You are on page 1of 6

KABANATA 6: PANITIKAN HINGGIL SA URING MANGGAGAWA

PAGGAWA (labor)
 Isa sa mahalagang salik ng produksiyon
 Napapakinabangan ang ibang salik ng produksiyon sa tulong ng paggawa
 Ang mga gawaing pang-ekonomiya ay naisasakatuparan dahil sa lubos na paggamit ng mga
mangagawa ng kanilang lakas at kakayahan upang makalikha ng mga produkto at serbisyo
 Ito ay paggamit ng lakas, talino at kakayahan ng tao upang makatulong sa produksyon

MANGGAGAWA (laborer)
 Buhay at sandigan ng industriya

KAHALAGAHAN NG PAGGAWA
1. Lumikha ng produkto na kailangan ng bansa
2. Pinoproseso ang mga hilaw na material ng agrikultura
3. Nagpapaandar at gumagamit ng makinarya at ibang teknolohiya
4. Lumilinang ng likas na yaman
5. Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan
6. Konsyumer ng mga produkto

MGA URI NG PAGGAWA


Kapag sinabing paggawa, ito ay laging kaugnay ng manggagawa. Ang uri ng paggawa ay naaayon sa uri
ng manggagawa. May dalawang klasipikasyon ng manggagawa, ang Manggagawang Pisikal at
Manggagawang Mental
1. MANGGAGAWANG PISIKAL
 Inuuri bilang unskilled, semi-skilled at skilled
 Ito ang tinatawag na blue collar job na tumutukoy sa gawain ng mga manggagawang mas higit na
ginagamit ng kanilang lakas pisikal at inerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo
 BLUE COLLAR JOB – welders, drivers, plumbers, janitors at iba pa
2. MANGGAGAWANG MENTAL
 Ang gawain ng manggagawa na mas ginagamit ang mental na kapasidad at kaisipan ay nabibilang
sa white collar job
 WHITE COLLAR JOB – superbisor, manedyer, doctor, nars, guro at iba pang propesyonal
TEORYA UKOL SA SAHOD
1. MARGINAL PRODUCTIVITY THEORY
 Ang teorya ay nagpapaliwanag na ang sahod ng mga manggagawa ay katumbas ng halaga
ng kanyang kontribusyon sa paggawa
2. WAGE FUND THEORY
 Isinasaad ng teoryang ito na dapat may nakalaan na pondo para sa pagpapasahod ng mga
manggagawa mula sa puhunan na ginagamit ng prodyuser
3. SUBSISTENCE THEORY
 Ito ang sahod na dapat ay naaayon sa antas ng pangangailangan ng manggagawa

MGA KATAWAGAN
1. SAHOD
 Kabayaran sa manggagawa ayon sa oras ng pagtatrabaho, piraso o pakyawang produkto,
kontrata, arawan o lingguhan na sinusuri sa pamamagitan ng paggamit ng wage rate
2. SWELDO
 Ibinabayad sa manggagawa sa bawat buwan

ALITAN SA PAGGAWA
MGA PARAAN NG PAGGAWA MGA PARAAN NG PANGASIWAAN
Boykot Blacklist
Piket Yellow Dog Contact
Welga Pagtanggap ng Scab
Sabotahe Espia
Closed Shop Open Shop
Lockout
Injunction

BOYKOT
 Ang mga konsyumer ay pinakikiusapan ng mga manggagawa na huwag bilhin ang mga
produkto ng kanilang kompanya.
PIKET
 Isang paraan ng paghihikayat sa mga ibang manggagawa na lumahok sa welga at sa mga
konsyumer para huwag tangkilikin ang naturang kumpanya
WELGA
 Maraming anyo tulad ng sitdown strike, hunger strike, general strike, at sympathy stike.
Isinasagawa ito sa iba’t-ibang paraan ngunit may iisang hangarin na nais matamo, ang
maiparating sa kinauukulan ang kanilang mga daing.
SABOTAHE
 Isang lihim na paraan na ginagawa ng mga manggagawa na nakaaapelto sa produksiyon at
kompanya
CLOSED SHOP
 Isang paraan ito ng mga manggagawa para gawing pabor sa unyon ang pinangasiwaan
BLACKLIST
 Ito ang listahan ng mga manggagawa na lumahok sa welga
YELLOW DOG CONTRACT
 Ito ay isang kontrata na pinapirmahan sa mga manggagawa bago tanggapin sa trabaho
PAGTANGGAP NG SCAB
 Kapag nagsisimula ng magpiket ang mga welgista, ang kumpanya ay tumatanggap ng mga
manggagawang hindi kasapi ng unyon
ESPIYA
 Ito ang mga tao na nagmamanman sa kilos at galaw ng mga manggagawang kasapi ng
unyon
OPEN SHOP
 Pagtanggap ng mga manggagawa na hindi kasapi ng unyon upang hindi maantala ang
prudoksiyon kahit na magsagawa ng welga ang mga kasapi ng unyon
LOCKOUT
 Kapag ang welga ay nagaganap na, ang pangasiwaan ay isinasara ang kompanya upang
puwersahin ang mga manggagawa na itigil na ang pagwewelga
INJUNCTION
 Ito ay utos mula sa hukuman na nagsasabing ang isinasagawang welga ay labag sa batas

