You are on page 1of 13

PICTORIAL ESSAY

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


“A PICTURE IS WORTH A THOUSAND
WORDS”

 Ito ay isang kamangha-manghang


anyo ng sining na nagpapahayag ng
kahulugan sa pamamagitan ng
paghahanay sa mga larawang
sinusundan ng maikling kapsyon
kada larawan.
SANGKAP NG PICTORIAL ESSAY
1. TEKSTO
“Madalas may Journalistic Feel”
-Ngunit ang pinakainiikutan nito ay ang mga
larawan mismo. Tipikal na pictorial essay ang
pagkakaroon ng pamagat at pokus sa isang tema.

2. LARAWAN
TANDAAN :
Ang pictorial essay ay kaiba sa
picture story. Sa ikalawa, ang mga
larawan ay nakaayos ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari at ang layunin nito ay
magsalaysay o magkuwento.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA PICTORIAL ESSAY

1. Malinaw na paksa
2. Pokus
3. Orihinalidad
4. Lohikal na Estruktura
MALINAW NA PAKSA
• Pumili ng paksang mahalaga sa iyo
at alam na alam mo. Hindi kailangan
engrande ang paksang pipiliin.
POKUS
• Huwag na huwag lumuhis sa paksa.
Ang iyong malalim na pag-unawa,
pagpapahalaga at tamang
obserbasyon sa paksa ay mahalagang
sangkap tungo sa matagumpay na
pictorial essay.
ORIHINALIDAD
• Mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng larawan
• Maaari ring gumamit ng photoshop o iba pang software ng
kompyuter.
• Kung hindi ito magagawa, kumuha ng mga larawan sa mga
lumang album o magasin bilang panimula.
• Gumawa ng collage upang makalikha ng bagong larawan
• Kailangang ang pangkalahatang kahulugang ipinapahayag
ng nalikhang larawan ay orihinal sa iyo.
LOHIKAL NA ESTRUKTURA
• Isaayos ang mga larawan ayon sa
lohikal na pagkakasunod-sunod.
Kailangang may kawili-wiling simula,
maayos na paglalahad ng katawan
at kawili-wiling wakas.
KARAGDAGANG KATANGIAN
• KAWILIHAN - Gumamit ng mga pahayag na
nagpapahiwatig na Kinawiwilihan mo ang
iyong paksa nang kawilihan din ng mga
mambabasa.
• KOMPOSISYON - Yong mga artistik na kuha.
Ikonsider ang kulay , ilaw at balanse ng
komposisyon.
• MAHUSAY NA PAGGAMIT NG WIKA -
Iorganisa ng maayos ang teksto.
Sikapin din ang kawastuhang
gramatikal sa pagsulat. Ang mga
pagkakamali sa baybay, bantas, gamit
ng salita ang iba pang tuntuning
pangwika ay mga kabawasan sa husay
ng pictorial essay.
ANG PAGGAWA NG PICTORIAL
ESSAY
1. Pumili ng paksang tumutugon sa
pamantayang itinakda ng inyong guro.
2. Isaalang-alang ang iyong audience.
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat
at gamitin ang iyong mga larawa sa
pagkamit ng iyong layunin.
4. Kumuha ng maraming larawan.
5. Piliin at ayusin ang mga larawan
ayon sa lohikal na pagkakasunod-
sunod.
6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o
sa tabi ng bawat larawan.

You might also like