You are on page 1of 28

ANG

LABANAN
SA PAGITAN
NI HESUS AT
SATANAS
Verse 7. Nagdigmaan sa langit.
Nakipagdigma si Miguel at ang
kaniyang mga anghel laban sa
dragon. Lumaban sa kanila ang
dragon at ang mga anghel niya.

Verse 8. Ngunit hindi sila nagta­


gumpay, ni wala nang lugar sa langit
para sa kanila.
Pahayag 12 : 7, 8
Alam mo ba na NILIKHHA NG DIYOS ANG
MUNDO NG MAY PAG-IBIG

• Binigyan nya ang mga anghel at mga


tao ng kalayaan pumili.
• May kakayahan pumili ang tao na
magmahal ng kapwa at mahalin ang
Diyos.
• May kakayahan pumili ang tao na
maging masama at magalit sa Diyos.
Napakabuti ng Diyos diba? Mahal
niya tayong lahat kaya naman hindi
Niya tayo pinipilit na gawin ang isang
bagay…binigyan nya. tayo ng kalayaan
Si LUCIFER, ang
pinaka
magandang
anghel sa langit
ang unang
pumili na hindi
ibigin ang
Diyos!
Basahin natin ang nasa
Exekiel 28:13-17
EXEKIEL 28 : 13 - 17
• V 13. Nasa Eden ka pa noon, sa halamanan ng Dios. Napapalamutian
ka ng sari-saring mamahaling bato gaya ng rubi, topaz, esmeralda,
krisolito, onix, jasper, safiro, turkois at beril. Napapalamutian ka rin
ng ginto na inihanda para sa iyo noong araw ng kapanganakan mo.
• V 14. Hinirang kita bilang kerubin na magbabantay sa banal kong
bundok. Lumalakad ka sa gitna ng nagniningning[a] na bato.
• V 15. Walang maipipintas sa pamumuhay mo mula pa nang isinilang
ka hanggang sa maisipan mong gumawa ng masama.
• V 16. Ang pag-unlad mo sa pangangalakal ang naging dahilan ng
pagmamalupit mo at pagkakasala. Kaya pinalayas kita sa aking banal
na bundok; pinaalis kita mula sa nagniningning na mga bato.
• V 17. Naging mayabang ka dahil sa kagandahan mo, at ang
karunungan moʼy ginamit mo sa paggawa ng masama para maging
sikat ka. Ito ang dahilan kung bakit ibinagsak kita sa lupa sa harap ng
mga hari, upang magsilbing babala sa kanila.
Gustong-gusto ni Lucifer ang
pagiging importante at utusan
ang iba kung anong gagawin.
Pero ayaw naman niya na
napagsasabihan sya ng kung
anong dapat gawin. Kahit ang
Diyos pa ang nagsabi nito.
Kinausap ng Diyos si Lucifer at
sinabi sa kanya na mahal sya nito.
Sinabi din sa kanya na malaya
syang pumili, pero kung pipiliin
nya ang magalit imbis na
magmahal, siya ay mamatay.
Pero hindi sya nakinig at maraming
anghel ang piniling sumama sa
kanya. Nilabag nila ang Batas ng
Pag-ibig ng Diyos. Kaya naman hindi
na sila maari pang manirahan sa
Langit.
Ating basahin ang nasa Pahayag 12:7
Nagdigmaan sa langit.
Nakipagdigma si Miguel at
ang kaniyang mga anghel
laban sa dragon. Lumaban
sa kanila ang dragon at ang
mga anghel niya.
Ano nga ba ang ibig
sabihin nito?

Ibig sabihin ay…


• Sinabi ng bibliya na
nagkaroon ng digmaan sa
langit.
• Itinapon ng Diyos si Lucifer
at kanyang mga anghel.
• Mula noon si Lucifer ay
naging si Satanas!
Mula noon ay gumagawa na si
Satanas ng paraan upang
matukso ang mga tao at
magkasala sa Diyos. Isang
halimbawa na dito ay ang
pagtukso niya kay Eva sa
halamanan ng Eden!
“Pero sinabi ng ahas,
“Hindi totoong
mamamatay kayo!”
-Genesis 3 : 4

TINUKSO NG AHAS SI
ADAN AT EVA
• Pinanood ni Satanas kung paano
nilikha ni Hesus si Adan. Narinig
niya ng sinabi ni Hesus na,
“Makakain ninyo ang kahit
anong bunga ng puno sa
halamanan maliban sa isa. At
kapag kinain nyo ito, kayo ay
mamamatay.”
Pero ang prutas ay hindi lason. Ito
ay isang pagsubok lamang.

Susunod kaya si Adan at Eva sa


Diyos o makikinig sila kay
Satanas?
Kaya naman sinabi ni Satanas sa
Diyos, “ Kita mo na, walang
makakasunod sa utos mo. Ang
pagpipilian mo na lang ay patayin
sila o kaya naman ay hahayaan mo
na lang silang gawin lahat ng
gusto nila-kahit na gumawa ng
kasalanan habang buhay!
Pero hindi nagpatalo ang Diyos
dahil mahal Niya ang mga tao,
kaya naman gumawa ng plano ang
Ama at si Hesus.
Ang kanilang plano ay…

• Si Hesus ay bababa sa lupa bilang isang


sanggol na tao at lalaki na tulad ng iba..
• Tuturuan Niya ang lahat na pwedeng
magtiwala sa Diyos, at magiging masaya ila
kung susundin ang kanyang mga kautusan ng
Napakagandang plano hindi ba?
Si Hesus ay namatay upang …
• Kung sino man maniwala at magtiwala kay Hesus ay
magkakaroon ng walang hanggang bujay tulad ng
plano ng Ama.
• Sa pamamagitan ng pagkakatawang tao napatuayan
ni Hesus na kayang sundin ng mga tao ang kautusan
ng Diyos.
• Pinatunayan ni Hesus na ang Diyos ay patas at tama.
• Sa pagkamatay para sa mga tao, ipinakita Niya na
mahal tayo ng Diyos.
• Nang pinili ni Lucifer na h’wag ng sundin
ang Diyos, siya at kanyang mga anghel ay
itinapon mula sa langit.
• Bilang si Satanas, tinukso niya si Adan at
Eva na magkasala.
• Pero lumaban si Hesus sa pamamagitan ng
pagiging tao, namuhay ng perpekto at
namatay bilang kabayaran sa ating mga
kasalanan.
SUMM
ARY
• Ngayon ay nalaman na natin ang
napakagandang plano ng Diyos
para sa ating lahat.
• Lumaban si Hesus para sa ating
lahat!
• Kaya dapat ay lumaban din tayo
laban sa kasamaan at tukso ni
Satanas.
Mahal na mahal tayo ng Diyos,
kaya pipiliin ko Sya palagi.
Inaanyayahan ka rin Niya na
sundin at mahalin Siya!
Ikaw ba, pipiliin mo rin ba si
Hesus? Tara na, sabihin natin I
Will Go and follow God’s Law of
Love”

You might also like