You are on page 1of 15

FILIPINO SA

PILING
LARANGAN
(Akademik)
Balik Aral:

BIONOTE
PAGSULAT NG
LARAWANG
SANAYSAY
LARAWANG SANAYSAY

 Kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng


kahulugan sa pamamagitan ng paghanay ng mga larawang
sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan.

 Ito ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inaayos


upang maglahad ng pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto, o
magpahayag ng damdamin.
DALAWANG SANGKAP NG
LARAWANG SANAYSAY

1 Larawan

2 Teksto
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA LARAWANG SANAYSAY
1. Malinaw na Paksa – pumili ng paksang mahalaga at alam mo.

2. Pokus – huwag lumihis sa paksa.

3. Orihinalidad – mainam na ang mismong gagawa ng larawang


sanaysay ang kukuha ng mga larawan.

4. Lohikal na Estruktura – isaayos ang mga larawan ayon sa


lohikal na pagkakasunod-sunod.
5. Kawilihan – ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong
paksa.

6. Komposisyon – piliin ang mga larawang may kalidad ang


komposisyon. Iyong mga artistik ang kuha.

7. Mahusay na Paggamit ng Wika – Iorganisa nang maayos ang


teksto
PAGGAWA NG LARAWANG
SANAYSAY
1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng guro

2. Isaalang-alang ang iyong audience

3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga


larawan sa pagkakamit ng iyong layunin

4. Kumuha ng maraming larawan

5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-


sunod

6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan


Halimbawa ng
Larawang Sanaysay
Gawain
Panuto: Gumawa ng isang larawang sanaysay tungkol sa
iyong sarili. Kunan ng mga larawan ang mga bagay na
magsisilbing representasyon sa iyong sarili. Gawing
malikhain ang pictorial essay. Ilagay ang pinal na awtput
sa long sized bondpaper. Maaaring ito ay naka-landscape
para magkasya ang mga larawan at maging ang mga
kapsyon dito. Gawing gabay ang halimbawa na larawang
sanaysay na nasa unahan nito.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Kaugnayan sa Paksa - 15 puntos


Pagkamalikhain - 10 puntos
Orihinalidad - 10 puntos
Kaayusan ng Balangkas
sa pagsulat at sa pagkuha
ng larawan - 15 puntos

Kabuuan - 50 puntos

You might also like