Professional Documents
Culture Documents
Iba't Ibang Estratehiya Sa Pangangalap NG Datos
Iba't Ibang Estratehiya Sa Pangangalap NG Datos
Hapon!
SLIDESMANIA
Iba’t ibang estratehiya ng Pangangalap
ng Datos o Impormasyon
● Sarbey o Survey- Ang layunin ng sarbey ay upang
makakuha ng mga impormasyon, partikular na ang
bilang o dami ng mga tao sa isang partikular na
kondisyon o opinyon. Kung gusto pang palawakin
ng mananaliksik ang kasagutan sa kaniyang survey
questionnaire ay maaari niya itong samahan ng
panayam o obserbasyon. Sa tulong nito mas
mapabibilis ang pagtugon ng mga kinakailangang
impormasyon.
SLIDESMANIA
SLIDESMANIA
A. Maraming
Pagpipilian o
Multiple Choice
SLIDESMANIA.C
B. Pagkilala sa
mga Sinasang-
ayunan
SLIDESMANIA.C
C. Eskalang
Likert o Likert
Scale
SLIDESMANIA.C
Iba’t ibang estratehiya ng Pangangalap
ng Datos o Impormasyon
● Panayam o Interview- Ito ay isang
pamamaraan sa pangangalap ng
impormasyon sa pamamagitan ng
pagtatanong nang harapan o birtuwal. Sa
paggawa ng isang panayam kailangang
planuhin din ang hanay ng mga tanong.
SLIDESMANIA
Sa pagbuo ng mga tanong at paghahanda sa
panayam, maaaring kumonsulta sa mga libro
o sa internet subalit mas mainam ang
impormasyon na nanggagaling mismo sa
isang mapagkakatiwalaang batis. Ang mga
táong kasangkot sa isang paksa/sitwasyon na
may kaugnayan sa nais mong saliksikin ay
tinatawag na pangunahing batis ng
impormasyon.
SLIDESMANIA
Mga dapat tandaan sa pakikipanayam upang maisakatuparan ang
pananaliksik sa pagbuo ng dokyumentaryo, balita, at opinyon:
a. Paghahanda para sa Panayam
Magpaalam sa taong gustong makapanayam.
Kilalanin ang taong kakapanayamin.
b. Habang Nakikipanayam
Maging magalang.
Magpakita ng pakikitungo sa kapanayam.
Itanong ang lahat na ibig malalaman kaugnay sa paksa.
Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
c. Pagkatapos ng Panayam
Magpasalamat nang maayos.
Iulat nang maayos at matapat ang nakuhang impormasyon sa
SLIDESMANIA
panayam.
● Pagbasa at Pananaliksik- mabisa itong
gunagamit sa pagpapalawak ng isang
paksang isusulat at pangangalap ng mga
kaugnay na karagdagang kaalaman.
Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagkonsulta sa mga libro at iba pang
materyales na karaniwang matatagpuan
sa mga aklatan o Internet.
SLIDESMANIA
● Obserbasyon- Ito ay isang paraan ng
pangangalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagmamasid sa
mga bagay-bagay, tao, o pangkat,
at pangyayari. Inaalam dito ang mga
gawi, katangian, at iba pang datos
kaugnay ng inoobserbahang paksa.
SLIDESMANIA
● Pagtatanong o Questioning- Sinasagot sa
pamamagitan ng paglalatag ng mga
tanong ang isang tiyak na paksang
gusting isulat. Kadalasang ginagamit sa
prosesong ito ang pagtatanong na
kinapalooban ng 5Ws at 1H(What, When,
Where, Who, Why, at How). Makatutulong
ito upang maidetalye ang paksang gusting
palawakin sa pagsulat
SLIDESMANIA
● Pagsulat ng Journal- Ang
journal ay isang talaan ng
mga pansariling gawain,
mga repelsiyon, mga naiisip
o nadarama, at kung ano-
ano pa.
SLIDESMANIA
● Brainstorming- Mabisa itong
magagamit sa pangangalap ng
opinion at katwiran ng ibang tao.
Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng malayang
pakikipagtalakayan sa isang
maliit na pangkat hinggil sa isang
paksa.
SLIDESMANIA
● Sounding-out Friends- ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng
isa-isang paglapit sa mga
kasambahay, kaibigan ,
kapitbahay, o o kasama sa
trabaho upang magsagawa ng
pakikipagtalakayan sa kanila
hinggil sa isang paksa.
SLIDESMANIA
● Imersiyon- Ito ay isang sadyang
paglalagay sa sarili sa isang karanasan o
gawain upang makasulat hinggil sa
karanasan o gawaing kinapalooban.Sa
halip na simpleng pagmamasid, ang
manunulat ay nakikisalamuha sa isang
grupo ng mga tao sa pamamagitan ng
pakikisangkot sa kanilang Gawain bilang
paghahanda sa pagsulat ng isang akda o
ulat hinggil sa kanila.
SLIDESMANIA
● Pag-eeksperimento- Sa paraang
ito, sinusubukan ang isang
bagay bago sumulat ng akda
tungkol dito sa pamamagitan ng
isang esksperimento. Madalas
itong ginagamit sa pagsulat ng
mga sulating siyentipiko.
SLIDESMANIA
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na
Komunikasyon
1. Lalawiganin 2. Balbal
3. Kolokyal 4. Banyaga
SLIDESMANIA
1. Lalawiganin ( Provincialism)