You are on page 1of 5

Mga Palagay Ukol sa Kolaboratib na Pagtuturo

Ayon sa Hiemstra (1991), kapag ang mga mag-aaral ay may maibabahaging mayaman at
iba't ibang karanasan at pananaw, humahantong ito sa higit na pagkaunawa kaysa sa kung
ito ay nagmula at prinoseso lamang batay sa karanasan at pananaw ng indibidwal na mag-
aaral. Dahil naman sa paniniwala na ang pagkatuto ng wika ay nagaganap bilang resulta ng
maraming oportunidad para sa makahulugang pakikipag interaksyon sa ibang tao sa target
na wika, iminumungkahi ni Las Calaveras (2000) na ang mga guro sa kasalukuyan ay
kailangang lumayo o magbago na mula sa nakagawiang pagtuturong nakasentro sa guro o
teacher-centered lesson, sa halip ay gumamit ng mga gawaing nakapokus sa mga mag-aaral
bilang aktibong partisipant sa proseso ng pagkatuto.

Ilang Paraan sa Kolaboratib na Pagtuturo

Nagdebelop si Slavin (1983), ng dalawang popular na pamamaraan sa pagkatutong


kooperatib;
1. Student Team Achievement Divisions (STAD)

2. Team-Assisted Instructions (TAI).

Ang Student Team Achievement Division (STAD)

Sa STAD, bumubuo ng mga team na may apat o limang myembro na binabalanse ayon sa
kakayahan, kasarian o etnisidad ng mag-aaral.

Kinapapalooban ang STAD ng mga sumusunod nа hakbang o proseso:


1. Inilalahad ng guro ang aralin sa buong klase sa isa o
dalawang period.

2. Sisimulan ang team pagkatapos ng isa o dalawang peryod.

3. Nagbibigay rin ang guro ng pagsasanay.


4. Binibigyan ng rekognisyon ang mga team na nakakuha ng mataas na iskor o nag-iimprub
ang iskor.

5. Binabago ang mga team pagkatapos ng apat o limang linggo magkaroon ng oportunidad
ang mga mag-aaral na makasama ang mag-aaral at upang bigyan ang grupo na mababa ang
nakuhang panibagong pagkakataon.

Mungkahing Patnubay sa Pagtuturong Kolaboratib

• Isaayos o organisahin ang klasrum ayon sa layon ng


gawaing kooperatib.

• Ilahad ang layunin bilang mga layunin ng grupo.

• Ibigay ng malinaw ang mga panuto at mga inaasahan sa mga mag-aaral.

• Hikayatin ang pagkakaroon ng paghahati-hati o dibisyon ng tungkulin gaya ng


pasiliteytor, tagatala, tagaulat, tagapaglagom, tagapag-monitor.

Ang Team-Assisted Instruction (TAI)

Hanggat hindi nakakaiskor ang isang kasapi ng 80 persent o higit pa, hindi siya papayagan
ng kanyang team na kumuha ng final na pagsusulit. Gaya sa STAD, binibigyan diin ang mga
mahuhusay na team o team na nag- imprub ang iskor ng pagpapahalaga. Ngunit bukod dito,
bibigyan ng leybel na “super team” ang pinakamahusay, "great o mahusay na team" ang
modereyt ang perpormans at "good o mabuting team” ang nakakuha ng minimum passing
grade. Sa bawat araw, naglalaan ang guro ng 5 hanggang 15 minuto sa mga team na
nangangailangan ng tulong habang patuloy na gumagawa ang iba pang mga team.

Isa pang pamamaraan sa kolaboratib na pagtuturo ang jigsaw. Sa pamamaraang ito,


pinapangkat din ang mga mag-aaral sa maliit na grupo. Ang bawat kasapi ng pangkat ay
binibigyan ng tiyak o espisipikong akademikong gawain, proyekto o asaynment.
Nakadepende at umaasa ang bawat kasapi ng grupo sa resorses o impormasyong
maibabahagi ng bawat isa.

Adaptasyon ng Pamamaraang Jigsaw

1. Pangkatin ang mag-aaral sa mga grupo na may apat o limang kasapi. Maaaring sundin
ang paraan sa STAD sa pagbabalanse ng kakayahan ng mag-aaral.

2. Hatiin ang teksto sa apat o limang bahagi depende sa itatalagang bilang ng mga kasapi sa
bawat pangkat.

3. Magbigay ng mga gawain bago bumasa na gigising sa dating kaalaman ng mag-aaral na


may kinalaman sa konsepto o palesa ng tekstong babasahin

4. Maaaring gumamit ng anticipation guides upang makapaghinuha ang mag-aaral ng mga


paksang nilalaman ng teksto.

5. Maaari ring gumamit ng advance organizer na ipinakikita ang mga paksa awtor sa teksto.

6. Maaaring bigyan ang grupo ng mga gabay na tanong o hikayatin at gabayan sila ng mga
tanong ng sinasagot o tinatalakay ng awtor sa teksto.

7. Paalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng mga estratehiyang paghahaylayt o


pagsasalungguhit, paggamit ng talang mardyinal habang bumabasa at iba pa.

8. Pagkatapos bumasa, balikan ang ginamit na anticipation guides. Ipaturo sa bawat isang
kasapi ang lokasyon o kinaroroonan ng impormasyon o ideyang tinutukoy sa anticipation
guide.

9. Ipalahad sa klase ang kabuuan ng materyal na binasa o


natutunan ng bawat pangkat.
Batayang Tuntunin sa Pakikilahok sa Pangkat

Nagbigay sina Johnson at Johnson (1968) ng ilang patnubay na magagamit ng mga mag-
aaral upang makinabang sa mga gawain ng kanilang pangkat. Ito ay ang sumusunod:

-Kritikal ako sa mga ideya, hindi sa taong nagbigay nito.


- Ipinopokus ko ang aking sarili sa pagbuo ng pinakamabuting desisyon, hindi upang
manalo ako.
- Hinihikayat ko ang partisipasyon at pag-unawa ng aking mga kasama sa mahahalagang
impormasyon.

- Nakikinig ako sa ideya ng bawat isa, kahit na hindi ako sang-ayon.

- Sinisikap kong maipahayag o makita ang parehong panig ng isyu at tinitimbang-timbang


ang mga ito;
- Binabago ko ang aking isip o pasya kapag ipinakikita ng mga patunay na mali ako.

You might also like