You are on page 1of 9

MGA

ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO NG
FILIPINO
YUNIT III
ARALIN 9
BATAYANG TEORETIKO
■ Ang estratehiyang ito ay nakabatay sa paniniwala ni
Robert Gagne (1962) Hierarchical Learning, na may
iba't ibang lebel ng pagkatuto ang pangkaalamang
kasanayan. Ito ay ang sumusunod: berbal na
impormasyon, kasanayang pangkognitibo, kognitibong
estratehiya, motor skills, at pagpapahalaga. Kailangang
isaayos ang pagkatuto mula sa madali hanggang sa
mahirap na lebel. Sa ganitong paraan matutulungan
ang mga mag-aaral na maabot ang mataas na antas ng
pagkatuto at maging mapanuri sa pag-iisip.
Isa pang konseptuwal na balangkas na pinangunahan ni Lev Vygotsky (1978), ang Social
Development Theory na nakakamit ang pagkatuto sa tulong ng iba pang kamag-aral o
kaibigan at sa gabay ng nakatatanda. Ang guro ang magsisilbing kaagapay ng mga mag-
aaral upang makamit ang tagumpay sa pagkatuto.
PAANO GAGAMITIN ANG
ESTRATEHIYA?
■ Bumasa ng mga akdang pabula, alamat, o mga awtentikong salaysay mula sa mga dati
nang isinulat ng mga mag-aaral.

■ Putol-putolin ang pagsasalaysay ng kuwento at ipahula ang susunod na mangyayari


batay sa inilahad na mga detalye.

■ Pagkatapos bumasa, gumawang tsart na nahahati sa tatlong kolum:


larawan/sitwasyon; pagtatala ng mga detalye; at pagbibigay ng hula.

■ Kapag napunan na ng mga detalye ang tsart, pag-aaralan ang mga koneksiyon nito sa
isa't isa at sa tunay na buhay.

■ Pagkatapos suriin ang mga detalye ay sumulat na ng hula.


HALIMBAWA NG BANGHAY-
ARALIN

Paaralan Baitang/
Dalawa
Antas

Banghay-aralin Guro
Asignatura Filipino
sa Filipino

Petsa/Oras Markahan Una


Filipino

I. Layunin (Objectives)
A. Pamantayang pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa
mapanuring pakikinig at pag – unawa sa
napakinggan.

B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F2PN – le – 9

Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa


kuwneto batay sa tunay na
pangyayari/pabula.

II. Nilalaman (Content) Pabula: Ang Leon at ang daga

Paghula sa susunod na mangyayari

Kuwento gamit ang Direct Reading


Thinking Activity (DRTA)
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian YouTube: Mga Kwentong Pambata

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Grade 2 Curriculum Guide p.


23
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-mag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang kagamitan mula


sa Portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo LCD projector, manila paper, at


permanent marker.
IV. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Elemento ng kuwento
Pagsisimula ng aralin
Tauhan

Tagpuan

Suliranin
B. Paghahabi sa layunin ng Aralin Direct Reading Thinking Activty (DRTA)

Sino ang tinaguriang hari ng kagubatan?

Bakit siya tinawag na hari?

Alamin natin kung gaano katapang ang hari at ano


ang hindi niya kayang gawin?

Huhulaan natin ang ilang pangyayari sa


mapakikinggang kuwento.

Basahin ang kuwento nang paputol-putol at


ipahula ang susunod na mangyayari.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa bagong Hula Ko, Sagot Ko!
Aralin
Ipakita ang ilang larawan mula sa kuwnto at
ipasabi ang susunod na mangyayari gamit ang
tsart.

You might also like