya. Kailangang gawin ito ng
mabilis, tulad ng isang bagyo o storm of the brain.
 3. Huwag magbigay ng mga puna maging ito ay positibo o negatibo man sa mga
binibigay na mga ideya. Lahat ng ideya ay tatanggapin.
 4. Itala ang lahat ng mga ideya.
 5. Isulat ang lahat ng mga ideyang ibinigay.
 6. Itigil na ang pagbibigay ng mga ideya kapag humina na ang pagbibigay nito.
 7. Magkaroon ng pangkalahatang talakayan ng mga ideya.
7. THINK-PAIR-SHARE

 Pinapangkat sa dalawahan ang mga mag-aaral.


 Binibigyan sila ng isang tanong o suliranin.
 May ilang sandali silang mag-iisip tungkol sa tanong o suliranin.
 Sa hudyat ng guro, ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga
sagot sa kani-kanilang pangkat.
 Pagkaraan ng kanilang talakayan sa pangkat, ibabahagi ng bawat
pangkat ang kanilang mga sagot sa klase.
 Sa ganitong stratehiya, mauunawaan ng mga mag-aaral ang
kahalagahan ng pagsasama-sama ng kanilang mga ideya at
pagkakasundo.
8. INSIDE - OUTSIDE

 Pangkatin ang klase sa dalawa o tatlo.


 Gumawa ng bilog sa gitna ng klase. May isang pangkat na nasa loob at isang
pangkat sa loob ng klase.
 Tungkulin ng bawat kasapi ng pangkat na nasa labas na pagmasdan ang mga
kasapi na nasa loob. Ang pangkat na nasa loob ay ang magtatalakay ng
paksa.
 Pagkatapos gampanan ng bawat pangkat ang kanilang tungkulin,
magpapalita ng tungkulin ang bawat pangkat.
 Higit na nagiging produktibo ang mga mag-aral na nabibigyan ng pagkakataon
na lumahok sa ganitong gawain at napapalakas ang kanilang kasanayan sa
pangkatang gawain.
9. CLASSROOM DEBATE

 Binubuo ito ng dalawang pangkat na kumakatawan sa


magkabilang panig ng iisang isyu. Ang isang pangkat
ay sa panig na sang-ayon (pro) at ang isa pang pangkat
ay sa panig na (salungat). Isang mag-aaral ang
magsisilbing kritiko.
 Ang paksa ng debate ay isang isyung maaring
pagtalunan. Isa itong panukala na nangangailangan ng
pagsagot
10. JOINT STORYTELLING

 Kailangan dito na nabasa na ng mag-aaral ang aralin.


 Magpangkatang dalawan ang mga mag-aaral. Ang isa
ay ang Partner A at ang isa ay ang Partner B.
 Magtulungan ang dalawang pangkat sa pagkuwento
ng aralin.
 Sundan ito ng tanungan, sagutan at talakayan tungkol
sa kanilang kuwento.
11. UNFINISHED STORY O REACTION STORY

 Ginagamit ito bilang pampasigla sa pagganap sa isang sitwasyon.


 Ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin kung sakaling
kasangkot sila sa isang pangyayari.
 Ikukuwento ng isa o dalawang mag-aaral ang tungkol sa isang
suliranin.
 Pagkatapos mapakinggan ang kuwento, isasadula ng mga mag-aaral
ang solusyon.
 Susundan ito ng pagkuha ng reaksyon/ebalwasyon ng mga mag-aral
sa isinadula.
12. PAGLALAKBAY-ISIP O IMAGINARY TRAVELOGUE

 Isa itong likhang-isip o imahinasyon ng isang turista.


 Isasalaysay ng turista o ng tour guide ang mahahalaga at
makasaysayang pook o kunwang nakikita o pinapasyalan.
 Susundan ito ng malayang talakayan at mga puna ng mga
mag-aaral kung wasto o ayos ang pagsasalaysay
13. PAG-AARAL NG KASO
 Pagsusuri ito sa suliranin, pasya o aksyon.
 Mga Paraan:
1. Mga aklat na nagpapaliwanag ng kadahilanan
2. Dokumento na nagpapakita ng pinagmulan ng isang lugar, bagay o
institusyon
3. Mga kuwento na maaring totoo o hindi
4. Datos mula sa pananaliksik na ginamit na patunay
5. Vignettes na nagpapakita ng isang karanasan
6. Interpretative essay na ginagamit upang makabuo ng konklusyon
tungkol sa usapin.

You might also like