You are on page 1of 7

Tuwing kakain sina Diding, tinitiyak ng nanay at tatay niya na masustansya

ang kanilang pagkain. May gulay at prutas, may isda at kanin. At may katas
ng sariwang prutas para sa inumin. Laging maganang kumain si Diding,
Pero isang araw, nang maghain ng pansit ang nanay ni Diding ,ayaw
na niyang kumain ng ibang pagkain.

“Pansit!Pansit! Mahahabang pansit.


Ikot-ikot sa tinidor. Dugtong-dugtong,
di maputol. Pansit! Pansit! Gusto kong
pansit! Araw-araw akong kakain ng
pansit. ‘Yon ang sabi ni Diding at
ganoon nga ang kanyang ginawa.

Humihingi siyang pansit sa umaga, sa


tanghali, sa gabi, pati sa meryenda.
Kahit ano ang ihain ng nanay niya,
pansit lang talaga ang gusto niya!
Pero isang araw, nag bagong hilig si Diding. Longganisa naman ang na
gustuhan niya.“Mataba, mahaba at mapula. O kay sarap- sarap ng
longgganisa. Paborito ko sa umaga, tanghali o gabi. Kahit sa meryenda,
gusto ko’y longganisa!” ‘Yon ang sabi ni Diding, at puro longganisa ang
kanyang kinain.

Kahit alukin siya ng gulay ng kanyang


Tatay. Kahit alukin siyang isdang
kanyang Nanay. Longganisa lang ang
gusto niyang tunay.
Minsa’y nag-uwing siopao ang kanyang Tatay. Mula noo’y puro siopao ang
hinahanap ni Diding. “Siopao ang gusto ko sa almusal. Siopao din sa tanghalian.
Kahit sa hapunan, gusto ko’y siopao. Pati baon ko, puwede po bang siopao?”
‘Yon ang sabi ni Diding at puro siopao lang ang kanyang gustong kainin.

Pero hindi tama ang gayon, di ba? Kung


ano ang nakahain, ‘yon ang dapat
kainin. At ganon ang sinabi ng Nanay
at Tatay niya kay Diding.
Pinatulong nila si Diding sa paghahanda
ng pagkain. Nalaman ni Diding na
pinag-iisipan palang mabuti ng Nanay
at Tatay niya kung ano ang kakainin
nila. “Kailangan, iba-iba,” sabi ng Tatay
niya.

“Kailangan, masustansiya ,” sabi ng


Nanay niya. Nalaman din ni Diding na
pinaghihirapan nila ang paghahanda
ng pagkain nila.
Kaya kapag hindi kinakain ni Diding
ang pagkaing nakahanda sa mesa,
nasasayang ang pagod ng Nanay at
Tatay niya. Hindi rin sapat ang
sustansiyang nakukuha niya para
maging malakas at masigla.

Mula noon, hindi na mapili sa pagkain si


Diding. Kung ano ang nakahain, ‘yon
ang kanyang kinakain.

You might also like