You are on page 1of 5

Ang Kambal

Sina Donna at Jonna ay kambal.


Kulot ang buhok ni Donna,
tuwid naman ang kay Jonna.
Mas matangkad si Donna kaysa kay Jonna.
Mahilig kumanta si Donna.
Magaling sumayaw si Jonna.
Ibigay ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang pamagat ng kwento?
a. Ang kambal b. Ang Magkapatid c. sina Donna at Jonna

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


a. si Donna b. si Jonna c. sina Donna at Jonna

3. Ano ang hitsura ng buhok ni Donna?


a. kulot b. tuwid c. maalon

4. Ano ang hitsura ng buhok ni Jonna?


a. kulot b. tuwid c. maalon

5. Sino ang mas matangkad?


a. Donna b. Jonna c. pareho sila

6. Ano ang hilig gawin ni Donna?


a. magluto b. kumanta c. sumayaw

7. Ano ang talento ni Jonna?


a. gumuhit b. kumanta c. sumayaw
Ang Aking Pamilya
Lima kami sa pamilya.
Sina tatay, nanay, ate, kuya at ako ang bunso.
Pumapasok sina nanay at tatay sa opisina kapag umaga.
Kami naman nina ate at kuya ay pumapasok sa
paaralan.
Tuwing gabi ay nagtutulungan sina nanay at tatay
sa paghahanda ng hapunan. Tinutulungan namin sila sa
pagliligpit ng mesa.
Nagtutulungan rin kami nina ate at kuya sa paggawa ng
takdang-aralin.
Ganito sa aming pamilya, nagtutulungan kaya masaya.
Ibigay ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kwento?
a. Ang Aking Pamilya
b. Sina Nanay at Tatay
c. Ang Masayang Pamilya

2. Kailan kaya nangyari ang kwento?


a. isang araw na bakasyon
b. isang araw na may pasok
c. isang araw na pumunta ang pamilya sa parke

3. Saan nangyari ang kwento?


a. sa bahay b. sa paaralan c. sa simbahan

4. Ilan sila sa pamilya?


a. 3 b. 4 c. 5

You might also like