PAGSASAAYOS NG ALITAN
 Collective bargaining – sama-samang pakikipagkasundo ng mga manggagawa na
kinatawan ng unyon sa pangasiwaan upang ayusin ang suliranin
 Mga Uri: Conciliation, Meditation, Arbitration

KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG SEKTOR


 Ang distribusyon ng paggawa sa bawat sektor na kung saan ay nagpapakita na papaliit ang
industriyal at agrikultural na kumakatawan sa produktibong sektor habang papalaki ang nasa sektor
ng serbisyo. Sa pangkalahatan, mas mura ang mga dayuhang produkto na makikita sa mga lokal
na pamilihan kumpara sa mga lokal na produkto ng bansa dahil sa mas mura at mababa ang cost
ng produksiyon sa mga pinanggalingang bansa ng mga naturang dayuhang produkto.
A. SEKTOR NG AGRIKULTURA
 Kakulangan para sa patubig
 Suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may mga mananalasang
sakuna sa bansa tulad ng bagyo, lindol, tagtuyot at iba pa
 Pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba
pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika’t pagawaan
 Bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs
 Paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa mula dekada 80’s
 Pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan
B. SEKTOR NG INDUSTRIYA
 Imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa
 Pagbubukas ng mga pamilihan ng bansa
 Import liberalizations
 Tax incentives sa mga TNCs
 Deregularisasyon sa mga polisiya ng estado
 Pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo
 Industriya na naaapektuhan ng globalisasyon – konstruksiyon, telekomunikasyon,
beverages, mining, enerhiya
C. SEKTOR SA SERBISYO
 Patakarang liberalisasyon
 Mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino
 Malayang patakaran ng mga mamumuhunan
 Tax incentives
 Samu’t saring suliranin tulad ng over-worked
 Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga manggagawa sa BPO
 Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterprises (SMEs)

MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MANGGAGAWA


 Batas ng Pangulo Blg. 442 – Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa
 Commonwealth Act Blg 444 – Ang unang batas ukol saw along oras ng paggawa
 Batas Republika Blg. 1933 – Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga
manggagawa
 Bats Republika Blg. 679 – Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave ang
manggagawang babae ng dalawang buwan
 Batas Republika Blg. 8187 – Batas na nagbibigay ng isang linggong pahinga ng mga ama ng
tahanan kapag nanganak ang asawa nito
 Batas Republika Blg. 1052 – Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga
manggagawa
 Batas Republika Blg. 1131 – Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang
18 taong gulang
 Batas Republika Blg. 772 – batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na
napinsala sa oras ng trabaho
MGA UNYON NG MGA MANGGAGAWA
 Isang samahan na nagbibigay proteksiyon sa mga manggagawa
 Ito ang nakikipaglaban para sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawa

URI NG UNYON
1. Labor Union
2. Craft/trade Union
3. Industrial Union
4. Company Union

MGA LAYUNIN
1. Humingi ng makatarungang sahod at ibang benepisyo
2. Pagkalooban ng suporta ang mga kasama
3. Tamang oras ng paggawa at malinis na pasilidad

APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DISENTE AT MARANGAL NA PAGGAWA (DOLE, 2016)

Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na


Employment Pillar
oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa manggagawa

Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at


Worker’s Rights Pillar
matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa

Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo
Social Protection Pillar para sa proteksiyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod at opurtinidad

Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaanm mga manggagawa, at


Social Dialogue Pillar kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit

MGA ISYU SA PAGGAWA


Paksa:Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng
globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iaba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na
pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon
kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon,
mga isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang lumala
lalo na sa mga usapin sa paggawa.
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-mismatch
bunga ng mga job-skills mismatch, iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at
flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng
mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang
kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa
bansa na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na kung saan
nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization (WTO) ng
mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa. Nalalagak ang
mga multi-national company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na kung saan ang mga
kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa mga naging kasunduan ng bansa sa
mga kompanyang ito.

Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa aya ang mga sumusunod:


 Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard
 Mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makikilala sa pandaigdigang pamilihan
 Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t
ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa
 Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga
namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na
serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

*Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makakarating sa
mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kaalinsabay nito an gang iba’t ibang suliranin, unsod ng
globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa
mga dayuhan ka

You might also like