You are on page 1of 3

5 Steps in preparing organic fertilizer.

1. Go through your kitchen waste. Look for vegetables and


fruit peelings, over-ripened fruits and vegetables, nuts,
eggshells, and leftover kinds of seafood. But do not include
oils, fatty meats, and milk product. They will make your
compost pile a wet mess and produce an annoying odor.
Then put these items on a well-drained, level, and open
area.

2. Add other organic materials to the compost like wood ash


or sawdust to the compost to help speed up the composting
process, if you have. You can also add the excess manure
to the compost. 

3. Collect some garden waste like grass clippings and leaves,


dried leaves, and earthworms for a nutrient-rich fertilizer.

4. Create the compost. Combine prepared kitchen waste with


the garden waste already in the compost bin. Spin the
compost bin 2 to 3 times a day for best results.

5. Wait for the compost to achieve a soil-like mixture that is


dark in color. Once the compost reaches this appearance, it
is ready to be spread. Use a garden fork to spread the
compost on the garden fields you want to fertilize. Apply
the right amount of compost and wait for the fertilizer to
seep in, see some effect on the areas applied before you add
more.
Isang araw ng Sabado sa tahahanan ng mga Escosar, masayang nanood ang
panganay na anak si Eryn ng isang programa tungkol sa pagtatanim ng gulay sa
bahay gamit ang vertical gardening. Habang ang kanyang ina ay nagsasampay ng
mga damit sa likod ng bahay ay dali-dali niya itong pinuntahan.

“Ma may napanood po ako sa telebisyon.’’ sabi niya sa kanyang ina.

“Ano naman iyon anak?’’ tanong ng kanyang nanay.

“Tungkol po iyon sa pagtatanim ng mga gulay gamit ang vertical gardening,


subukan po natin.” Sagot ni Eryn.

“Naku anak, baka gagastos tayo ng malaki niyan, alam mo namang walang
trabaho ngayon ang Papa mo ngayon dahil sa pandemyang kinakaharap ng buong
mundo.” May pag aalalang sagot ng kaniyang ina.

“Sige na po Ma, hindi po tayo gagastos ng malaki dahil maaari po tayong gumamit
ng mga recycled materials para sa paglalagyan ng ating mga pananim at maaari
din po tayong gumawa ng organic fertilizer, gamit naman po ang mga tuyong
dahon, mga balat ng prutas at marami pang iba. Huwag lang po ang mga
mamantikang produkto, hindi daw po magiging maganda ang magiging produkto
nito.”

“Higit pa po kapag tayo ay nakapagtanim maaari pong hindi na tayo bibili pa,
malaki po ang matitipid natin at maaari din po tayo na ang magbenta sa ating mga
kapitbahay kapag nagkataon Ma.” paghihikayat ni Eryn sa kanyang ina.

“O, diba! Magkakaroon pa po tayo ng pagkakakitaan kung sakali.’’ Masayang


dagdag ni Eryn.

“Mukhang may punto ka anak”.

“O, sige bukas ay sisimulan natin iyang pagtatanim, puntahan mo na ang Papa mo
at tanungin kung maaari ba niya tayong tulungan sa paghahanap ng mga
kakailanganin natin sa pagtatanim.’’

“Yehey! Sige po Ma, maraming salamat po!’’ tuwang-tuwang sagot ni Eryn.

At bumalik si Eryn sa loob ng bahay na masaya. Hinanap niya ang kanyang ama
na sa oras na iyon ay naroroon pala sa kusina at nagluluto.

“Pa!” malakas na tawag ni Eryn.

“Oh anak ano yun?” sagot ng kanyang ama.

“Gugulatin mo pa ako, alam mo namang hindi ako magugulatin.” Nakatawang


sambit ng kanyang ama.

“Maaari mo po ba kaming tulungan ni Mama na maghanap ng mga kakailanganin


namin sa pagtatanim?” tanong ni Eryn.
“Abay oo naman anak, marami tayong oras para diyan.” “Bukas na bukas din ay
maaari na nating simulan.” Masayang sagot naman ng kanyang ama.

Kinabukasan ay sinimulan na ng mag-ina ang pagtatanim ng gulay gamit ang


vertical gardening. Masaya silang nagtatanim at tinuturuan siya ng kanyang ina
kung paano ang tamang pangangalaga ng mga ito. Katulad ng tamang pagdidilig,
pagbubungkal ng lupa, at paglalagay ng abono. Habang sila ay nagtatanim,
biglang tumawag ang kanyang kaklase at nagtatanong tungkol sa aralin sa music
dahil hindi niya naintindihan ang aralin tungkol sa rhythmic patterns. Ipinaliwanag
niya ito sa pamamagitan ng videocall. Tuwang-tuwa siyang pinasalamatan nito
dahil naintindihan na niya ang tungkol sa kanilang aralin.

Bumalik si Eryn sa pagtatanim at tinulungang muli ang kanyang ina. Bigla nitong
naalala ang aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa Pilipinas.

“Ma, alam mo po ba na ang Pilipinas ay matatagpuan sa kontinente ng Asya at


rehiyon ng Timog Silangang Asya?” tanong niya.

“Oo, anak, napag-aralan na rin namin iyan ngunit hindi ko na matandaan kung
ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas.”sagot ng kanyang ina.

“Ay Ma, ako po alam ko na po, ito ay nasa 4° at 25° Hilagang Latitud at 116° at
127° Silangan Longhitud.” masayang sagot niya.

“Mabuti naman anak at alam mo na ang mga iyan.”

“Opo Ma, masaya po akong malaman ang mga ito.”

“Ang Pilipinas din po ay may Tropikal na Klima, ang Tag-ulan at Tag-init, kaya
maganda po ang magtanim dito lalo na po ng mga gulay.”

“Sa katamtamang ulan at init ay makakapagpatubo tayo at makakaani ng mga


magagandang tubo ng gulay.” pagpapaliwanag ni Eryn.

Masayang tinapos ng mag-ina ang pagtatanim.

“Anak, halika at tayo ay magmeryenda muna, nagluto ang Papa mo ng minatamis


na saging.” Yaya ng kanyang ina.

Masayang bumalik sa loob ng bahay ang mag-ina at pinagsaluhan ang minatamis


na saging na saba kasama ama.

You might also like