You are on page 1of 9

Ang mga Haligi ng Disente at

Marangal na Paggawa
Ano ang Disenteng Paggawa?
Ang disenteng paggawa ay tumutukoy sa hanapbuhay na may respeto sa mga karapatan
ng isang tao at sa kanyang karapatan bilang isang manggagawa na magkaroon ng ligtas
at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho na kung saan hindi naaabuso ang isang
manggagawa, pisikal man o mental.
Ayon sa International Labour Organization, ang disenteng paggawa ay natutupad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga opurtunidad na makapagtrabaho na may patas na
sweldo, seguridad ng kabuhayan, pagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng personal
at propesyonal na pag-unlad, kalayaan na makapagsabi ng hinanaing, bumuo at makisali sa
mga desisyon na maaaring makaapekto sa kanilang kabuhayan, at ang patas na pagtrato sa
mga babae at lalaki sa lugar ng trabaho.
? ? ?
Ano nga ba ang mga haligi para sa isang disente at
maranggal na paggawa? Ito ay ang Employment Pillar,
Worker’s Rights Pillar, Social Protection Pillar, at ang
Social Dialogue Pillar ngunit ano nga ba ang magagawa
nito sa ating bansa at sa ating mga manggagawang
Pilipino?
Haligi ng Empleyo o
Employment Pillar
• Nais ng haligi na ito na tiyakin ang paglikha ng
mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na
oportunidad sa paggawa, at maayos na
workplace para sa mga manggawa.
Haligi ng Karapatan ng Manggagawa
o Workers Right Pillar
• Ang ilan lamang sa mga karapatan ng manggagawa ay ang
pagkakaroon ng minimum wage, day-offs, walong oras na trabaho kada
araw, patas na sahod na tutupad sa pangangailangan ng manggagawa at
ng kanyang pamiya.
• Naglalayon ang haligi na ito na palakasin at siguruhin ang paglikha ng
mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga
karapatan ng mga manggagawa.
Haligi ng Panlipunanang Kaligtasan
o Social Protection Pillar
• Ang lahat ng mga manggagawa ay dapat na may ligtas at wastong kondisyon sa
pagtatrabaho, may sapat na oras ng pahinga, at nakakatanggap ng mga benipisyo
tulad ng healthcare, pension, parental leave(maternal at paternal leave) atbp.

• Nais ng haligi na ito na hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at


mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa
proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at
oportunidad.
Haligi ng Kasunduang Panlipunan o
Social Dialogue Pillar
• Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining unit.
• Ang mga manggagawa ay dapat may karapatan na maiparating ang kanilang
mga hinaing at mga mungkahi sa isang demokratikong paraan sa
pamamagitan ng kanilang mga union at mga collective bargaining units. Ito
ay nagiging daan sa isang bukas na komunikasyon kaugnay sa mga
kondisyon sa lugar ng trabaho at pati na din sa mga pambansa at pang-
internasyonal na mga patakaran sa paggawa.
KONKLUSYON
Masasabi na mahalaga Ang Apat na Haligi dahil sa madami itong
magagandang maidudulot sa ating bansa at lalo sa ating mga
manggagawaang Pilipino. Dahil dito, maraming manggagawang
Pilipino ang nabibigyan ng sustenableng trabaho,
napapahalagaan ang mga Karapatan , naproproteksyonan sa mga
mapangaabuso na kompanya at naibabahagi nila ang kanilang
mungkahi, emosyon at isyu sa pamahalaan, sangay ng gobyerno
o kumpanya.
Thank you for
listening!

You might also like